Paco Arespacochaga says someone is out "to ruin what Geneva and I had built after our failed marriage"

Paco Arespacochaga on ex-wife Geneva Cruz: “To set the record straight... Gen was a good wife! She will always be family to me. She is the mother of my son, Heaven, and the godmother of my second son, Caelen. So wala siyang kawala sa buhay ko."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paco Arespacochaga sa pamamagitan ng Facebook private messaging kahapon, September 2.

Si Paco ang drummer ng bandang Introvoys at dating asawa ng singer-actress na si Geneva Cruz.

May isang anak sina Paco at Geneva—si Heaven na ngayon 16 years old na.

Naka-base na ngayon sa Amerika si Paco.

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Paco tungkol sa “pagpapaalala” sa kanya ni Geneva sa Twitter noong nakaraang linggo.

Matatandaang nag-post si Geneva ng matabang at nakakaintrigang mensahe sa Twitter account niya noong August 24 hanggang 25:

“Sometimes, once we recognize our mistakes, we can go back and correct them. : )

“If you feel really bad for what you have done ask #God for forgiveness; learn to forgive yourself; and never look back. : ) #atonement

“As difficult & unfair as it was, I wouldn’t have traded the days I spent w/ you for anythin. You made me believe in myself again. Thank you.

“Love is a terrible thing to hate.

“As the mother of a son, I do not accept that alienation from me is necessary for his discovery of himself...

“As a woman, I will not cooperate in demeaning womanly things so that my son can be proud to be a man.”

At sa panayam sa kanya ng PEP noong August 29, inamin ng dating Smokey Mountain member na si Paco nga ang pinariringgan niya.

Sabi ni Geneva: “Siyempre, pinagsasabihan ko lang naman, you know, kasi ano, he needs to be nicer.

“No, he’s nice naman. He’s really a great dad.

“It’s just that sometimes, kailangan lang talagang merong… kumbaga, sa isang kaibigan talagang gisingin lang siya nang konti.”

(CLICK HERE to read related story.)


PACO’S REACTION. Tinanong ng PEP si Paco kung ano ang masasabi niya sa tweets ng dating asawa.

Paliwanag niya, may naninira lang daw sa kanya sa Twitter kaya nakapagbitaw ng ganung salita si Geneva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Paco, “Geneva and I have a perfect relationship! We thought we were better off as lovers or as husband and wife... pero hindi pala!

“We’re better off as friends... good friends!

“Pinapayuhan ko siya... and pinapayuhan niya ako... hindi rin kami naglalaglagan.

“When she wanted me to set the record straight on Twitter, I felt that the best way to attack that tweet was to ignore it.

“Sabi ko nga, may mga tao talaga na ‘damper’ ang dating sa buhay ng ibang tao and that ‘renegade’ tweet was meant to ruin what Geneva and I had built after our failed marriage.

“I wasn’t going to allow it.

“So... deadma.

“But to set the record straight... Gen was a good wife!

“She will always be family to me. She is the mother of my son, Heaven, and the godmother of my second son, Caelen.

“So wala siyang kawala sa buhay ko. Ganoon din si KC... daddy siya ni Heaven and ninong siya ni Caelen.”

Si Caelen, 4, ay anak ni Paco sa kanyang pangalawang asawa na si Tiny Arespacochaga.

Si KC naman na tinutukoy ni Paco ay si KC Montero, ang pangalawang asawa ni Geneva.

Hiwalay na sina Geneva at KC, na nali-link naman ngayon kay Rhian Ramos.

Diin ni Paco, magkaibigan sila ni Geneva ngayon.

“I even shot her music video here in Los Angeles,” sabi pa niya.

INTROVOYS. Nalaman din ng PEP mula kay Paco na aktibo pa rin pala ang Introvoys hanggang ngayon.

Madalas daw silang tumutugtog sa California.

In fact, may mga gigs ang Introvoys sa mga sumusunod na dates and venues: September 22 at Josephine’s Grill in Cerritos, and October 27 at Rockit Room in San Francisco.

Buo pa rin sila ng mga bandmates niyang sina Jonathan Buencamino (vocals), G3 Misa (guitars), JJ Buencamino (keyboards), at Jonathan dela Paz (bass).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ongoing talk show rin si Paco, ang Paco In the House.

“It’s shown locally in Los Angeles on channel 31.3 and on the internet at www.pacointhehouse.com.

“Watch my show on the internet, 9:30pm Manila time,” sabi ni Paco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN