Karylle says mom Zsa Zsa Padilla will come home tomorrow, September 7, after successful operation in the U.S.

Labis-labis ang pasasalamat ng singer-actress na si Karylle sa lahat ng mga nagdasal para sa paggaling ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla. Ngayon kasi ay cancer-free na si Zsa Zsa matapos makita na benign ang tumor na nakuha mula sa kanyang kidney.


Masaya at nakahinga na nang maluwag si Karylle dahil benign, o hindi cancerous, ang bukol na nakuha mula sa kidney ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni Karylle sa mga taong nagdasal at nagbigay-suporta sa kanyang ina.

“Napakadami kong gustong pasalamatan… sa Twitter, sa mga nurse na nandun mismo sa Cedars-Sinai Medical Center, sa mga Filipino nurses.

“Even the day ng surgery, napakadaming lumalapit sa amin na nagsasabi na nagdarasal sila.

“Minsan binibigyan kami ng mga prayer books, bulaklak, iba’t ibang ways na pagpapakita nila na mahal nila ang pamilya namin and they are really praying for my mom.

“I got a lot of messages from family and friends na nag-o-offer sila ng misa: ‘We’re continually praying for your mom.’

“Saka yung mga humihingi ng constant updates, dun ko talaga naramdaman na yung closeness ng family namin.

“Sa lahat ng mga nagdasal, I haven’t met so many of you, hindi ko maintindihan kung paano magagawa ng isang tao na hindi ko naman kakilala talaga nang personal, yung kabaitan na ipinakita sa akin.

“I wish I could thank personally everybody, pero by now, hindi ko pa kayo nami-meet, maraming salamat from our family.

“Parati ko kayong ipinagdarasal.

“Sabi ko, ‘Lord, sana po i-bless Ninyo lahat ng nagdasal para sa amin kasi napakalaking bagay ng ginawa nila sa amin, kasi we have experienced miracle and that’s because of You.’”

Kabilang naman sa mga taga-showbiz na gustong pasalamatan ni Karylle ay sina Dra. Vicki Belo, Kris Aquino, at Angeli Pangilinan-Valenciano.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle kahapon, September 5, sa hallway ng ABS-CBN.

ZSA ZSA IS COMING HOME. Masaya ring binalita ni Karylle sa PEP na uuwi na ng Pilipinas ang kanyang ina bukas, September 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She is going home on Friday, she’ll be here on Friday.

“And sabi niya, siguro in a month’s time, she’ll be able to work again.

“Si Zia ang kasama niya ngayon, so si Zia ang nurse.”

Si Zia ang anak ni Zsa Zsa sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

Masaya ring ikinuwento ni Karylle ang mabilis na paggaling ng ina mula sa operasyon nito.

“And couple of days after, naglalakad na kami sa beach, ang haba na ng nilalakad niya.

“Nagulat kami sa kung gaano siya kabilis maka-recover, even yung mga doctor, mga nurse.

“Alam mo yung mga nurse, pag may progress siya, talagang pumapalakpak.

“Si Nurse Joy, yung nurse namin na Pinay, even yung iba pang mga nurse…

“Sabi ko nga, ‘Ikaw ang star patient, not because you’re a star, pero…’

“Pag sinabi kasing kailangan nakaupo, kailangang maglakad, gagawin niya.

“Talagang purisgido, nothing will stop her.”

FIRST DIAGNOSIS. Sinabi ni Karylle na talagang kinabahan sila nang unang ma-diagnose na may Stage 1 kidney cancer ang kanyang ina

Kuwento ni Karylle, “Ang nangyari kasi is nakahanap sila ng tumor na size ng golf ball.

“Ang sinabi sa kanya, ‘It’s cancer until proven otherwise by pathology.’

“So dun, ina-assume nila na cancer, kasi hitsura niya na cancer.

“So malalaman lang na confirmed ba o hindi after ng surgery. And awa ng Diyos, it was never cancer.

“It was benign all the while, though sa mga tests, hitsura niya talaga kasi ang laki."

Patuloy niya, “Nung una naming narinig, hindi kami makapaniwala, lalo na siya [Zsa Zsa], kasi akala niya, parang, ‘Totoo ba ito?’

“For me, nag-sink in na lang siya two days after, nagsasayaw ako sa kalsada!

“Sabi ko, ang saya ko na. Sabi ko, baka bawiin uli, parang hold lang muna.

“Hindi kasi ako makapaniwala pero, you know, the power of prayers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everyone is praying for her, sending good vibes, sending their love, talagang nakapalibot sa kanya ang mga pamilya, kaibigan."

Pagbalik ba ni Zsa Zsa sa Pilipinas ay kailangan pa nitong bumalik sa Amerika?

Sabi ni Karylle, “Hindi na, kasi cancer-free na siya.

“Kung cancer siya, nakakatakot kasi iisipin mo, anytime baka bumalik, may remission.

“Since it was benign, there is no need to go every six months. Maybe a yearly check-up to make sure she’s fine, which she does naman.

“Malaking ginhawa, kasi ngayon, hindi ka na mapapraning kung cancerogenic ba yung pagkain.

“Pero she is gonna take extra care pa of her health.

“She’s always been a healthy person, she always exercise, kaya nga nagulat ako nung nangyari ito. Baka stress din.”

SUPPORT FROM QUIZON FAMILY. Bago ang operasyon ni Zsa Zsa sa Amerika ay nagkaroon ng misa sa Dolphy Theater ng ABS-CBN para sa mabilisang paggaling ni Zsa Zsa, na dinaluhan ng Quizon family.

Dito ay nakita rin ang suporta at pagmamalasakit ng pamilya ng Comedy King sa kalagayan ni Zsa Zsa.

Saad ni Karylle, “Mararamdaman mo talaga ang pagmamahal, lalo na marami din silang pinagdaanan nung naospital pa lang [si Tito Dolphy].

“Heto na naman, iba na namang ospital.

“Pero nalagpasan talaga yung pagsubok with flying colors.”

Ni-reset din ang concert na para sana kay Mang Dolphy. Napaginipan daw kasi ng anak nitong si Eric Quizon na ayaw pang ituloy ng kanyang ama ang nasabing event para mahintay ang pagbabalik ng Divine Diva sa Pilipinas.

Makakapag-perform na ba by that time ang ina ni Karylle?

Sagot ng singer, “Hindi ko alam kung makakakanta na siya by then but, definitely, kasama na siya kung anuman ang gagawin nilang program.

“May nakuhanan na nga sila sa kanya nung time na yun.”

Nagbigay rin ng mensahe si Karylle para sa ina:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m so proud that you faced everything head on and you we’rent scared.

“And you embraced everyone who generously… who shared their hearts, shared their love, shared their prayers with you, and just wish you speedy recovery.

“Grabe ka, ang lakas mo, ang tapang mo!”

Nilinaw ni Karylle ang lumabas na balita noon na handa raw siyang talikuran ang showbiz kung sakaling hindi naging maganda ang resulta ng operasyon ng kanyang ina.

“Si Mama kasi, ayaw niya ng ganun, e.

“Nung tinanong ko nga, ‘I’m gonna fix my sked to be there...’

“The first thing that she said, ‘Wag ka nang pumunta.’ Kasi ayaw niya talagang nagagambala ang ibang tao.

“Hindi ko na nga lang naintindihan kay Tita Kris [Aquino] na, ‘Alam mo, ang mothers daw kunwari di ka kailangan…’

“Pero dun ko na lang naintindihan.”

Pero diin ni Karylle, “Hindi naman niya hiningi yun, hindi niya hihingin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN