Lani Mercado changes mind about not running for re-election as congresswoman of Cavite; reveals son Jolo Revilla will run for vice governor also of Cavite

Nagbitiw ng salita noon si Lani Mercado na pagkatapos ng una niyang termino bilang representative ng Bacoor, Cavite, ay hindi na siya muling tatakbo. Pero ngayon ay nagdeklara na siya ng intensiyong tumakbo muli sa parehong posisyon. Paliwanag ni Lani: “Oo nga, sinabi ko na pag naging lungsod na ang Bacoor, tapos na ang misyon ko. Pero I stand corrected na para siyang sanggol na bagong silang na kailangan mong tutukan dahil nasa formative year siya. So, ganun din yung trato ko


Ang actress-politician na si Lani Mercado ang gaganap sa role ni Camille Prats sa ikatlong henerasyon at huling yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca.

“Ako yung nanay nina Luna at Blanca played by Bianca [King] and Heart [Evangelista],” maikling deskripsyon ni Lani sa kanyang role.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa presscon ng Luna Blanca noong Martes ng hapon, September 4, na ginanap sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Hindi pa raw nakakapag-taping si Lani ng kanyang mga eksena sa serye.

“Hindi ko pa alam kung ano yung mga gagawin ko… pero napapanood ko naman siya kaya alam kong iyakan ito.

“Nasubaybayan ko nung nagsisimula pa lang, tapos medyo nawala ako nang kaunti dahil naging busy ako.

“Tapos nung panahon na nina Bea Binene at saka ni Barbie [Forteza], nakita ko na talagang iyakan nang todo-todo.”

CONGRESSWOMAN LANI. Mukhang naiisingit pa niya ang schedule ng trabaho sa showbiz, gayong marami rin siyang inaasikaso bilang representative ng Bacoor, Cavite?

Saad ni Lani, “Oo nga, sa Kongreso.

“Pero I have a contract with GMA-7. I have to comply with my contract.

“Actually, my contract will expire this October. So, I want to explore more on other aspects.

“Ibig sabihin, huwag muna akong pumirma.”

Ibig bang sabihin nito ay lilipat siya sa ibang istasyon?

Paliwanag niya, “Huwag muna kasi mag-e-eleksyon. I will weigh my options after election.

“Kasi ayaw ko namang pumirma tapos hindi naman ako makaka-comply kasi nga mag-e-eleksyon. May cut-off kasi kami ng February.”

Ang tinutukoy ni Lani ay ang ruling ng Commission on Elections (COMELEC) na nagbabawal sa mga tatakbo sa 2013 na lumabas sa telebisyon pagtuntong ng Pebrero 2013.

“Puwede pa naman basta huwag lang lalagpas doon sa batas ng Comelec.

“If you have filed your certificate of candidacy, I understand na merong cut-off sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi bibilangin yun, hindi na allowed lumabas bilang artista.

“Puwede kang maglagay ng TV placements.”

MOVING TO ANOTHER NETWORK. Hindi masagot ni Lani kung matapos ng eleksyon ay lilipat na siya ng ibang istasyon.

Ang manager daw niyang si Lolit Solis ang dapat tanungin tungkol dito.

Pero pag-amin ng 44-year-old actress-politician, “I want to explore on other offers. Para at least ma-experience ko uli ang magtrabaho sa ibang istasyon.

“Pero my heart is with GMA 7 kasi I’ve stayed and lived here so long.

“Dito na ako tumanda at nagkaroon ng…di ba, lagi kong sinasabi na dito ako nagka-boyfriend, nagkaasawa, nagkaanak at nagkaapo?

“Kasi I started in GMA-7 when I was 16 years old. And how old am I? Nasa fourth decade na ako.”

Unang napanood si Lani sa GMA-7 bilang co-host ni German “Kuya Germs” Moreno sa musical-variety show na Germspesyal noong 1986.

Minsan lang daw nag-ober da bakod sa ABS CBN si Lani. Ito ay sa teleseryeng It Might Be You (2003-2004), na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, at idinirek ng yumaong si Gilbert Perez.

Sa ngayon, gusto munang mag-concentrate ni Lani sa kanyang partisipasyon sa Luna Blanca. Bukas din daw siya sa iba pang offers ng GMA-7.

“Wala namang problema doon.

“Basta kaya pa ng panahon ko, at wala pang illegal na ginagawa ’ko, dahil magpa-file ako ng certificate of candidacy by October.

“Re-electionist ako, second term ko as a congresswoman,” sabi ng maybahay ni Senator Bong Revilla Jr.

Kapansin-pansin na pawang underdog at mababait ang characters na ginagampanan ni Lani sa mga seryeng nilalabasan niya.

Parte ba ito ng pagiging isa niyang public servant?

Pag-amin ni Lani, “Nung pumasok ako sa pulitika, sinabihan ako ng asawa ko na, ‘Kung makakaiwas ka sa mga kontrabida roles, umiwas ka.

"Kasi people look up to you as somebody approachable na tutulong, tumutulong.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo naman ang masa minsan, na-associate ka sa… pag masama ang ugali mo sa mga series, minsan inaakala nilang ganun ka rin sa totoong buhay.

“As much as possible, umiiwas muna ako sa mga ganung roles kahit gusto ko siyang gawin.

“Medyo iwas talaga, sabi ng asawa ko.”

RE-ELECTIONIST. Nabalita noon na tatakbo sa mas mataas na posisyon si Lani sa susunod na eleksyon. Ipinaliwanag naman ng actress-politician kung bakit nabago na ang plano.

“Uhm, nag-usap ang pamilya.

“Sinabi ko rin na hindi pa ako handa for a higher position… for senator sana yun.

“Like, I feel kailangan pa akong tumutok sa distrito ko, lalo na ngayon, naging lungsod na ito.

"Nasa transition na siya na papuntang lungsod mula sa pagiging munisipyo.

“Dapat alalayan ko rin yung mayor namin. There are still lots of things to do para sa transition period na ito.

“Kasi next year, talagang pondo na ng isang lungsod meron kami. Kaya pang-lungsod na lahat ng ginagawa naming preparasyon ngayon.”

Nagsalita noon si Lani na hanggang unang term lang siya sa pagiging public servant at matapos nito ay hindi na tatakbo muli. Pero ngayon ay nagpahayag siya ng intensiyon na tumakbong muli.

Bakit nagbago ang isip niya at nagtuluy-tuloy na ito?

“Oo nga, sinabi ko na pag naging lungsod na ang Bacoor, tapos na ang misyon ko.

“Pero I stand corrected na para siyang sanggol na bagong silang na kailangan mong tutukan dahil nasa formative year siya.

“So, ganun din yung trato ko sa Bacoor, na bilang isang bagong silang na sanggol, na kailangang alalayan ng mga magulang bago mo siya iwanan at maging fully-independent siya, or we pass it on to the next leaders of our city.”

Susubukan ba niyang maka-tatlong termino sa pagiging kongresista bago siya umakyat sa mas mataas na posisyon?

Sagot ni Lani, “Kung anuman ang dikta ng panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi tinitingnan ko ang movements ko sa dikta ng panahon, kung ano yung pakiramdam ko, kung ano ang dikta ng Panginoon.”

Walang makapagsasabi noon na kaya ni Lani ang sumabak sa pulitika, katulad din ni Lucy Torres-Gomez na hindi rin pinangarap noon na maging isang pulitiko ngunit ngayon ay kongresista na ng Ormoc, Leyte.

Reaksiyon dito ni Lani, “A, si Lucy, talagang instant yun.

“Kasama ko lang siya kanina, we defended our Breastfeeding Bill in Congress…

“Iba, e. Nagugustuhan, kasi you’re studying, your’re learning a lot of things from your fellow congressmen, from your constituents, from a lot of politicians.

“I also look at the opportunity of going with barangay captains, barangay officials. Katulad ngayon, nagkaklase ako.

“So, may mga opportunities ka talagang makukuha from these officials, na yung best practices nila, puwede mo talagang mai-apply sa iyong lungsod.”

JOLO REVILLA. Ayon kay Lani, napag-usapan na raw nila ni Senator Bong ang re-election niya, kasabay ng pag-uusap nila sa napipintong pag-akyat ng anak nilang si Jolo sa mas mataas na posisyon.

Saad ng actress-politician, “Siya ang magiging vice governor ng Cavite with Governor Jonvic Remulla.

“Now, he is an incumbent board member bilang presidente ng Liga ng Barangay. ABC President siya ng Cavite.

“So now, magiging Revilla-Remulla.

“Naging barangay captain si Jolo tapos naging board member siya.

“Kasi may seat talaga siya. Automatic na may seat siya.

“Kung ano yung legislative work niya… he is into legislation kasi nga bokal siya.”

Hindi ba ang lawak agad ng itinalon ni Jolo sa pulitika?

Sagot ni Lani, “Hindi naman. Kasi Jolo holds a national position sa Liga ng Barangay and now he’s the executive vice president.

“Umiikot siya ng buong Pilipinas din. So, hindi lang probinsiya o munisipyo, siyudad, kundi buong bansa ang iniikot niya.”

POLITICAL CLAN. Napangiti si Lani sa obserbasyon na hindi na sila pamilya ng mga artista kundi pamilya ng mga pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman niya, “Nagkataon lang na umiikot ang mundo namin sa dalawang areas—sa politics and showbiz.

“Si Jolo is guesting in Bong’s movie kasama si Bossing Vic.”

Ang tinutukoy ni Lani ay ang Metro Manila Film Festival 2012 entry na Si Agimat, Si Enteng, At Si Ako.

Ibig bang sabihin nito ay hindi na magpu-full time sa pag-arte si Jolo?

Sabi ni Lani, “Open pa rin ang options niya.

“Naka-focus nga lang siya sa pag-ikot sa lalawigan, kasi nga, siyempre, kailangan niyang magpakita sa lalawigan namin.

“Kasi ang inikutan lang niya barangay. Ngayon, talagang ikot siya sa buong lalawigan.

“We’re talking about 23 locations, we’re six cities, 17 municipalities.”

Ano ba meron sa pulitika na pati si Jolo ay nahilig doon? Hinubog ba nila si Jolo para rito?

Kuwento ni Lani, “Hindi namin siya pinush. Nong maliit ‘yan, hilig na niya ‘yan.

“Among my kids, siya yung… kunwari pupunta kami ng Independence Day, siya yung maagang gigising ng alas-singko ng umaga para sumama sa amin sa Independence Day rites.

“Hindi namin sila nire-requiere.

“Gusto raw niyang makita yung Pangulo, gusto raw niyang makita yung celebration.

“Pag may relief operation, nakikita mo ’yang nagpa-pack ng relief goods, magdi-distribute kasama ng tatay.

“Maliit pa lang siya, ganun siya, sa lahat ng anak ko.

“When he got involved in campaigning, kung si Bong Revilla may team, may Team Bong, may Team Jolo rin kahit hindi siya kandidato.

“Yun ang pagtingin niya sa ginagawa niya.

“So, na-apply or na-imbibe niya. Hindi namin siya itinulak.

“Yun yung gusto niya, yun ang kinagisnan niya.

"And we saw na nandoon yung heart niya sa paglilingkod.

“Hindi namin pinu-push ang anak namin sa kahit na anong propesyon na gusto nila.

“Pag nakikitaan namin na yun ang talento, sinasabihan namin. Pero kung ayaw, e, di ayaw.”

MATTERS OF THE HEART. Kumusta naman ang panganay na anak nila ni Senator Bong na si Bryan Revilla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Bryan, he’s into business. Ang daming pinapasukang negosyo.

“Dati, chief of staff siya ni Senator Bong. Ngayon, nasa administration siya ng mga businesses namin.

“Kasi somebody has to be in the business, in our business. Kasi hindi lahat kami nasa politics.”

May girlfriend raw ngayon si Bryan, ayon kay Lani.

“Make-up artist and stylist… she’s from a prominent political family.”

Pagdating naman kay Jolo, hindi makumpirma ni Lani ang estado ng lovelife ng ikalawang anak.

Nangingiting sabi niya, “Nandiyan lang siya. Basta, meron siyang minamahal ngayon.

“Pero mas magandang sa kanya manggaling, huwag sa akin.”

Hindi ba talaga sina Jolo at Jodi Sta. Maria?

Nagseryoso muna si Lani at saka nagsalita.

“Mas mabuting sila ang kausapin ninyo, hindi ito manggaling sa akin,” sabi ng aktres.

Paliwanag namin kay Lani, matagal na kasing umiikot ang usap-usapan na magkarelasyon daw sina Jolo at Jodi.

“Tsismis? E, mas mabuting yung mga taong involved ang kausapin. Pangit naman na nanggaling sa ibang tao,” pag-iwas pa rin niya.

Okey lang ba kay Lani na makatuluyan ng anak niyang si Jolo ang kahit na sino?

“Walang problema basta suportado nila ang isa’t isa. Naiintindihan nila ang trabaho ng isa’t isa.

“At saka they click, they love each other, they respect each other. Nagkakatulungan sila.”

Nakilala na raw ni Lani ang sinasabing karelasyon ngayon ni Jolo. Kumusta naman ang girlfriend ng anak?

“Maayos naman,” matipid ngunit nakangiting sagot ni Lani.

“Parang gusto niyo akong hulihin, ha!” sabay tawa niya nang malakas.

Ipinaliwanag namin kay Lani na kaya namin siya tinatanong tungkol sa girlfriend ni Jolo ay para malaman namin kung ano ang character at personality ng babae.

“Nanghuhuli kayo, e,” nangingiting sabi ni Lani.

“Basta, simple lang siya, maganda, simple. Mabait, tahimik.

“Nakikipag-usap lang naman. Ano lang, she’s a very simple lady.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Good influence ba kay Jolo ang bago nitong girlfriend?

“I do believe she is supportive of what Jolo wants in his career," sagot ni Lani.

Papayag na ba si Lani na magpakasal si Jolo?

“If it’s the right time at kung siguradong-sigurado na siya.

“Kung ako muna ang masusunod, gusto ko yung career ng mga anak ko in place bago sila mag-asawa. Kasi mahirap ngayon.

“Si Jolo nasa alanganin kasi nga tatakbo siyang vice governor. Hintayin natin siyang makaabot sa kanyang gustong posisyon.

“If he’s settled down and he has proved himself na nakapagpundar na siya nang tama, sige, mag-asawa siya, walang kaso.

“Dapat handang-handa siya.”

Si Bryan daw ay nakapagtapos ng kursong Consular and Diplomatic Affairs sa St. Benilde.

Paliwanag ni Lani, pre-Law course ito kung sakaling gustuhin ng panganay niyang ituloy ang pag-aaral.

Si Jolo naman daw ay may naiwan pang 12 units sa Marketing sa San Beda.

Pero dahil sa paglusong nito sa pulitika, nais daw ni Jolo na kumuha ng Public Administration course.

Wala na raw sa poder nina Lani at Bong si Jolo. Sa Cavite na ito naninirahan para maasikaso nito ang kanyang nasasakupan.

“He lives in the mansion. Paggising niya sa umaga, ang kaulayaw niya yung mga kabarangay namin," sabi ni Lani.

May isa nang anak sa pagkabinata si Jolo mula sa relasyon nito sa dating girlfriend na si Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN