Buboy Garovillo grateful for getting acting jobs after split of APO Hiking Society

Even before APO Hiking Society decided to split, Buboy Garovillo already planned to stay in show business as an actor. That is why the former member of the group is still very visible on television and movies. “I was just fortunate na when APO retired two years ago, I had a toe or a foot in in show business. I’m fortunate that in the past three years, I was employed,” he says.


Masaya ang singer-actor na si Buboy Garovillo na sa kabila ng pagpapahinga ng APO Hiking Society ay aktibo pa rin siya sa showbiz.

Ang APO Hiking Society ay ang legendary OPM singing group na binubuo nina Buboy, Danny Javier, at Jim Paredes.

Sila ang nagpasikat ng mga sumusunod na OPM classic songs: "Awit ng Barkada," "Batang-Bata Ka Pa," "Blue Jeans," "Do Bi Doo," "Ewan," "Heto Na," "Kabilugan ng Buwan," "Lumang Tugtugin," Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba," "Nakapagtataka," "Panalangin," "Pumapatak Ang Ulan," "Saan Na Nga Ba’ng Barkada," "Salawikain," "Tuyo Na’ng Damdamin," at "Yakap Sa Dilim."

Ang mga awitin ng APO ay tampok sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Madalang nang makita ngayon si Buboy na kumakanta kasama sina Jim at Danny, subalit nananatili siyang visible sa industriya sa pamamagitan ng pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Sa pelikula, napanood siya kamakailan sa Just One Summer ng GMA Films at sa Cinemalaya 2012 entry na Ang Nawawala.

Sa TV naman ay nakasama siya sa cast ng telefantasyang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis at mapapanood sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Aso Ni San Roque.

Bukod sa musika, nakahiligan na rin daw ni Buboy ang pag-arte.

“My being on the television and the movies, I’ve been working on this for the past five years na, e. Even when I’m still with APO.

"Kasi I really love performing,” pahayag ni Buboy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na inihanda para sa commercial run ng Ang Nawawala kahapon, Setyembre 4.

Dagdag pa niya, “I was thinking kasi noon… Di ba, kapag nasa showbiz ka, sasabihin nila, ‘O, ano ang gagawin mo? Magnenegosyo ka?’

“I’ve tried that before long time ago. Kapag nag-negosyo ka tapos magsu-showbiz ka, malulugi ka.

"Mamili ka na kung ano ang gusto mong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I abandoned the negosyo idea.

"Sabi ko, kung ito [pag-arte] ang gusto kong gawin, ito na lang ang gagawin ko.

“I think I kind of invested on it also by just doing it, accepting offers, and everything.

“Ever since that time, I tried to get myself on television and even movies kung puwede.

“I was just fortunate na when APO retired two years ago, I had a toe or a foot in in show business.

“I’m fortunate that in the past three years, I was employed.”

Taong 2010 nang magdesisyon ang trio na magpahinga na sa paggawa ng musika.

Kaugnay nito, tinanong ng media si Buboy kung magkakaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society.

Bagamat malapit na magkakaibigan pa rin silang tatlo, sabi ni Buboy, malabo raw itong mangyari sa ngayon.

Sabi niya, “Everybody keep on saying, ’Magre-reunion ba yung APO kaya kayo nag-split?’

“Kaya kami nag-split kasi ni-retire namin yung APO talaga.”



ON DOING ANY ROLE. Sa ngayon, kuntento na si Buboy sa paglabas-labas sa teleserye at pelikula. Hindi rin niya alintana kung gaano kalaki o kaliit ang kanyang kita.

Katulad sa indie film na Ang Nawawala, aminado si Buboy na maliit lamang ang bayad sa mga aktor para sa ganitong klase ng pelikula pero hindi niya ito inintindi.

“I’m fortunate that I’m doing some work also. It’s great,” sabi niya.

Pagkatapos ay naikuwento niya kung paano siya napasama sa pelikulang ito, na magkakaroon ng theatrical release sa Setyembre 12 sa mga piling sinehan sa bansa.

“Now, itong Ang Nawawala, kapag iniimbita ka sa indie, ano ang unang tinatanong mo muna? ’Patingin ng script.’

"Kapag nakita mo na ang script, maganda, okay. ’How long do you plan to do this?’

"Di ba, ’Ano ang mga requirement sa schedule?’ Ayaw ko naman na busy ako tapos hindi kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, ’How much are you paying me?’ It’s not how much are you going to charge me. It’s how much are you paying me.

“Hindi naman kami stars, so kahit anong offer mo, worth it pa rin ‘yan, tatanggapin pa rin namin ‘yan.

“Kasi yung iba, when you’re getting a real star who making real money anyway, pwede niyang sabihin, ‘Libre na lang ako,’” saad ni Buboy.

Hindi tulad ng ibang mas malalaking artista, hindi ikinaila ni Buboy na kahit maliit na talent fee ay tatanggapin niya basta may trabaho.

Biro pa niya sa huli, "Tatanggapin ko yung pang-gasolina. I mean, ganun naman talaga ang buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN