Andrea Torres looks up to Marian Rivera and Heart Evangelista as her idols

“Si Marian, kahit saan mo ilagay, magaling siya. Sa comedy, magaling. Horror, magaling. Romcom, magaling. Sa drama, magaling din. Ganun. Si Heart naman, gusto ko yung the way she carries herself. Parang napakaano niya, napaka-precious niya. Parang ganun pag tinitingnan mo siya,” says Andrea Torres about Marian Rivera and Heart Evangelista, two Kapuso female stars she idolizes.


Ayon kay Andrea Torres, pangatlong proyekto na niya sa GMA-7 ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Una, yung Blusang Itim and then My Beloved, tapos ito na pong Sana Ay Ikaw Na Nga,” panimulang sabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP ang dalaga sa presscon ng Sana Ay Ikaw Na Nga, ang bagong Kapuso teleserye, na ginanap sa Excess Superclub Timog nung August 23.

Ang Blusang Itim ay ang 2011 remake for TV ng 1986 movie ni Snooky Serna. Ang remake ay pinagbidahan ni Kylie Padilla.

Ang My Beloved naman ay ang 2012 romance-drama-suspense teleserye starring Marian Rivera and Dingdong Dantes.



A FORMER KAPAMILYA. Dating Kapamilya si Andrea.

“Nung bata pa po ako, fifteen pa lang, I did Qpids, reality-based loveteam search siya.”

Back in 2005 pa nung maging isa ang loveteam nila ni Dominic Roco sa mga loveteams na naglalaban-laban para sa titulong “Ultimate Loveteam” ng Qpids.

Pinagwagian ang loveteam search nina Paw Diaz at Mikel Campos, habang nagtapos sila ni Dominic sa sixth place.

Pagkatapos ng Qpids ay pa-guest-guest na lang daw siya noon sa ASAP at lumabas na rin sa Maalaala Mo Kaya.

Matapos ang tatlong taon sa ABS-CBN, nagdesisyon si Andrea na lumipat ng istasyon.



AS A KAPUSO. Sa GMA-7, napasama siya sa tatlong hosts ng teen-oriented magazine show na Ka-Blog! kasama sina Monica Verallo at Mico Aytona.

Nang magtapos ng airing ang Ka-Blog! nung 2010 ay nagkaroon siya ng guest-host stint sa “Chika Minute Segment” ng 24 Oras, ang primetime news program ng Kapuso station.

May guestings din siya, sa Kapuso station pa rin, sa dalawang episodes ng Spooky Nights, at nakalabas nga sa Blusang Itim at My Beloved.

Ngayong 2012, very grateful daw siya at nabigyan siya ng GMA-7 ng pinakahihintay niyang break.

“Kasi marami po ang nagsasabi, baguhan pa lang daw ako.

“Pero hindi, ang tagal ko na talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, hindi nila ako napapansin sa liit ng mga nagagampanan ko.

“Actually, wala namang small roles. Pero siguro hindi ganun ka-risky yung mga nagagawa ko,” pagbabalik-tanaw ni Andrea sa kanyang mga naging role.



CIARA SOTTO LOOK-ALIKE? Manager ni Andrea ang mister ni Ciara Sotto na si Jojo Oconer.

Marami ang nagsasabi na kahawig ni Andrea si Ciara.

“Nakakatawa nga po, nung naging manager ko siya,” sabi niya tungkol kay Jojo Oconer.

“Kahit yung mga hindi alam na manager ko siya, bigla akong nakakakuha ng mga comments na, ‘Ay, kamukha mo si Ciara Sotto!’”

Paano ba niya naging manager si Jojo?

“Dati po kasi may Lenten special yung APT, tapos nag-guest po ako dun. Tapos, ayun, nagpakita po sila ng interes.”

Ang “APT” ay ang APT Entertainment ni Tony Tuviera, kunsaan chief operations officer (COO) si Jojo.

Bukod kay Andrea, talent din ng APT sina Julia Clarete at Erika Padilla.

Co-managed si Andrea ng APT at ng GMA Artist Center.

May mga nagsasabing mas maganda raw siya kay Ciara, ano ang masasabi niya rito?

“Wala pa namang nagsabi!” kontra ni Andrea.

“Hindi. Pareho kaming ano...nagagandahan ako sa kanya.

“Gusto ko siya in person. Ang ganda niya at ang seksi niya,” ani Andrea tungkol kay Ciara.

Marunong ba siyang mag-pole dancing katulad ni Ciara?

“Hindi nga, e. Iyon ang isa pang gustung-gusto ko sa kanya.

“Nakapagaling niyang mag-pole dancing.

“Pero ako, hindi ko kaya, parang ang hirap. Hindi ko pa na-try.”



MIKAEL LINKED TO MEGAN. Nali-link ang kapareha niya sa Sana Ay Ikaw Na Nga na si Mikael Daez sa Kapamilya talent na si Megan Young.

Sa tingin ba niya’y makakaapekto ito sa loveteam nila ni Mikael?

“Hindi naman. Kasi hindi din naman namin napag-uusapan.

“Tapos ano, wala, nagba-bonding lang naman kami. Ganyan...so, parang wala.”

Two years ago pa nung huling magka-boyfriend si Andrea, at sa kasalukuyan ay single ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba niya’y malaki ang posibilidad na magka-develop-an sila ni Mikael sa show?

“Lagi namang nandun yung possibility.

“Pero ayokong unahan, kasi parang, siyempre, baka mailang.

“Basta ngayon, gusto ko one step at at time.

“Like ngayon, kailangang maganda yung chemistry namin. So, yung bonding muna.

“Kinikilala ko muna siya—ano ba yung mga hobbies niya? Ano ba yung ugali niya? Ganun.

“Kasi ako rin naman, pag pumapasok ako sa relationship, napakaseryoso ko.

“Gusto ko, kilalang-kilala ko yung tao,” sabi pa ni Andrea.

Hindi naman daw niya ikinakatakot na baka hindi mag-work ang tandem nila dahil nali-link nga si Mikael sa iba.

“Hindi naman. Kasi nakikikita ko naman na maganda talaga yung rapport namin.

“At saka, kumbaga, kung anuman yung closeness na meron kami, nagre-reflect talaga siya.

“Hindi namin kailangang pilitin, like yung mga palambing-lambing niyang ganyan na hinahawakan niya ako?

“Kumbaga, natural lang. Natural lang siyang nangyayari.”

So, puwedeng mauwi sa totohahan?

“Ewan ko,” sabay-tawa ni Andrea.

Wala ba siyang pag-aalala na baka mahulog nga ang loob niya kay Mikael?

“Wala naman. Kasi sa pagkakakilala ko naman kay Mikael, very responsible siyang tao, ‘tsaka very smart siya.

“Wala naman akong fear. Ini-enjoy ko lang.

“Hindi naman sa hindi puwedeng mangyari. Hindi ko lang iniisip talaga.

“At saka hindi naman ako natatakot na baka may ganung mangyari, dahil ini-enjoy ko lang kung anong meron ngayon.”

NO TO BOYS FOR NOW. Hindi rin daw muna siya nag-e-entertain ng mga manliligaw ngayon.

“Work muna talaga,” sabi pa ni Andrea.

Naka-focus daw siya nang husto sa Sana Ay Ikaw Na Nga, na pinasikat na teleserye noon nina Tanya Garcia at Dingdong Dantes.

Kasama nina Andrea at Mikael sa naturang drama series sina Alicia Alonzo, Rita Avila, Jestoni Alarcon, Ynna Asistio, Jace Flores, Jan Marini, Marky Lopez, Chynna Ortaleza, at Gabby Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula na ito bukas, September 3, sa GMA Afternoon Prime, mula sa direksiyon ni Roderick “Dick” Lindayag.

IDOL KAPUSO STARS. Dalawa namang babaeng Kapuso stars ang gusto ni Andrea na masundan ng yapak.

“Marian Rivera siyempre, at Heart Evangelista.

“Si Marian, kahit saan mo ilagay magaling siya.

“Sa comedy, magaling. Horror, magaling. Romcom, magaling. Sa drama, magaling din. Ganun.

“Si Heart naman, gusto ko yung the way she carries herself.

“Parang napakaano niya, napaka-precious niya. Parang ganun, pag tinitingnan mo siya.”

Isa pang Kapuso star na naging instant fan siya nang makilala nang personal ay si Jennylyn Mercado.

“Nung na-meet ko siya sa H.O.T. TV ilang weeks ago, naging fan ako bigla!

“Parang ang ano niya, ang humble-humble niya.

“Tapos ang dami niyang alam sa buhay, ganun.

“Gusto ko ganun din ako, mai-invest ko din ang pera ko sa tamang mga bagay,” aniya pa tungkol kay Jennylyn.

POSE FOR FHM? Si Marian at Heart, bagamat hindi pa nakaka-pose sa FHM ay laging kasama sa 100 Sexiest List ng nabanggit na men’s magazine.

Si Jennylyn naman, nakapag-pose na.

Si Andrea kaya kung alukin ng FHM, magpo-pose din kaya ng sexy?

“Hindi po kasi magugustuhan ng parents ko,” tanggi ni Andrea. “Lalung-lalo na ng daddy ko.

“Ano kasi ang daddy ko, medyo conservative.”

Commerce professor ang ama ni Andrea sa University of Sto. Tomas (UST), ang sinasabing oldest Catholic university sa Pilipinas.

“At saka yun nga po, sabi rin po, baka yung mga taga-UST, hindi magustuhan.”

Sa UST rin nag-aaral si Andrea ng kursong Communication Arts, ngunit naka-LOA (leave of absence) muna ngayon ito mula sa unibersidad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN