Part 1. Kris Bernal willing to cut her hair short for role in Coffee Prince

Kris Bernal on sacrificing lovelife for her career: “Ako, willing akong i-sacrifice. Willing kong i-sacrifice pagdating sa trabaho. Kasi ang lovelife, darating naman ‘yan, e. Pero hindi ko naman kaya ring magsinungaling sa mga tao na ipapamukha ko na kami [ni Aljur], pero hindi kami. Hindi ko rin naman kaya ‘yon."


Nakakasa na ang paggiling ng camera para sa Pinoy remake ng Korean romantic-comedy na Coffee Prince ngayong linggo.

Ito ang bagong primetime series ng GMA-7 kung saan balik-tambalan sina Kris Bernal at Aljur Abrenica

“Magsisimula na po kami ng taping this week,” masayang balita ni Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, September 2.

“Tapos na kami sa workshop namin. Naka-tatlong araw po kami under Direk Maryo J. [de los Reyes].

“Malapit na po kaming mag-air. Sa September 23 ito magsisimulang ipalabas.”



MALE CHARACTER FOR KRIS. Na-absorb na raw ni Kris ang kanyang role bilang isang babaeng na magpapanggap na lalaki para matanggap sa isang coffee shop na pag-aari ng character na gagampanan naman ni Aljur.

Sabi ng StarStruck winner, “Unti-unti.

"Actually, mahirap siya. Ang laking pressure talaga sa akin.

"Kasi nung napanood ko yung series... ang daming beses ko na ngang napanood, e.

“Hindi pa ako artista nung ipinalabas yung Coffee Prince dito sa Philippines.

"Napanood ko talaga siya. May CD pa talaga ako kasi fan din ako talaga ng Coffee Prince.

“So, ayun, pinag-aaralan ko talaga."

Sa GMA-7 din ipinalabas ang original Korean version ng Coffee Prince noong 2008.

Natatawang pagpapatuloy ni Kris, "Ngayon, sabi nila bumarkada raw po ako sa mga lalaki!

“Makilaro daw po ako ng basketball sa mga boys. Gano’n.

"Tapos maging conscious daw ako sa mga kilos nila. Sa mga pananalita nila, kung paano ba sila umupo at maglakad.

“Pinag-aralan ko po iyon sa workshop. Pero ano, e, kulang pa, e.

"Marami pa talaga akong kailangang pag-aralan bilang lalaki sa show.”

Tuloy ba na gugupitan siya ng buhok at gagawing panlalaki nang totohanan ang kanyang hairstyle?

Sagot ni Kris, “Hindi pa sigurado. Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin po.

“Ako, gusto ko. Sa akin, walang problema dahil for the role and for the show, at para rin sa mga naging fans ng Coffee Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At para na rin sa character ko, gusto ko talagang magpagupit.

“Kahit mahal ko yung long hair ko, papagupitan ko para sa show.

“Kaya lang, pinag-uusapan pa po kasi may mga commitment din kasi ako sa ibang products na ini-endorse ko. Gano’n.”



TIPS FROM ALJUR! Humihingi rin daw si Kris ng tips kay Aljur kung paano magkilos-lalaki.

“Tinuturuan niya ako ng Machete diet!” natawang biro ni Kris, bilang pagtukoy sa kinakain ni Aljur noon para mas gumanda ang katawan habang ginagawa nito ang Machete sa telebisyon.

“Kahit off-cam, kapag nagkikita kami, itinutulak niya ako. Tinatrato niya akong lalaki.

“Sabi ko sa kanya, ‘Uy, wala pa naman. Hindi pa naman ako lalaki! Huwag muna!’

“Pero sabi niya, gusto raw niyang ma-feel na, ngayon pa lang, talagang maramdaman ko na kung paano maging isang lalaki.

“Kung minsan, nag-uusap kami. Sabi niya, ‘O, pagmasdan mo ako kung ano ang ginagawa ko at kung paano yung mga nuances ko.’”



SECOND CHANCE WITH ALJUR? Dati, sinasabing muntik nang mauwi sa totohanan ang tambalan nina Kris at Aljur, ngunit naudlot lang daw.

Posible kayang mangyari na madugtungan yung dating magandang pagtitinginan nila?

Sagot ni Kris, “Posible. Posible naman kasi yung nangyari sa amin ni Aljur, okay naman, e.

“Okay yung naging relationship namin.

"Kaya lang, nagkakataon na may konti kaming hindi pagkakaintindihan din. Kaya nauudlot or nagkakaroon kami ng misunderstandings, gano’n.

“Pero ngayon, siguro puwede. Dahil mature na siya, e, mature na rin ako.

"Mas malawak na yung pang-unawa naming pareho.

“Kaya, puwede naman.

"Pero depende rin sa kanya iyon, kung gusto niya!” sabay bungisngis ni Kris.


LOVETEAM FIRST? Sa palagay ba ni Kris ay makakaapekto sa pagbabalik-tambalan nila ni Aljur ang nababalita namang pagkakamabutihan nila ngayon ni Carl Guevara?

If ever, willing ba siyang i-sacrifice kung anuman yung sa kanila ni Carl alang-alang sa loveteam nila ni Aljur?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris, “Ako, willing akong i-sacrifice. Willing kong i-sacrifice pagdating sa trabaho.

"Kasi ang lovelife, darating naman ‘yan, e.

“Pero hindi ko naman kaya ring magsinungaling sa mga tao na ipapamukha ko na kami [ni Aljur], pero hindi kami. Hindi ko rin naman kaya ‘yon.

“But for now, ang masasabi ko lang na concentrate muna ako sa Coffee Prince.

“Pero hindi ko na iniisip yung dahil loveteam kami ni Aljur, kailangang maging kami.

“Or hindi ko na iniisip na porke’t loveteam kami, kailangang holding hands kami, magkayakap kami, sweet kami.

“Wala na. Hindi na gano’n, e.

"At naiintindihan na ng mga tao ‘yon. Naiintindihan na ng mga fans ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN