Ariel Ureta says the “Sa ikauunlad ng Bayan, bisikleta ang kailangan” story about him is an urban legend

Pinasinungalingan ni Ariel Ureta, isa sa cast ng Of All The Things, ang istorya tungkol sa paglalaro raw niya sa slogan ng gobyerno ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sinabi raw niyang “Sa ikauunlad ng Bayan, bisikleta ang kailangan!” Usap-usapang dinampot daw siya at pinagbisikleta sa paligid ng Camp Crame dahil dito. “I’m not that brave to say that on live television. Martial Law time iyon,” katuwiran naman n


Masayang-masaya ang TV icon of the ‘70s na si Ariel Ureta dahil sa nararanasan niyang “second wind” ng kanyang showbiz career ngayon.

Nabanggit ng dating sikat na TV host at comedian na hindi niya inakala na after 30 years ay magiging busy pa rin siya sa telebisyon.

“Television has become a very big part of my life—almost half of my life I have devoted to being a TV personality.

“Akala ko nga na kapag umabot na ako sa edad ngayon, nasa bahay na lang ako together with my wife and playing with our grandchildren.

“Yun nga lang, wala pa kaming apo and I’m still working—it’s such a blessing.

“I am thankful for what is happening now to my career.”

Nagkaroon ng comeback si Ariel via a radio program on dzMM, ang Todo-Todo Walang Preno na ngayon ay eight years nang nasa ere.

“It was through that radio program kaya nalaman ni Jose Javier Reyes na aktibo na ako ulit.

“I worked with Joey before in the sitcom U.F.O. (Urbana, Felisa & Others) during the ‘80s.

"He wanted to cast me as the father of Ryan Agoncillo in Kasal, Kasali, Kasalo. Then he cast me again sa sequel na Sakal, Sakali, Saklolo.

“Then Direk Joyce Bernal gave me the role of Luisito Go Dong Hae, the father of Eugene Domingo in Kimmy Dora.”

“Then sinali pa rin niya ako sa sequel [Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme]. I also did the movie, The Reunion.”

Ngayon ay kasama si Ariel sa cast ng pelikulang Of All The Things, na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Regine Velasquez-Alcasid.

“This time I play Eddie, the father of Regine.

“Actually, we started shooting for this movie after we did Kimmy Dora. That was in 2009 pa.

“Maraming naging delays, like sa schedules ng mga bida. Hindi sila magtugma-tugma. Hanggang sa inabot na kami ng tatlong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But what’s important is that natapos din ang movie and maipapalabas na siya on September 26.”

Bukod sa paggawa ng pelikula ay busy ulit si Ariel sa TV dahil meron siyang sariling segment sa morning show ng ABS-CBN 2 na Umagang Kay Ganda.

“I was supposed to be in the series Please Be Careful With My Heart. Pero pinalitan na nila ako because I couldn’t commit sa taping ng show.

“I have this morning show, ‘tapos may radio program pa ako. Hindi na tayo tulad noon na malakas pa at puwedeng lumagare,” aniya.



ARIEL’S BEGINNINGS. Una ngang naging trabaho ni Ariel ay ang maging announcer sa radio. He was only 17 years old at isang architecture student sa University of Santo Tomas.

After college ay nagtrabaho siya sa isang advertising agency at sabay na niyang pinasok ang mundo ng showbiz.

Nagsimula siya sa stand-up comedy at ang venue nila na The Plaza noon sa Makati ay napupuno dahil na rin sa mga tagahanga ni Ariel.

“May group kami noong mga taga-advertising. We call ourselves ‘Walanghiya Talaga Gang.’ Magkakasama na kami noon nina Gary Lising, Jun Urbano, Noel Trinidad, Subas Herrero, and Tessie Tomas.

“After a tiring day of composing jingles for TV commercials at mag-isip ka ng iba’t ibang concept, yun ang pinakapahinga namin—yung magpatawa.

“Full house kami parati sa The Plaza. Big celebrities during that era will drop by to watch us every night,” pagbabalik-alaala ni Ariel.

Ang first TV appearance naman ni Ariel ay sa gag show na Super Laff-In.

Noong maging big hit siya sa kanyang unang labas sa TV, doon na nagsimula ang kanyang pagiging in-demand na TV host and comedian.

Nagkasunud-sunod ang shows na kanyang ginagawa, at lahat ay top-rating.

Kabilang sa mga hinu-host ni Ariel na ’70s shows ay ang Ariel Con Tina, Ariel & Co. After Six, Noontime Matinee, For The Boys, and The Morning Show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinukuha ring host si Ariel para sa beauty pageants at iba pang malalaking events na tine-televise nang live.

“During that time, martial law era pa noon, I was doing one show after another. My biggest rival that time was the late Eddie Mercado.

“Kapag pormal ang event, si Eddie ang kinukuha nila. Kapag masa naman at gusto nilang nagpapatawa, ako ang kinukuha.

“Kapag nag-Binibining Pilipinas si Eddie, sa Mutya Ng Pilipinas naman ako,” flashback pa ni Ariel.



ARIEL IN MOVIES. Gumawa rin ng mga pelikula si Ariel na siya ang bida. Ang Zoom, Zoom Superman (1973) at Popeye Atbp (1973). Pareho itong naging box-office hit.

Zoom, Zoom Superman was the number one movie that year. It held the biggest box-office record for eight years.

“Kaya hindi ako masyadong gumagawa ng movies noon kasi hindi pa natatalo ang kinita ng movie ko until 1981,” pagmamalaki ni Ariel.



DISCOVERIES. Naging venue rin for controversy at discovery of new talents ang TV shows ni Ariel noon.

“When I was doing The Morning Show, may isa kaming guest na hindi nakarating. E, next gap na iyon. I asked one of my writers to take her place.

“Yung gagawin niya, magpapahid siya ng egg white sa mukha niya. Parang beauty segment iyon.

“Noong una ayaw, kasi Bisaya raw siya. I said, ok iyon para nakakatawa. Do the segment in her Visayan accent.

“Naging hit ‘yon sa audience kaya siya na ang naging bida sa segment na iyon.

“That writer was Bibeth Orteza. Long before she was seen writing and doing comedy sa Iskul Bukol, sa show ko siya nagsimula.

“Another one naman is Niño Muhlach.

“Nag-guest ang isang mestizong bata sa Ariel & Co. After Six. First time niyang lalabas sa TV. He was, like, two years pa lang yata.

“Ang daldal nung bata. Kahit na anong itanong mo, may isasagot siya. Pero magaling. Pasayawin mo, marunong. Sabi ko, ‘Sisikat itong batang ito. Puwedeng artista.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before I knew it, he was being called the ‘Child Wonder of the Philippine Cinema.’ At may ginawa pa kaming movie together titled Jack & Poy in 1977.

“Malaking artista na si Niño that time.”

Si Ariel din daw ang naka-discover sa hosting potentials nina Pops Fernandez and Joey Albert.

“That was in the ‘80s na, with my show Patok Na Patok on Channel 4. Pops was my regular host. Bagung-bago pa siya no’n. But she was already a singer na.

“Aba biglang kinuha ng Penthouse Live. Naging sosyal na. Bihira nang mag-report sa show.”

Ang Penthouse Live ang GMA-7 late night show na pinag-host-an ni Pops with Martin Nievera, whom she later married.

“Kaya I would get Sharon Cuneta, who was already hosting a show titled C.U.T.E. (Call Us Two for Entertainment), as special guest host. Until pumasok na sa show si Joey Albert.

“Joey was starting pa lang as a singer. Kakapanalo lang din niya as Dreamgirl Filipina. Ayun, natutong maging TV host sa show ko,” nakangiting pag-alala niya.



CONTROVERSIES. Pinaka-kontrobersyal nga raw ay ang show niyang For The Boys, na nakakailang episodes pa lang ay pinakansela na kaagad.

“Dahil yun sa isang dance number ng the late Ellen Esguerra.

“She was in the middle of her dance number noong magkaroon siya ng wardrobe malfunction. Lumabas ang isang breast niya on national television.

“Imbes na tumalikod siya or takpan man lang niya, aba, ’tinuloy pa rin niya ang pagsayaw niya!

“She claimed na hindi raw niya alam na may lumabas na breast niya. Ayun, nasibak ang show ko,” tawa pa ni Ariel.

Sa show naman niyang Noontime Matinee nagsimula ang tsismis na sinabi raw niya on-air ang, “Sa ikauunlad ng Bayan, bisikleta ang kailangan!”

Dahil sa diumano’y pag-mock niya sa slogan ng gobyerno noon ni Ferdinand Marcos—ang “Sa ikauunlad ng Bayan, disiplina ang kailangan”—ay ipinadampot daw siya at pinagbisikleta ng buong araw sa Camp Crame bilang parusa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JUST AN URBAN LEGEND. “That’s an urban legend!” tawa ulit ni Ariel.

“It never happened. Noong lumabas ang balitang ‘yan, I was hosting an event on that same day. So, how could I be in two places at the same time?

“At saka, I’m not that brave to say that on live television. Martial law time iyon. It would have jeopardized my career.

“Some people claimed I said it daw on my show. Pero wala silang pruweba na sinabi ko nga. Walang makapagpatunay.

“And three months after that controversy that almost ruined my career, I had hosted a show pa with Imee Marcos titled Metro Magazine. So, it means na hindi ako bad shot sa mga Marcoses.

“Nagkaroon pa ako ng show na Twelve O’Clock High and parating nasa audience namin was Bongbong Marcos and Irene Marcos together with their friends.

“Bakit pa nila ako panonoorin nang live kung ginawa ko silang katatawanan, di ba?” katuwiran pa ni Ariel.



BEHIND-THE-CAMERA WORK. During the mid-’80 and early ‘90s ay sinubukan naman ni Ariel ang pagdidirek sa telebisyon.

He directed the ‘80s sitcom U.F.O. (Urbana, Felisa & Others) starring Mitch Valdes and Nanette Inventor, at ang ‘90s sitcom na Ober da Bakod na bida sila Janno Gibbs at Anjo Yllana.

“I tried my hand naman behind-the-camera.

“I also produced and did screenplays for a few movies for Viva Films, like Andrew Ford Medina (1991) and Pitong Gamol (1991) ni Andrew E.

"I also directed the two movie versions of Ober da Bakod (1994 and 1996).

“The only show na hinu-host ko was RSVP with Dawn Zulueta.

“That was the time din na medyo tahimik na ang buhay ko.

“I already had a family that time. Natapos na ang era ng pagiging binata ko. I was already a family man,” paglalahad pa ni Ariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ARIEL THE PLAYBOY. Matatawag ngang notorious playboy si Ariel Ureta noon. Dahil nga sa kanyang pagiging popular ay kaliwa’t kanan ang mga nagiging girlfriends niya—in and out of showbiz.

“Ang repustasyon ko nga noon na basta may nakasama akong babae sa isa sa mga shows ko, nagiging girlfriend ko na raw agad.

“Hindi naman totoo iyon. Hindi naman lahat. May iba na talagang liligawan ko at pagkakagastusan ko.

“May standard ako noon kasi. Kailangan model ang hitsura. Yung tipong cover girl. Or kailangan, kilala. Kaya may mga artista rin tayong napormahan noon.

“Hindi sa pagmamayabang, yung iba, sila na ang lumalapit. Sila na ang nagpapakita ng motibo sa atin.

“Laman tayo ng mga disco noon. I meet many girls gabi-gabi. Dalawa lang naman ang purpose ko noon sa buhay. Yung magkaroon ng magandang trabaho at ang mambabae.

“I was lucky to have both noon. Kaya na-enjoy ko ang pagiging popular at binata ko noon.”

Pina-off-the-record ni Ariel ang mga pangalan ng mga nakarelasyon niyang celebrities. Respeto na lang daw niya iyon dahil may sarili nang pamilya ang mga ito.

“Tsaka tapos na tayo sa gano’ng buhay.

“Nagsawa talaga ako when I was still single. I got married nga, 36 years old na ako and my wife was 18 years old then.

“Siya na ang naging huling babae sa buhay ko. I met her noong kolehiyala pa siya. Hindi ko na siya pinakawalan. We had four children.”



ARIEL THE FAMILY MAN. Wala raw itinago si Ariel sa kanyang mga anak, lalo na tungkol sa naging buhay niya noong kasikatan niya.

“Alam nila ang naging buhay ng daddy nila. Hindi ako nagtago ng sikreto sa mga anak ko.

“At saka siyempre, malalaman din nila ‘yan eventually from the parents of their friends.

“Sabi nga nila, ‘Sino ba ang hindi nakakakilala kay Ariel Ureta noon?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I might have been a ladies’ man noon, but I know that I was known more because of my talent and professionalism.

“Hanggang ngayon naman, they hire me for being that person.”



MISSING HAVING A TALK SHOW. Wish nga ni Ariel na makapag-host ulit siya ng isang talk show a la Late Show with David Letterman or The Tonight Show with Jay Leno.

“I miss doing a talk show kasi iyon ang forte ko talaga noon pa.

“The last talk show I hosted was My Favorite Show on the ANC Channel noong 2006.

“I would like to get to know that younger generation. Iba na kasi ang panahon. Era na ng texting, Facebook, and Twitter. There is so much to learn from the young ones of today.

“Tapos yung mga kaedad ko rin para may konting reminiscing, lalo na sa mga nakatrabaho ko noon.”

Kung magkakaroon man siya ng talk show, huwag naman daw late-night show dahil ayaw raw niyang makalaban sina German Moreno at Jojo Alejar.

Walang Tulugan with the Master Showman ang show ni Kuya Germs, habang Jojo A. All The Way! naman ang kay Jojo.

“If ever, pang-third na lang siguro ako sa pagiging ‘Late Night Show King’!

“Ang weeknights hawak na ni Jojo at ang gabi ng Sabado kay Kuya Germs. Kaya Sunday na lang ang matitira sa akin!” natatawang pagtapos pa ni Ariel Ureta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN