Another American blogger accuses Senator Tito Sotto of plagiarism; Sotto dismisses it: "Sumasakay lang yun, gusto lang niyan sumikat.”

Isa na namang American blogger ang umalma at inakusahan ng plagiarism si Senator Tito Sotto. Ayon sa New York-based blogger na si Janice Formichella, kinopya at ginamit ng Pilipinong senador ang ilang bahagi ng kanyang blog post noong February 2010 para sa talumpati nito laban sa RH Bill.


Nakarating sa isa pang American blogger ang pangongopya diumano sa kanya ni Senate Majority Floor Leader Vicente "Tito" Sotto III para sa talumpati ng huli sa senate floor upang tutulan ang Reproductive Health Bill.

Ayon sa report, kinopya raw ni Senator Sotto ang ilang bahagi ng blog post ng American blogger na si Janice Formichella noong February 2010.

Nag-react naman si Formichella sa balitang ito sa pamamagitan ng kanyang blog post sa online magazine na Ms. noong Setyembre 4.

Ayon sa American blogger, nalaman niya ang tungkol sa pangongopya diumano ni Senator Sotto sa kanyang blog post mula sa "Filipino reporters."

Sabi ni Formichella, “I am not Filipina. I am a white American blogger and small business owner in New York City. So you can imagine my surprise when a two-year-old blog post of mine suddenly made it to the floor of the Philippine Senate last month.

"According to the Filipino reporters who alerted me to this, Sen. Vicente ‘Tito’ Sotto III lifted entire passages from a post I wrote for Feminists For Choice and twisted them into an anti-choice argument against an important reproductive rights bill in the country.”

Bukod sa pangongopya, pinuna rin ni Formichella ang paggamit ng senador sa kanyang blog post upang tutulan ang isinusulong na RH Bill dito sa Pilipinas.

“Given the content of my post and my very pro-contraception position, I could hardly understand how my words could be used to argue against reproductive rights.

"But lo and behold, it turns out that entire segments of my post were used by Sotto, albeit put into an anti-choice context.

"What’s more, he has oddly used the words of several other bloggers, writers and case studies in his speeches.”



NOT THE ONLY BLOGGER. Si Formichella ang ikalawang American blogger na nag-akusa ng plagiarism laban kay ni Senator Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang umalma tungkol dito ang American food and health blogger na si Sarah Pope.

Sa kanyang Facebook fan page, isinulat ni Sarah ito: “A Senator in the Philippines plagiarized one of my blog posts to use in a speech. Can’t even believe this!!!”

(CLICK HERE to read related article.)

Bukod sa blog ni Pope, dalawang blogs pa diumano ang pinagkopyahan ni Senator Sotto para sa kanyang ikalawang “turno en contra” sa Senado.

(CLICK HERE to read related article.)

Kaugnay nito, umaasa si Formichella na humingi ng paumanhin ang Filipino senator sa iba pang bloggers na kanyang kinopyahan.

Sabi ni Formichella, “I would love nothing more than to see this bill passed, and am angry that my work would be used to stall its advancement.

"It is my hope that Sotto will apologize to each of the bloggers he has plagiarized, and that this story might actually serve to increase the exposure of the Reproductive Health Bill.”



“HE OR SHE IS PATHETIC.” Samantala, sa ulat ni Patricia Denise Chiung para sa GMA News kagabi, pinabulaanan ni Senator Sotto ang panibagong akusasyon ng pangongopya laban sa kanya.

Ayon kay Senator Sotto, ang impormasyong ginamit sa kanyang speech tungkol kina Sanger at Gandhi ay mula sa libro at hindi sa blogger.

“Kinuha namin ang information sa libro kaya imposibleng sinabi niya. I have the book with pics,” sabi ni Sotto sa phone interview ng GMA News.

Nilinaw rin ng senador na hindi siya kumopya sa libro kundi ginamit lamang niya itong source para sa kanyang talumpati.

Kinuwestiyon din senador ang pag-alma ni Formichella.

Noong Agosto 15 pa raw kasi naganap ang ikalawang bahagi ng kanyang “turno en contra,” kung saan sinasabing ginamit ang bahagi ng kanyang blog.

Sabi pa ni Senator Sotto, “He or she is pathetic. Sumasakay lang yun, gusto lang niyan sumikat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, hinimok na lamang ng senador ang mga taong panig sa RH Bill na sagutin ang mga isyung inilahad niya sa kanyang mga naging talumpati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN