Janelle Manahan peeved by dismissal of criminal complaints against Ramgen Revilla’s sister Gail and the latter’s husband Takahiro Furuyama

Nadismaya si Janelle Manahan sa pagkaka-dismiss ng mga reklamong murder at frustrated murder na inihain niya sa Parañaque City Prosecutor’s Office laban kina Gail Bautista, kapatid ng napaslang niyang nobyo na si Ramgen Revilla, at Takahiro Furuyama, asawa ni Gail.


Halos isang taon na ang nakalilipas mula nang paslangin ang aktor na si Ramgen Revilla sa loob mismo ng tahanan nito sa BF Homes, Parañaque City, noong October 28, 2011.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang pumatay o kung sino ang utak sa likod ng kanyang pagpatay.

Noong Miyerkules, September 5, ay naabsuwelto ang dalawa sa suspek: ang kapatid niyang si Gail Bautista at ang asawa nitong si Takahiro Furuyama.

Na-dismiss ang reklamong murder at frustrated murder laban sa mag-asawa dahil mahina ang ebidensiya laban sa mga ito.

Hindi naman naitago ni Janelle Manahan ang pagkadismaya sa pagka-absuwelto nina Gail at Hiro.

Si Janelle ang kasintahan ni Ramgen na nagtamo rin ng tama ng baril sa mukha at balikat nang maganap ang krimen.

Sa taped interview ng The Buzz kay Janelle na ipinalabas kahapon, September 9, ay isiniwalat nito ang kanyang saloobin tungkol sa kinahinatnan ng kaso.

Aniya, “Siyempre, una naming na-feel, nainis.

“Siyempre, parang hindi naman yata fair na ganoon ang nangyari pero in-expect ko na rin.

"From the very beginning talaga, meron na rin nagsabi sa Prosecutor’s Office na huwag na lang idamay sila Gail.

“Parang okay na lang daw, kung sino ang nakasuhan, yun na lang.

“Kawawa naman daw ang family kung lahat na lang, kakasuhan.”

Ipinaliwanag naman ni Janelle na ibang reklamo ang isinampa nila laban kay Gail at sa asawa nito—at yun lang naman daw ang na-dismiss ng korte.

Saad niya, “Hiwalay naman ang case nila Gail doon sa na-file talaga na kaso, yung original.

“So, hindi lang kasi naisama si Gail at saka yung asawa niya dun sa list of suspects sa naunang case talaga.

“So, nag-file kami ng separate case. So, yun ang na-dismiss.”

Kahit na-dismiss ito, may plano raw na mag-apela si Janelle.

“Magpe-petition kami for review. Kasi hindi pa naman, preliminary pa lang ang na-dismiss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa talaga siya final na wala na.”

Diretsahan namang itinanggi ni Janelle ang isiniwalat ng ina nina Ramgen at Gail na si Genelyn Magsaysay na diumano’y may taong nanunuhol sa legal team ng huli at nag-aalok ng milyon para ilaglag nito ang kaso.

Ayon kay Janelle, “Ang labo lang kasi. Saan manggagaling yung nag-o-offer?

“Kasi, definitely, hindi sa aking side namin yun. Kasi, I’m not up for something like that.

“Kasi nga, palagi kong sinasabi na sana, sa kasong ito, sana hindi na magamitan ng influence or ng money.

“Yun ang palagi kong sinasabi, kaya imposible na ako ang gumawa ng bribe or something like that.”

Kahit na nakaka-move on na raw si Janelle mula sa malagim na pangyayaring yun sa buhay niya, itutuloy pa rin daw niya ang laban para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Ramgen.

“Kahit sa akin, okay na ako, itutuloy ko pa rin ang laban na ito hanggang dulo. Kasi, yun ang tama.”

GENELYN MAGSAYSAY. Nagbigay rin ng pahayag ang ina nina Ramgen at Gail na si Genelyn Magsaysay tungkol sa pagkaka-dismiss ng kaso na isinampa ni Janelle laban kina Gail at Takahiro.

Ayon kay Genelyn, wala talaga silang kasalanan kung kaya’t hindi sila dapat na idinadamay sa kaso.

Pahayag ni Genely kay Janelle, “Mag-apela siya.

"Unang-una, wala kaming kinalaman.

"So, wala naman talaga kaming dapat patunayan, e.

"Pero dito, dahil alam naming inosente kami, papatunayan na wala talaga kaming kinalaman."

Dagdag niya, “Idinadawit at ini-implicate lang kami sa isang sitwasyon na frame-up or set-up.

"Ako, sa ngayon, ayoko na sana na makita ako ng taong umiiyak, e.

"Gusto kong ipakita sa kalaban namin na malakas kami, nagkakaisa kami, at lalaban kami.

“Kung sinasabi ni Ms. Janelle Manahan na mag-aapela siya, mag-apela na siya kung saan niya gustong mag-apela."

Duda pa ni Genelyn, may taong nanunuhol sa kanyang legal team para ilaglag ang kaso nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una po, bago po kasi magkaroon ng hearing noong Tuesday, Sunday po, may legal team po akong inimbitahan.

"May isang tao na tumawag na sinasabi na iniimbitahan sila sa isang death anniversary or something.

“Pero noong dumating po sila do’n, it was not na nangyari na may death anniversary.

"Pero okay lang, salamat sa Panginoon dahil yung naging tao ko na yun, at least, loyal sa akin.

"They were actually offered millions para ilaglag ang kaso namin.”

Naniniwala rin si Genelyn na kahit nasa kabilang buhay na ang anak na si Ramgen, masaya ito na lumalaban siya para sa mga kapatid nito.

“Alam kong natutuwa ang aking anak, si Ramgen, dahil alam niyang ipinaglalaban ko pati ang kanyang mga kapatid. Dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga kapatid.

"I know, mananagot ang dapat managot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN