PART 1: Dingdong Dantes on being a movie producer: “It’s not just about the money. Yung mga detalyeng pagdadaanan mo araw-araw para lang mapasaya mo ang audience mo.”

Mas mataas na raw ang tingin ngayon ni Dingdong Dantes sa local movie producers matapos ng pinagdaanan niya bilang co-producer ng Tiktik: The Aswang Chronicles. “Oo, sobra. Ang taas talaga ng tingin ko sa mga producers natin. Kung gaano kahirap talagang gumawa ng isang movie, how hard it is…That’s why I can’t imagine lahat ng pinagdaanan nina Mother Lily, GMA Films, Star Cinema, Viva Films…yung mga batikan sa indu


Matapos ang 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Segunda Mano bilang unang proyekto, malapit nang ipalabas ang pangalawang pelikulang iprinodyus ni Dingdong Dantes, ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Kasama ng Agostodos Pictures ni Dingdong, bilang co-producers ng Tiktik, ang Reality Entertainment Inc., Postmanila Inc., Mothership Inc., at GMA Films.

Ang Tiktik, na pinagbibidahan din ni Dingdong, ay ipapalabas na sa October 17.

DINGDONG THE PRODUCER. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa 32-year-old actor nung Agosto 19, sa Baang Coffee Shop sa Tomas Morato, Quezon City, natanong ito kung paano niya nahihiwalay ang pagiging aktor at producer.

“Mahirap po,” sagot ni Dingdong.

“Siyempre, hangga’t maaari gusto niyong pagandahin ang eksena. Lahat ng posibleng ideya, ibubuhos niyo.

“Pero siyempre, iisipin mo na may kaakibat na budget yun.

“So, medyo magdadalawang-puso ka. Hindi isip, e. Puso,” natatawang dagdag pa niya.

“Pero mangingibabaw pa rin sa akin ang quality ng produkto.”

Magkasunod na horror films ang prinodyus niya. Bakit hindi ibang genre tulad ng comedy o drama?

“Meron kasing something na…it’s a fact na computer generated siya [Tiktik], mula umpisa hanggang dulo, na para sa akin, nae-excite ako as a viewer. I find it very interesting.

“So, iniisip ko rin as an audience, as a moviegoer, na bukod sa normal na napapanood nating aswang story, may added value na bihira nating nakikita…

“Well, actually, hindi pa nakikita sa Philippine Cinema,” pagmamalaking sabi ni Dong tungkol sa mula umpisa hanggang katapusan ng pelikula na nilantayan ng CGI o computer-generated imagery.

Bilang producer, mas lalo raw niyang naintindihan ngayon ang local film producers.

“Oo, sobra. Ang taas talaga ng tingin ko sa mga producers natin. Kung gaano kahirap talagang gumawa ng isang movie, how hard it is.

“Hindi lang dahil sa maglalabas ka ng pera. It’s not just about the money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga detalyeng pagdadaanan mo araw-araw para lang mapasaya mo ang audience mo.

“That’s why I can’t imagine lahat ng pinagdaanan nina Mother Lily, GMA Films, Star Cinema, Viva Films…yung mga batikan sa industriya,” banggit pa niya kay Lily Monteverde ng Regal at iba pang malalaking local film productions.

Nang umoo raw si Dingdong na maging isa sa producers ng Tiktik: The Aswang Chronicles, all-out na raw siya agad.

“Ano ako, hindi ko na kinunsider yung fact na, of course, as a businessman, gusto mo, maganda yung returns.

“Pero yung value niya na idaragdag mo sa listahan ng mga pelikulang nagawa ko e priceless yun.”

PROMO IS ALL SET. Nakahanda na rin daw ang promotions na gagawin nila para sa Tiktik: The Aswang Chronicles.

Magkakaroon sila ng ilang campus tour, bukod pa sa radio at theater tours.

Sabi nga ni Dingdong, “Malaking bulk ng tina-target naming manonood ay mga students na interested.

“Not only the film students, kundi yung mahilig manood ng pelikula na, ‘Uy, kaya pala natin ‘yan. Paano ba ginawa yan?’

“Sa school tour namin, kasama namin ang graphic director.

“Si Direk Erik Matti kasama namin, ako, si Lovi rin.”

Si Lovi Poe ang leading lady niya sa pelikulang ito.

“We will entertain questions, kung ano ang naging experience namin while shooting it.

“’Tapos, we also have a tie-up with National Bookstore. Katulad ngayon, nakalabas na rin po ang komiks ng Tiktik.

“Pupunta kami at bibisitahin namin ang National Bookstore at mag-o-autograph signing.”

At siyempre, kasama rin sa pagpo-promote ang social media.

“Malaking bagay rin po talaga ang social media.

“Kumbaga, sa pang-araw-araw, pagbukas ng computer, cellphone natin, imposibleng hindi natin matitingnan yun.”

DINGDONG, THE HORROR KING? Sa trailer, mapapansin na marusing ang hitsura niya bilang ang bida sa pelikula na si Makoy.

Natawa si Dingdong, sabay sabi, “Ayoko rin naman ng malinis na goody-goody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin typical role ko yun, kaya nagustuhan ko yun, na-excite ako.”

May nagtanong naman kay Dingdong, kung sakali at tawagin daw siyang “Horror King,” ok lang daw ba sa kanya?

“Ok lang, ok lang sa akin yun. Walang problema,” nakangiti naman niyang sagot.

E yung siya na ang maging actor, director, at producer ng pelikula, ok lang ba sa kanya?

“Yes. Pero, hindi ko pa siya nagagawa ‘all-in-one.’ Hindi, e.

“Definitely, ayokong ako ang maging director, tapos ako ang artista. It’s not my style.

“May iba, ganoon. Pero ako, hindi po.

“Kasi ako, kapag nasa actor mode ako, umaasa rin ako sa director. And ganoon kataas ang tiwala at respeto ko sa kanya.

“Hindi ako makaka-function well kung yun ang pagbabasehan ko,” lahad pa ni Dingdong tungkol sa posibilidad na maging actor-director-producer para sa iisang pelikula.

FOLLOWUP TO TIKTIK? May followup movie ba ang Agostodos Pictures sa Tiktik: The Aswang Chronicles?

“Well, mag-uusap pa kami ng GMA Films kasi they have films lined-up for me.

“Also Viva Films, kasi I believe, may mga line-up din sila.

“Sa amin naman, kami nina Dondon at Erik Matti, we have two or three that we are talking about and we’re excited about it.”

Sina Dondon Monteverde at Direk Erik ang may-ari ng Reality Entertainment, Inc., na co-producer ni Dingdong sa Tiktik: The Aswang Chronicles.

“Siguro dapat yung tamang project at alam mong worth it talaga, na pag-invest-an hindi lang ng salapi kung hindi siyempre ng sarili mo.”

Kahit na hindi pa gaanong nakakabalik sa panlasa ng Pilipinong manonood, “hard action” daw ang gusto sanang isunod ni Dingdong na i-produce.

Pero hindi lang basta action, sabi ni Dingdong.

“So, we want to make a film na walang limitasyon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN