Ex-couple John Prats and Bianca Manalo bump into each other at Star Magic Ball

Bianca Manalo: “Kasi bilang babae, kapag nasaktan ka, masakit. Naniniwala ako na you can wallow, you can grieve, but you have to give your grief a deadline.” At the sixth Star Magic Ball, nearly four months after John Prats broke up with her, Bianca and John see each other for the first time.


Tatlong buwan at dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang maghiwalay ang dating magkasintahang sina John Prats at Bianca Manalo.

Matatandaang hindi ibinigay ng beauty queen turned television host and actress ang rason kung bakit sila naghiwalay. Ngunit inamin ni Bianca na si John ang nakipag-break sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa unang pagkakataon mula pa ng kanilang breakup, nagtagpo muli ang landas ng dalawa sa naganap na ika-anim na Star Magic Ball kagabi, Setyembre 1, sa Makati Shangri-La Hotel.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina John at Bianca na halos magkasunod na naglakad sa red carpet, papasok ng Rizal Ballroom kung saan naganap ang pagdiriwang. Mayroon lamang mga tatlong tao sa pagitan ng dating magkasintahan.

Nang mahagilap ng PEP.ph si John, naglalakad ito sa red carpet. Tinanong namin ito kung anong pakiramdam at kasunod lamang niya ang dating girlfriend. Awkward ba ito?

Natatawang pag-amin ng Banana Split actor, “Awkward... Naging honest talaga?”

Pagbawi pa nito, “No, no… Well, I don’t know kung paano ko sasagutin yun.”

Mapapansing mag-isang naglakad sa red carpet ang 28-year-old actor. Ayon kay John, kasama raw dapat niya ang kanyang kapatid na si Camille Prats bilang date, subalit hindi raw pinayagan si Camille ng GMA-7, kung saan nagtatrabaho ngayon ang former Star Magic talent.

Sinabi ni John na first time nga uli nilang magkikita ni Bianca: “After a long time…yeah.”

Nag-react din ito nang tanungin kung palagay niya ba’y bagay kay Bianca ang maiksing buhok. Kamakailan lamang nang magpagupit nang halos hanggang tenga na ang 2009 Binibining Pilipinas-Universe.

“It looks nice!” sabi pa ni John.

Sa panayam, naitanong din kay John kung pinaplano ba niyang lapitan at kausapin si Bianca mamaya sa ball.

Sagot nito, “Hindi ko pa alam. Hindi ko pa naman naplano. But we’ll see later.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung makakausap niya si Bianca, anong sasabihin niya dito?

Bungisngis ni John, “Hi! Nice hair!”

BIANCA MANALO. Ilang minuto matapos kausapin ng PEP.ph si John sa red carpet, sumunod na dumaan si Bianca.

Suot nito ang isang tube black and bronze gown na gawa ng Cebuano fashion designer na si Philipp Tampus. Mainit-init pa ang gown ni Bianca galing Cebu nang sunduin niya ito sa airport nang umagang iyon.

Masayang kuwento niya, “First time ko i-fit! Buti na lang kasya!”

Binanggit din nito na first time niyang dumalo sa Star Magic Ball.

“I’m happy. I don’t know what to expect. Pero I’m sure this is going to be fun!”


NEW HAIR CUT. Nang batiin ang kanyang bob cut, natuwang sinabi ni Bianca, “I know! I know! Iba [siya]!

“Kasi parang hindi ako yung maya’t maya [galaw nang galaw], di ba?

“Maya’t maya, di ba, pag long hair ka, tsine-check mo yung curls mo or yung straight hair mo…kung mamaya naka-angat o wala. Ngayon parang easy breezy lang!”

Anong nagtulak sa kanya upang ipagupit ang buhok?

Paliwanag ng beauty queen, “It’s for my endorsement. It’s part of my contract with them—Matrix-L’ Oreal.”

Sinabi ni Bianca na nung una ay nahirapan itong mamaalam sa dati niyang mahabang buhok: “Masakit sa akin na i-let go kasi lagpas sa belly button yung hair ko, e.”

Hindi nagtagal ay napusuan na rin niya ang maiksing buhok.

“Bumagay naman, so okay lang.”

CUTTING HAIR MEANS MOVING ON? Sa showbiz, kadalasang nagpapagupit ng buhok ang mga artistang babae matapos manggaling sa isang breakup.

Totoo ba ito para kay Bianca?

Well actually, kahit itanong niyo pa si John, nung kami pa lang alam niya na ika-cut ang hair ko ng August.

“And kung tungkol ito sa breakup, e di sana, four months ago ko pa ito ginawa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN AT THE BALL. Nang mabanggit ni Bianca si John, sinabi ng PEP na kani-kanina lamang ay binati ng aktor ang gupit ni Bianca.

Napatigil ang beauty queen, sabay sambit, “A, wow.”

Pinagpatuloy nito, “Actually…hindi pa kami, hindi ko pa siya nakikita.

“In case makita ko siya, this is going to be the first time after the breakup!”

Bulalas ni Bianca, “Exciting ‘to! This is going to be fun!”

VERY HAPPY. Masaya naman daw si Bianca sa takbo ng buhay niya simula noong maghiwalay sila ng dati niyang katrabaho sa Happy Yipee Yehey.

I’m very, very happy. I’m happy now. I’m enjoying the company of my family and friends.

“Sa ngayon po… yun po muna. Time to enjoy all by myself and focus sa career.”

Ukol sa pagiging bukas sa mga bagong manliligaw, inamin ni Bianca na walang namimintuho sa kanya ngayon.

Ay! Alam niyo, walang nanliligaw sa akin! Walang nakikipag-date.

“Di ko alam kung bakit! Ito na naman tayo. Here we go again. Kapag single ako, wala talaga. Nga-nga aketch!” natatawang saad nito.

Gayunpaman, bukas daw ang loob nito sa mga bagong posibilidad.

“Why not, why not? You know, I’m young, I am happy. So, kung may ma-meet man ako or may magpakilala, sino ba naman ako para… di ba? Open ako.”

CATCHING UP WITH JOHN. Hindi raw mamasamain ni Bianca sakali mang lumapit at kausapin siya muli sa ball ng dating nobyo.

Oo naman! I think nothing’s going to be wrong with that. Wala namang magiging problema dun.

“Marami naman kaming magagandang pinagsamahan together, mga masasayang memories so I don’t think na magkaka-problema.”

Dadgdag pa nito, “Ayoko naman magsalita, ayoko naman pangunahan. Kung ano na lang yung mangyari, go with the flow.”

Wala rin daw siyang sama ng loob kay John kahit nakipaghiwalay ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niyo, ako kasi, masaya na siya, e. Masaya na rin ako. Yun na ang mahalaga.

“Mas masaya na kami sa bawat ginagawa namin. Kung ano man pong ginagawa namin, masaya na kami.”

GRIEVING HAS A DEADLINE. Naging matatag ba si Bianca noong mga nakalipas na tatlong buwan at dalawang linggong kumakalimot ito?

Sabi niya, “Hindi rin. Kasi bilang babae, kapag nasaktan ka, masakit.

“Naniniwala ako na you can wallow, you can grieve, but you have to give your grief a deadline. Na, ‘Oops, sandali, hanggang dito lang ako.’ Or tama na yun.

“Naiyak mo na, e. Okay na. Kasi, di ba, ako naniniwala ako sa … Kapag mahina ka, iiyak mo lang!

“Mahina ka ngayon, e. Pero dadating ang panahon, lalakas din ang loob mo.”

Malakas ang tiwala ni Bianca na mayroon pang darating na pag-ibig para sa kanya.

Wika nito, “Yes, yes! Pero at the moment, I am trying to enjoy nga muna.

“Wala naman pang [iba]. So kapag dumating, tignan na lang natin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN