Rich Asuncion admits she and Ervic Vijandre became an item but called it quits after just a month

“Naging kami, pero hindi umabot ng isang buwan. Hindi nga kasi kami okay na mag-dyowa. Kasi, noong time na yun, naging busy ako. Parang nakonsensiya naman ako na ako yung may gusto na dapat ganito, dapat may relasyon, pero hindi ko nagagawa yun,” says Rich Asuncion, who admitted she had a one-month relationship with Ervic Vijandre.


Sa kabila ng pagiging estudyante pa rin niya ng kursong Tourism sa University of the Philippines, masaya’t nagpapasalamat daw si Rich Asuncion na hindi siya nawawalan ng projects sa GMA-7.

Pagkatapos kasi ng pagiging kontrabida niya sa Biritera, nakapag-guest pa siya sa Faithfully, at ngayon ay reporter naman ang karakter na ginagampanan niya sa Aso ni San Roque.

Ang Aso ni San Roque ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na mapapanood na simula sa Lunes, September 10.

Kontrabida uli ang papel ni Rich sa bagong seryeng ito.

At katulad sa Biritera, bata na naman ang pagmamalupitan niya— ang character ng bidang si Mona Louise Rey.

Hindi ba siya nag-aalalang ma-typecast na nang-aapi ng mga bata?

“Oo nga, ‘no? Siguro kung magulang ka, magagalit ka. Pero work lang,” sagot ni Rich sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng Aso Ni San Roque.

Ginanap ang presscon sa Studio 7 ng GMA Network Studios building, kagabi, September 3.

Pag-amin ng StarStruck runner-up, nahirapan siya noon sa role niya sa Biritera na nang-aapi sa character ng bida roon na si Roseanne Magan.

Pasalamat na lang daw siya sa direktor nila na si Maryo J. de los Reyes at talagang na-guide daw siya.

Pakiramdam ni Rich, naging masyado siyang epektibo sa kanyang role na kahit sa tunay buhay raw ay nagagalit sa kanya ang mga nanay.

“Parang inaano nila na, ‘Bakit mo ginaganyan ang bata, walang laban sa ‘yo.’ Parang ganoon…

“Pero sinasabi ko na daya lang naman yun, hindi naman totoo yun.

“At saka, ang importante sa akin, may trabaho,” saad ni Rich.

Masaya nga raw ang young actress na nagtutuluy-tuloy naman ang projects niya kahit na kontrabida ang roles na naitotoka sa kanya.

“Kasi kung mediocre ka lang, di ba, marami riyan. Hindi ka naman mapapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, nagho-hope ka rin na, in the future, kung mabibigyan ng iba pang roles. Kung puwede namang bida, bakit hindi?” natatawang pag-asam ni Rich.

Marami-rami na rin silang nagkokontrabida role sa GMA-7, pero biro ni Rich, siya raw ang kontrabida talaga sa mga bata.

“Inaangkin ko na yun!” natatawang sabi nga niya.

Hindi ba siya nate-threaten na marami na silang kontrabida actress sa Kapuso network?

Tugon ni Rich, “Okay lang, hindi naman.

“Siguro naman kapag kailangan natin ng mang-aapi sa bata, maiisip na siguro nila ako do’n.”



HAPPY BEING KAPUSO. Sa apat na taong kontrata ni Rich sa GMA-7, dalawang taon na lang ang natitira.

Kahit na umaasa pa rin siyang tataas ang estado niya bilang talent ng Kapuso network, masaya naman daw si Rich dahil hindi siya napapabayaan.

“Siguro yung status, puwede pa siyang maging better,” pag-asam nga ni Rich na makakuha naman ng lead role imbes na palaging kontrabida o support.

“Pero kung titingnan mo ang sitwasyon ng iba, parang makaka-feel ka na okay ka na rin.

“Kahit paano, at least, sa nangyari ngayon, okay, may show ngayon. May pahinga. Na-sustain ko naman ang pahinga.

“At least, pagdating naman na wala na, sobra na sa pahinga at kailangan na, meron namang dumarating na project.”



RICH’S ACHIEVEMENT. Masaya ring ibinalita ni Rich na nakapagpa-graduate na siya ng isang kapatid na kumuha ng kursong Nursing.

“Nakapasa na siya sa Nursing Board exams,” pagbabalita niya.

“Ako ang nagpaaral sa kanya at five years ko nga siyang pinag-aral sa St. Joseph [College].

“Dito siya nag-aral para may kasama ako at hindi ako lumandi nang lumandi!” natatawang biro ni Rich.

Taga-Bohol talaga si Rich at nandoon ang pamilya niya.

Sabi pa ng 23-year-old actress, ang pagiging board passer na raw ng kapatid sa Nursing ang isa sa masasabi niyang achievement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon naman nauubos ang mga pinaghirapan ko, kaya wala akong mga Louis Vuitton na bag. Puwera na lang kung may magbibigay,” biro uli niya.



CAR FROM A POLITICIAN. Biniro rin siya ng mga kausap na press, paano raw kung D.O.M. o dirty old man ang magbigay sa kanya ng mamahaling Louis Vuitton bag?

“Huwag namang ganoon!” natatawang kontra ni Rich.

Pero wala pa nga bang mga ganoong insidente na nagbibigay sa kanya?

“Uy, meron, ha,” naalalang bigla ni Rich.

“May kapitbahay ako na may kaibigan na pulitiko. Wala pa akong sasakyan noong time na yun.

“Biglang iniwan yung kotse sa amin. Tapos yung susi, ibinigay sa akin ng guard.

“Sabi, ‘Ma’am, gamitin niyo ‘to.’

“Hindi ko ginamit! I swear to God. Three years akong nagta-taxi-taxi.”

Mamahaling sasakyan pa naman daw ang gustong ibigay sa kanya.

“Walang ganoon. Hindi puwede yung ganoon,” ani Rich.

Hindi talaga siya papatol o natukso man lang sa mga ganoong materyal na bagay?

“Hindi talaga, not at all.

“At saka, ayoko ng, ‘A, kaya pala pinatulan dahil sa ganoon.’

“At saka, gusto ko na walang nasasabi sa akin ang mga tao.”

Sa ngayon, ang sariling sasakyan na ginagamit daw niya ang tinatapos pa niyang hulugan.

Saka na lang daw niya pag-iipunan pag natapos na ang paghuhulog sa sasakyan.

Sa kasalukuyan ay nagre-rent pa lang siya ng tinitirhan.



THE TRUTH ABOUT HER AND ERVIC. Kahit na nali-link kay nali-link kay Ervic Vijandre si Rich, wala naman daw siyang lovelife sa ngayon.

“Wala akong lovelife. Ayokong maging in love,” aniya.

“Inaamin ko, nakakasama ko si Ervic.

"Nanonood kami ng sine, close ako sa family niya, sa mga kapatid niya. Pero, hindi ako in love.

“Okay kami. Okay kaming magkaibigan.

“Sobrang sa lahat…tinutulungan niya ako sa lahat ng problema ko.

“As in, sobrang wala akong lovelife, but I have someone like him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol pa niyang pahayag, “Ayoko nang maging complicated.”

Hindi raw talaga sila mag-on ngayon.

“Oo, promise, hindi ako nagsisinungaling.”

Pero hindi ba talaga sila naging mag-on?

“Naging kami,” biglang pag-amin niya.

“Pero hindi umabot ng isang buwan. Hindi nga kasi kami okay na mag-dyowa.

“Kasi noong time na yun, naging busy ako.

"Parang nakonsensiya naman ako na ako yung may gusto na dapat ganito, dapat may relasyon, pero hindi ko nagagawa yun.

“Parang, ‘Magkita tayo, kaso hindi puwede. Kasi kailangan kong mag-aral.’

“Pero sobrang okay ako na nandiyan siya.

“After ng one-month relationship, parang bumalik kami do’n sa parang M.U. kami.

“Yung nagde-date kami, okay kami... kuwentuhan.

“Hanggang ngayon, best friend. Yun kami.”

Natawa naman si Rich nang biruing para lang silang “tweenhearts” na 16 years old.

“Hindi naman!” natatawang sagot niya.

“Okay lang kami na ganito. At saka, siya rin naman, ayaw rin niya ng commitment.

“Parang istrikto raw kasi siya kapag may girlfriend. Baka lang daw hindi ko kayanin.”

Sa ngayon, "exclusively dating" lang daw sila ni Ervic at walang commitment o something official.

“Basta, nirerespeto ko na siya lang ang dine-date ko. Ako lang din ang dine-date niya…sabi niya, ha.”

Sa huli, inamin naman ni Rich na siguro nga raw ay nagkaroon din siya ng trauma sa naging relasyon nila noon ni Aljur.

“Siguro ganoon, ‘no? Kaya ayoko rin ng masyadong seryoso.

“Saka na. At least, na-experience ko na.

"Next ko na lang mae-experience ‘yan kapag asawa ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN