Venus Raj says she’s getting used to boyfriend Andrei Felix’s sweetness: “…masarap palang makarinig ng ’I love you’ every day.”

Masayang-masaya si Venus Raj sa relasyon niya sa boyfriend na si Andrei Felix. Very sweet daw ito at marami na silang terms of endearment para sa isa’t isa: “Marami po! Nagsimula kami sa Baby, Lovey, Mahal…marami. Babba, kung anu-anong language. Natututo na rin siyang mag-Bicol ngayon.”


Pridyider ang unang pelikula ng bagong Regal Baby na si Venus Raj.

Ilang taon ba ang kontratang pinirmahan ni Venus sa Regal?

“I think five movies for three years po yata ang pinirmahan kong kontrata,” sagot ng dating beauty queen, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa presscon ng Pridyider, sa Imperial Palace Hotel nung August 28.

Pabirong sinabi ni Venus kung ano ang role niya sa Regal horror movie na ipapalabas na sa September 19.

“Mukha lang po akong aswang sa Pridyider, pero hindi po ako aswang diyan.

“Ano po ako rito, kaibigan po ako ni Andi [Eigenmann], parang magkababata po kaming tatlo ni Bekimon.”

Sila raw ng komedyanteng si Bekimon ang lighter side ng pelikula.

“Nagko-comedy ako rito pero very, very light naman.”

Kahit na kasama sa horror movie, mas nadadalian daw siyang mag-comedy at drama.

Nakapag-drama na kasi siya nang gumanap as herself sa MMK o Maalaala Mo Kaya? at nag-comedy naman dito sa Pridyider.

Bubbly raw kasi siya kaya bagay sa kanyang mag-comedy.



FIRST MOVIE SHOOTING EXPERIENCE. Ang pagiging bubbly niyang ito ang kinatuwaan sa kanya ng press habang nagkukuwento ng experience niya sa paggawa ng una niyang pelikula.

“Nakakatuwa, ganoon pala yun!” simulang kuwento ni Venus.

“Kailangan ko palang may dalang higaan.”

Nung unang araw raw kasi ng shooting niya’y nakaupo lang siya habang naghihintay ng eksena niya, samantalang ang co-stars niya ay kumportableng nakahiga sa mga dalang higaan.

“Pero noong second shooting day, nagdala na ‘ko. May higaan na akong sarili.”

Naikuwento rin niya ang maraming takes niya sa pelikula.

“Minsan, mahirap ang pagbato ng lines.

“Kasi, nasanay ako sa hosting na parang ang bilis-bilis kong magsalita.

“E, di ba sa hosting, as much as possible, mas marami kang words na nasasabi, mas ok?

“Walang dead air, walang dull moments, mas maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa acting pala, take your time pala.

“Kailangan magre-react siya, hihintayin mo ang reaksiyon niya. Akala ko sasabihin ko na lang,” kuwento ni Venus tungkol sa kanyang kaeksena.

“Pero siyempre, natututo po ako nang unti-unti.”



HER LIFE IN MMK. Nabanggit din sa interview sa kanya na marami ang nanood ng kanyang episode sa MMK.

According sa ratings report ng Kantar Media-TNS para sa period ng July 20-23, nakatala ng ratings na 40.9 % ang MMK episode ni Venus (CLICK HERE to read related story.)

“Narinig ko nga rin po, sobrang honored. Wow, grabe,” nakangiting sabi niya.

“At saka, first time ko lang din po yun sa TV na may luha.

“Akala ko po noong unang ginagawa namin yun, sabi ko, baka mahirapan ako.

“Kasi, hindi talaga ako iyakin.”

Kuwento tungkol sa mismong buhay ni Venus ang episode niya sa MMK.

Kaya natutuwa siya na marami palang intersado sa kanyang buhay, base sa mataas na ratings ng episode niya.

“Oo, marami palang nanood. Marami pala ang nagkagusto, nakakatuwa.”

Sa MMK ay ipinakita kung gaano kahirap ang buhay na kinalakihan niya sa Bicol. Kung gaano kaliit ang bahay nila.

Pero ngayon, nakatira na raw siya sa condominium unit na nakuha niya mula sa pag-endorso ng isang land development company.

Nakaipon na rin daw siya para maipagawa ang bahay nila sa Bicol.

“Actually, interior na lang po. Three bedrooms siya,” aniya tungkol sa ipinapaayos na bahay sa probinsiya nila.

“Pero ang nanay ko, kasama ko naman po rito sa condo.

“Pero yung kapatid kong panganay, marami siyang anak, lima. Sila yung nasa Bicol.

“Pero kapag may event, long weekend, yun po, umuuwi akong talaga sa Bicol.”



GETTING USED TO SWEET ANDREI. Masaya naman si Venus sa patuloy na tumatatag na relationship niya sa boyfriend na si Andrei Felix.

Marami nga raw silang terms of endearment sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami po! Nagsimula kami sa Baby, Lovey, Mahal…marami. Babba, kung anu-anong language.

“Natututo na rin siyang mag-Bicol ngayon,” kuwento pa ni Venus tungkol sa boyfriend.

Sa kanilang dalawa raw, si Andrei ang hindi nahihiyang magpakita ng sweetness.

Nag-a-“I love you” pa nga raw ito on-air.

“Nakakatuwa po yung ganoon. Kasi ako, hindi ako ganoon. Pero, natututo ako unti-unti kasi masarap palang makarinig ng ’I love you’ every day.”

Nang mapansing nagiging cheesy na siya sa kanyang pahayag, nagsabi ito sa mga kausap na, “Napagdaanan niyo rin ‘yan. Napagdaanan niyo rin ‘yan. So, pagbigyan niyo na ‘ko.”

Nasabi tuloy ng PEP sa kanya, larawan talaga siya ng isang babaeng in love.

“I think po,” pagsang-ayon ni Venus.

“Lahat naman tayo pinagdaanan ang mga ganyang bagay.

“Pero, ito po kasi, ang seryoso. Ito yung matured na ‘ko.

“Dati kasi, nagka-boyfriend na ako noong high school ako, college ako…ano ba naman yung ganoon?”



ON PRE-MARITAL SEX. Naitanong din kay Venus kung ano ang opinyon niya sa pre-marital sex.

“Hindi ho kaila sa karamihan na marami na ang gumagawa ng ganyan.

“So, it’s still discipline. Discipline pa rin sa isang kabataan.

“Kung pinalaki ka nang maayos ng mga magulang mo, kung alam mo kung ano ang tama sa mali, at kung may takot ka sa Diyos, kung sa tingin mo, kasalanan yun kapag ginawa mo ’yan, sa sarili mo mismo—hindi mo gagawin ‘yan.

“Pero kung hindi siguro ganoon kalalim ang paniniwala mo, sa tingin ko, napakadali para mag-commit ng pre-marital sex.”



INDECENT PROPOSALS. Itinanggi naman ni Venus na mayroon sa kanyang nanliligaw na may mataas na katungkulan sa gobyerno.

“Alam niyo po, yun siguro ang iniisip ng mga karamihan. Na may nanliligaw sa aking ganoon. Sa totoo lang, wala po talaga."

Pinasinungalingan niya rin na nakakakuha siya ng indecent proposals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagka-boyfriend ako, pero hindi ako nagkaroon ng mga proposal or indecent proposals.

“At saka, sa tingin ko po, yung personality na ipinapakita mo sa iba, kung formal ka naman at napi-perceive ka ng ibang tao na formal kang tao, hindi ka makakatanggap ng ganyang klase ng mga indecent proposals…I think, ha.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN