Ariel Ureta appears in Of All the Things; says he owes revival of career to Kimmy Dora

“Nung dumating ang Kimmy Dora, doon nagdagsaan ang mga offers, e. Kasama na dun ang Umagang Kay Ganda. Sa Kimmy Dora talaga. Kasi pag maganda ang project or masabit ka sa magandang project, ang sarap!” says Ariel Ureta on how his showbiz career was revived.


Masaya si Ariel Ureta sa nangyayaring pagkaka-revive ng kanyang showbiz career.

Matapos na matandaan siya nang husto sa dalawang Kimmy Dora movies ni Eugene Domingo, heto’t sa isa na namang Bb. Joyce Bernal movie makikita ang TV host at komedyante na sumikat noong 1970s.

Kasama si Ariel sa Of All The Things, na pinagbibidahan nina Regine Velasquez at Aga Muhlach.

Papel ng isang “loser” na ama ang ginagampan ni Ariel sa movie nina Regine at Aga.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ariel sa presscon ng nasabing pelikula nung August 27 sa City Best Seafood Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ikinuwento niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang role.

Asawa raw niya sa movie ang isang dating beauty queen, na ginagampanan naman ni Gina Pareno.

“Nadaan ko sa razzle-dazzle. Magaling akong manligaw, e. Pero wala ring nangyari sa buhay,” kuwento pa ni Ariel tungkol sa kanyang character.

“So, after a while, itong si Gina, parang nagsisisi dahil nawalan siya ng career at yung buhay na pinapangarap niya, hindi nangyari.”

“At dahil hindi naman kami yumaman dahil hindi naman ako magaling sa buhay, yung anak kong si Regine, kailangang magtrabaho. Kailangang rumaket.

“Although hindi naman isinisisi nang diretsahan, pero parang lumalabas na nagsisisi itong si Gina, ‘Kung iba lang sana ang napangasawa ko.’”



DIFFERENT FROM HIS ROLE IN KIMMY DORA. Ibang-iba raw ang role niya ngayon sa Of All The Things sa naging role niya sa Kimmy Dora Kambal Sa Kiyeme at Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme.

“Yung papel ko sa Kimmy Dora na napakayaman, napakahirap naman dito.”

Hindi ba siya nahirapan sa pag-adjust sa role niya ngayon?

Natawa muna nang malakas si Ariel bago nagsabing, “Natural sa akin yung napakahirap, e. Kaya act naturally lang ako.

“Mas mahirap acting-in yung mayaman.”

Pansin ng PEP kay Ariel, mukhang sa movies siya nalilinya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, sa The Reunion, kaming dalawa ni Nova Villa, sandali lang. Asawa ko si Nova Villa doon.

“Tumawag nga sa akin ang Shake Rattle & Roll, may kapiraso raw akong ano…baka multo or what.

“May isa pang kasama si Uge. Pero maliit lang, hindi gaya ng Kimmy Dora na…”



CHOOSING HIS MOVIE ASSIGNMENTS. Pero hindi raw basta-basta tumatanggap ng movie assignments si Ariel.

“Ayokong tumanggap ng…hindi naman sa talagang ayaw na ayaw kong tumanggap, pero kung puyat na puyat ka araw-araw. Ayaw mo namang magpuyatan ka araw-araw.

“Mas gusto mo na lang mag-shooting na maybe once or two times a week magpuyat.

“Pero kung ikaw ang bida, ang hirap naman.

“Ang aga-aga kong gumigising para sa Umagang Kay Ganda.”

May segment kasi sa ABS-CBN 2 morning show si Ariel.

“Three-thirty a.m., gumigising na ako para naliligo na ako nang 4:00 a.m.

“Then, aalis ako ng 4:30 sa bahay, tapos dadating ako sa studio before 4:45 a.m.

“Minsan kasi, 4:55 nag-uumpisa na ang Umagang Kay Ganda, e.”

Ang pagkaayaw niya sa grabeng puyatan ang dahilan din kung bakit hindi natuloy ang paglabas niya sa Please Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

“Yung isa rin, tinawagan nila ako sa Maalala Mo Kaya. E, ako ang magbibida. Dalawang araw na diretsong walang patid na taping din yun. Hirap!” paglalahad pa niya tungkol sa isa pang TV offer sa kanya.

Kaya masasabing bising-busy siya sa muling pag-usbong ng career niya sa showbiz.

“As far as kapal ng schedule? Yeah!

“Dalawa ang daily show ko. May daily show ako sa radyo, may daily show ako sa TV.

“Yung isa pa, ang aga-aga ko pang gumigising. Buti sana kung sa tanghali yun.

“Noong araw tanghali ang show ko. Pero ngayon, alas-singko nang umaga.

“Naka-makeup ka na nang alas-singko at may microphone ka na,” nangingiting sabi ni Ariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ALL BECAUSE OF KIMMY DORA. Sabi ni Ariel, utang niya sa Kimmy Dora ang muling pag-init ng kanyang showbiz career.

“Nung dumating ang Kimmy Dora, doon nagdagsaan ang mga offers, e. Kasama na dun ang Umagang Kay Ganda.

“Sa Kimmy Dora talaga,” sabi nito tungkol sa muling pagkilala sa kanya ng showbiz.

“Kasi pag maganda ang project or masabit ka sa magandang project, ang sarap!”

Kung hindi raw dahil sa Kimmy Dora, baka hindi na siya nakabalik pa sa showbiz.

“Mahirap bumalik sa show business!” aniya.

“Especially, nung lumayas ako sa show business, nasa bandang kuwarenta na ako.

“Hindi ba ngayon, ang mga bankable ngayon, mga ganito?” sabay turo niya kay Jay Perillo na katabi niya sa mesa.

Kasama rin ang singer sa Of All The Things, bilang manliligaw ng kapatid ni Regine, na ginagampanan naman ni Nikki Bacolod.

“Ganyan ang mga bankable! Pogi, bata, makisig!” patuloy na sambit niya habang nakatingin pa rin sa nangingiting si Jay.

“Pag damatans, tsitiyempo ka, e.”

At nilinaw rin ni Ariel na hindi naman talaga siya umalis ng showbiz.

“Hindi naman ako umalis sa showbiz, nawalan lang ako ng mga offers,” sabay tawa ni Ariel sa kanyang revelation.

Hindi na nag-elaborate pa si Ariel kung bakit nawalan nga siya ng offers.

Sinabi na lang niyang nagtrabaho siya behind-the-scenes bilang scriptwriter at director ng mga proyekto ng Viva Films nung dumalang na ang hosting offers sa kanya.

Pero masaya raw siya ngayon na may puwang na siya uli sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN