Albert Martinez claims stem cell therapy cleared wife Liezl Martinez of breast cancer

Mabigat ang pinagdaanan ni Albert Martinez at ng kanyang pamilya sa pagkakasakit ng cancer ng asawang si Liezl Martinez. Tiyaga at paniniwala sa Diyos ang nakatulong sa kanila. Kuwento ni Albert: “It’s really painful to deal with the possibility of losing someone you love so much. But then again, we didn’t allow it to control us. Up to the last minute talaga, I was telling Liezl and our family, ‘Di tayo papatalo dito. Kailangang talunin natin ito


Dineklarang cancer-free ang nakita at tinanggal na tumor sa kidney ni Zsa Zsa Padilla kamakailan.

Malaking pasasalamat naman ngayon ni Albert Martinez at ang kanyang pamilya na cleared na sa breast cancer din ang asawa niyang si Liezl Martinez.

Kuwento ni Albert sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa tulong daw ng stem cell therapy ay naging cancer-free ang asawa.

“Ok naman, so far with God’s blessing,. It’s all cleared. So, we’re very, very happy.

“Dealing with cancer is a struggle from day one, and I’m really thankful that there’s such a thing as stem cell na naging solusyon sa recovery ni Liezl.”



EXTENSIVE RESEARCH. Ayon kay Albert ay pinag-aralan niya ang lahat ng puwedeng maging solusyon sa sakit ng asawa.

Pero sa huli, ang stem cell pa rin ang naging solusyon.

“Marami akong pinagdaanan kasi ni-research ko lahat yan.

“Kailangang alamin mo kung ano ba ang mga dapat gawin. Lahat pinag-aralan natin…

“And nag-end up talaga, na ang pinakamaganda is stem cell.

“I took the risk, researched on the possibilities of doing it, availability niya.

“And I found out it’s available in Hong Kong, in Singapore, and then in reality, available here in the Philippines.

“Blessing in disguise. Available here in Medical City and I met a doctor who opened my eyes and enlightened me about stem cell.

"And tanggap ko siya and I’m very happy I did."



DIFFICULTIES. Aminado ang aktor na mabigat at talagang mahirap ang pinagdaanan ng kanilang pamilya.

Pero para kay Albert, nagpatatag at nagpatibay naman ito ng pagsasama nilang mag-asawa at ng kanyang pamilya.

“For twenty-seven years of being husband and wife... So, it made us stronger.

“It’s really painful to deal with the possibility of losing someone you love so much. But then again, we didn’t allow it to control us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Up to the last minute talaga, I was telling Liezl and our family, ‘Di tayo papatalo dito. Kailangang talunin natin ito.’

“Family support is really important and yun ang nakatulong sa amin to be strong and not to lose hope, maka-recover kami faster.

“It’s not easy na miyembro ng pamilya mo, magkaganito. Kumbaga, all of us went through a lot—my kids, myself, Liezl—all of us.

“We’re thankful to God, at least we’re almost done… We’re over with this struggle.”



BACK TO WORK. Ngayong maayos na ang kalagayan ni Liezl, bukas na si Albert na magkatrabaho silang mag-asawa sa isang proyekto.

“Sana magkatrabaho kami. I’m really happy that she’s ok now.”

Masaya si Albert na maging parte ng Princess and I na consistent ang high ratings.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng cast, crew, production people of Princess and I.

“Kasi lahat ng tao dito really worked hard, and have been passionate about this project.

“Kailangang abangan natin na finally, makikilala na rin ni King Anand ang kanyang pinakamamahal na anak.

“Yun din ang inaabangan ko.”

“I’m really, really happy na nakatrabaho ko sila, because they are hard working.

“Mahal nila ang trabaho nila and it’s really fun and easy working with them."

Sa pagtatapos ng Princess and I ay may kasunod na agad na seryeng gagawin si Albert sa Kapamilya network.

“Actually, we’re preparing for the next project, kaya medyo ganito ang looks ko.

“So, thankful and nagpapasalamat ako sa ABS na di nila ako pinababayaan.

“Yung binibigay nilang mga projects sa akin, talagang worth doing.

“I’m really, really proud to be part of the team.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN