PART 2: Dingdong Dantes impressed with work habits and acting talent of Tiktik: The Aswang Chronicles leading lady Lovi Poe

Dingdong Dantes on his Tiktik: The Aswang Chronicles co-star Lovi Poe: “Well, generally, she’s a very good actress. Sobrang serious siya sa mga ginagawa niya kahit kapag napapanood ko siya sa mga teleserye niya. At parang she enjoys working talaga. Parang workaholic siya."


Unanimous choice daw ni Dingdong Dantes at ng kanyang co-producers si Lovi Poe bilang leading lady sa Tiktik:The Aswang Chronicles.

“If you’ll watch the movie, sobrang bagay na bagay siya,” ani Dingdong tungkol sa morenang aktres, sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press sa Baang’s Coffee Shop sa Tomas Morato nung August 19.

“At para sa akin, sobrang effective siya sa horror, e.

“Imagine, ang kuwento ko nga noong ginagawa namin ‘to, yung Tiktik, hindi pa niya nauumpisahan ang Aswang niya.

“So, ginawa niya while making this one. Then, she had Guni-Guni.

“So, you can see kung gaano ka-effective sa kanya ang mga roles na ganyan.”

Ang Aswang ang 2011 horror movie ni Lovi, habang ang Guni-Guni naman ay ang horror movie ng aktres na ipinalabas ngayong taon.

Last year pa inumpisahang gawin ang Tiktik: The Aswang Chronicles, kaya’t sumabay sa pag-shooting ni Lovi rito ang Aswang.

WORKAHOLIC LOVI. “Well, generally, she’s a very good actress. Sobrang serious siya sa mga ginagawa niya kahit kapag napapanood ko siya sa mga teleserye niya.

“At parang she enjoys working talaga. Parang workaholic siya.

“Minsan, she comes to the set na walang tulog.

“Noong time na yun, ginagawa pa nila ang Captain Barbell. Ganoon na katagal.

“’Tapos dire-diretso siya at all energy pa rin, and she delivers very well.

“Plus the fact na palagi niyang gustong i-excite ang mga fans niya. Siguro sa kanyang physical appearance, sa kanyang roles.

“So, nae-excite siya sa mga ginagawa niya kaya nae-excite din ang mga fans niya.”

Nakonsidera rin ba ni Dingdong sa pagkuha kay Lovi ang involvement noon ng aktres sa isyu sa pagitan nina Heart Evangelista at Marian Rivera, ang kasintahan ni Dingdong?

Matatandaang nagkaroon ng alitan sina Marian at Heart, at sa gitna nito, nasabit ang pangalan ni Lovi bilang siyang nakakaalam ng tunay na nangyari sa pagitan ng kanyang Temptation Island co-actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas pinili ni Lovi na manahimik tungkol dito. (CLICK HERE to read related story.)

“Para sa akin, kung meron man, which ako, hindi ko masasagot kung may isyu kasi, magandang sa kanila na lang ‘yan.

“Basta ako, kung sino ang perfect for the role. Again, I will put on my producer’s hat, nothing personal. Doon ako.

“Anything that will make the movie effective.

“And besides, I believe naman na kung meron man personal, it’s nothing below-the-belt. And personally, I believe there’s no issue between them. Ok ang lahat.”

Bakit nga ba hindi na lang si Marian ang kinuha niyang leading lady sa Tiktik: The Aswang Chronicles?

“Lovi was really, from day one, perfect for the role,” sagot ni Dingdong. At abala rin naman daw noong panahon na yun si Marian sa sariling mga proyekto.

IMPRESSED WITH LJ TOO. Bukod kay Lovi, bumilib din daw siya kay LJ Reyes sa pelikula bilang isang aswang.

“Ang galing niya rito. She’s a certified stunt woman. Panoorin niyo, ibang klase.”

Nasabi niya ito dahil katulad ng iba pang kasama sa pelikula, kailangang iakto ni LJ ang role bilang aswang, na kailangang akma sa ilalapat na CGI o computer-generated imagery.

“Yun ang challenge ng pagiging actor. Kailangan talaga yung mga visuals na wala naman diyan, bubuhayin mo.”

CO-PRODUCING WITH MARIAN. Si Marian ba, hindi niya niyayang maging producer?

“Oo, open naman siya, basta gusto niya,” sagot ni Dingdong.

Pero sa isang interview, sinabi raw ni Marian na wala itong interes sa pagpo-produce at hayaan na lang ito sa boyfriend.

“E, di mag-ambag na lang siya kung gusto niya,” nakangiting sabi ng binata.

“Pero siyempre, depende rin sa trip niya. Depende rin sa project, siguro kung type niya, di ba?”

DINGDONG THE BUSINESSMAN. Sa isang interview naman sa manager ng aktor na si Perry Lansigan, sinabi nito na goal talaga ni Dingdong na maging producer sa showbiz at natural na ang pagiging businessman nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala! Hindi. Siya lang yun. Siya lang nagsabi no’n,” tila nahihiya namang tugon ni Dingdong.

Pero sa kapipilit ng PEP, nabanggit na rin ni Dingdong ang iba pang negosyo niya.

“Merong construction. Nagtatayo kami ng town house, tapos, binebenta namin.

“So, yun sana, bisitahin nila. Kasama ko po ro’n ang mga pinsan ko. Ang pangalan ng company, Tres Primos.”

Si Marian naman daw ay ang pagpapaupa ng apartment ang negosyo.

Napag-uusapan ba nilang magkasintahan ang kani-kanilang mga negosyo?

“We don’t talk about it. Honestly,” ngiti niya.

“Ako, hangga’t maaari, hindi.

“Let’s put it this way…there are more interesting things to talk about.

“Parang kapag dumating sa ganyan, baka maging sobrang intrusive naman ako. Baka hindi siya comfortable.

“May mga bagay na, siguro, mas magandang kanya-kanya muna ngayon. But, hindi rin naman pumasok sa amin to talk about things like that.”

Wala ba talaga sa isip nila ni Marian na mag-partner sa negosyo?

“Posible naman yun, posible naman,” sagot ni Dingdong.

“Since same naman ang interest namin pagdating sa ganyang larangan.

“Pero hindi pa naman namin nagagawa. Although, she’s thinking about something, na isang malaking project. Siguro, baka do’n sa project na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN