Baron Geisler admits there’s a “kilig factor” with non-showbiz girl he is dating

Naka-concentrate si Baron Geisler sa mga projects na nakahain sa kanya ngayon. Kasama sa objectives niya ang makapagpagawa ng bahay para sa nanay niya. Ang habol din niya: “Kahit sabihin nating regular lang yung TF basta ba tatlong beses sa isang linggo magtrabaho, masaya na ako dun. Ipon lang talaga, dun ako naka-focus ngayon, hindi na sa bulakbol talaga.”


Hindi nasungkit ni Baron Geisler ang Best Supporting Actor award sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines.

Ang kasama niya sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story movie na si John Regala ang tumalo sa kanya sa category.

Hindi ba sumama ang loob ni Baron sa pangyayari?

Pahayag ni Baron, “No, of course not! Nanalo na rin ako sa Star Awards… ok na yun!”

Hindi ba siya nag-expect na maka-grandslam para sa papel niya sa Asiong Salonga?

“No, of course not! Para sa Asiong? Hello! Hindi, hindi. Not the right character para mag-grand slam.

“Never, I mean never ko namang iniisip yung mga awards ngayon.

“I mean it’s nice to…yeah, one time you think about it, pero hindi siya yung magiging parang goal mo.

“Kasi masisira yung … mapu-frustrate ka lang.

"Kasi you’re there for the awards or to wow the people na hindi naman dapat ganun.

“I work because I want to wow myself and right now, I work because I want to save.

“Hindi na yung… not for the fame, it’s really to save talaga.”

Ano ba ang pinag-iipunan ni Baron ngayon?

“Bahay, e. Para sa mama ko.”

Nasunog ang bahay nina Baron noong 2006 kaya gusto niyang magpatayo ng bagong tirahan by next year.

“Nagsisimula pa lang ako mag-ipon. Pag dumating na yung malaking money, at saka ako magde-decide kung buong bahay na ba o lupa.

“Right now, hindi ko pa kayang magsabi niyan. Kasi sobrang konti pa lang naiipon ko, e.”

After Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, nasa El Presidente naman si Baron.

Parehong si Laguna Governor ER Ejercito ang bida sa dalawang pelikula.

Saan ang mas mabigat na acting para kay Baron?

“Sa El Presidente.”

Dito ba siya makaka-grandslam?

“Ah, hindi naman… Sana. Well, I speak in Spanish, e… The whole movie…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kung magta-Tagalog man ako, slang pa rin, may Spanish accent pa rin.

“Nagkakabayo pa kami. Masarap din naman.

“Kasi yung isa naming movie na ginawa ko kay Direk Brillante "Dante" Mendoza... Mayroon akong dalawang eksena na nagka-Kapampangan ako—hindi rin ako sanay sa Kapampangan.

“Ang sarap kasi, nae-explore ko yung craft natin. Alam mo yun?

“Parang hindi ko ipagpapalit yung mga character na binibigay sa akin. Sobrang happy ako.”



GRAY CHARACTER. Mapapanood din si Baron sa Pridyider ng Regal Entertainment, Inc. na ipapalabas na sa September 19.

Mabait ba siya sa Pridyider?

“Hindi rin, e. Parang gray yung character, na hindi naman siya bad, na kontrabida bad.

“Yung parang medyo pa-cute na in love lang na medyo pasaway lang, pero hindi siya yung tipikal na kontrabida.”

Hindi ba siya hirap sa gray character?

“Hindi. Mas gusto ko yung mga gray. Kasi, di ba, parang sa Asiong may pagka-gray din yung character?

“Hindi mo alam, hindi naman kontrabida yung dating, di ba?

“So, ’ayun...natutuwa naman ako at medyo nag-a-upgrade na rin yung mga characters natin dito sa mga istorya.

“Hindi siya black and white na pag sinabi mong, ‘O, iyan ang bida, iyan ang kontrabida!’

“So, isa lang akong character sa pelikula, parang ganun.”

Ang role niya sa Pridyider, hindi pang-acting award?

“Ah, hindi. Minahal ko yung Pridyider, talagang nag-iisip pa ako sa bahay ng mga adlib, e. So pumayag si Direk [Rico Ilarde] sa mga adlib ko.”



COURT CASES. Kinumusta namin kay Baron si Yasmien Kurdi at ang kaso nila.

Sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness si Baron sa Municipal Trial Court ng Bocaue, Bulacan, noong 2009.

“Ok, wala nang problema!

Kailan sila huling nagkita?

“Tagal na… Yung nag-apologize pa ako sa kanya.”

Nagkasundo na sina Yasmien at Baron nung nag-public apology ang huli. Binawi ni Yasmien ang kasong isinampa niya laban kay Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

“Tapos na yung tatlong kaso ko sa kanya. Pagkatapos yung kay ano naman… kay [Patricia] Martinez…"

Nauna sa kaso ni Yasmien ang isinampa sa kanya si Patricia, ang anak nina Yayo Aguila at William Martinez noong 2008.

“Pending lang yung kaso pero I’m praying na you know, its gonna… I’m praying po.”



MESSAGE FOR YASMIEN. Sa ngayon ba, wala silang communications ni Yasmien?

“Wala po.”

Meron ba siyang gustong sabihin kay Yasmien na hindi niya nasabi noong kaharap niya ito?

“Wala naman, wala naman. Kasi nung nag-settle na kami, tapos na iyon, e. What is said is said, and it’s already done.

“Maayos na kami. I consider her now as my friend, and hopefully, ganun rin yung tingin niya sa akin.”

Kung may offer na project na magkasama sila ulit ni Yasmien, tatanggapin ba ni Baron?

“Ok lang! ‘Eto nga si Kuya William [Martinez, ama ni Patricia], kasama ko sa El Presidente, e.”

Nag-uusap ba sila ni William?

“Konting ‘Hi, hello,’ civil lang. Hanggang ganun, yung tangu-tango lang. Batian, ganun. Pero yung usap na casual, wala pa.”



MORE PROJECTS. Ayon kay Arnold Vegafria, ang manager ni Baron, may gagawing TV show si Baron.

“Hindi pa siya final kaya ayoko munang magsalita.”

Walang contract si Baron kahit saan. Kung papipiliin siya, saang TV network niya gusto?

“Kahit na ano. To tell you the truth, basta may proyekto, maganda yung character, hindi ako naiitsapuwera, iyon ang gusto ko.”

Malaki ang talent fee siyempre?

“Kahit sabihin nating regular lang yung TF basta ba tatlong beses sa isang linggo magtrabaho, masaya na ako dun.

“Ipon lang talaga, dun ako naka-focus ngayon. Hindi na sa bulakbol talaga.

“So, sana by God’s grace, sana tuluy-tuloy na talaga.

“Pero hindi ko sinasabing perpekto akong tao. Minsan, nagkakamali din ako, nagla-lapse ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang ginagawa ko, balik na naman… Alam mo yun?

“’Tapos positibo lang at saka nag-mature na din ako, e.”



ON BOOZE. Umiinom pa rin ba siya?

“Ah, very rarely, e...very rarely. Because I work, e.”

“Kasi mali rin yun, e. Pero ayoko kasing magsinungaling sa tao, e. Alam mo yun?

“Ayokong mag-put ng front… So, iyon.

“Kasi ayoko ring tumaas masyado ang expectations nila, although I want them. Masyado kasing nag-e-expect yung mga tao, e.”



HIS LOVELIFE. Kumusta ang lovelife niya?

“Ok naman. Wala pa, e, pero nanliligaw pa lang. Non-showbiz, pangkaraniwang tao. Getting to know pa lang.”

Mahal na niya yung girl?

“May kilig factor,” natatawang pagtatapos ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN