Chynna Ortaleza on former Click co-star Angel Locsin: "Hindi kami nagte-text, pero hindi na kami tulad ng dati na deadma."

Kamuntik na palang lumipat ng network noon ang Kapuso na si Chynna Ortaleza. Lahad niya, “Nagkaroon na ng close calls, na ayoko nang pumirma, gusto ko nang maghanap ng ibang… kasi gusto ko lang naman trabaho, e. E, minsan, pati trabaho, wala, so nade-depress ako.”


Madalas makitang naglalagare sa mga taping si Chynna Ortaleza para sa ilan niyang commitments sa GMA-7.

Sa showbiz lingó, ang "lagare" ay ang paggawa at pagsu-shooting ng isang artista ng dalawa o higit pang projects.

Kamakailan ay halos sabay nagte-taping si Chynna para sa Luna Blanca at Sana Ay Ikaw Na Nga.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa ginagawa niyang ito.

“Okay naman siya! Sabi ko nga, minsan lang mangyari ‘yan.”

First time ba niyang maglagare?

“Hindi, first time in a long time!

"Sanay naman ako, pero like this time around, kasi ibang klaseng lagare ang ginawa ko, e.

“Kasi hindi lang Luna Blanca, hindi lang Sana Ay Ikaw Na Nga, may indie kami na ginawa, Menor de Edad with Direk Joel Lamangan, and Basement with Topel Lee, with GMA Films.

“Alam mo yung nagdi-distribute sila ng indie films? Ganun, so iyon.”



WEDDING PLANS. Maraming nakakaalam ng relasyon ni Chynna sa boyfriend niyang si Railey Valeroso.

Hindi tuloy maiwasang itanong kung wala pa rin silang balak magpakasal ng boyfriend.

“I’m so tired of the question!” sabay tawa muli ni Chynna.

“Ano kasi, madami pa siyang kailangang gawin, madami pa akong ginagawa so parang... teka lang.

“At saka kung mangyayari, e, di mangyayari.”

RICHARD GUTIERREZ. Looking back, si Chynna ang original loveteam ni Richard Gutierrez. Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin daw sila.

Kuwento ni Chynna, “Yeah, pag nagkikita kami... Actually nagkita kami recently galing akong workshop. Tapos siya galing siya sa Party Pilipinas rehearsal.

"Tapos, ‘Uy, original loveteam!’Ganun-ganun.

“So parang hindi naman nawala yung friendship na ‘yan kasi ang tagal naming nagsama—tatlong taon!

“So pag nagkikita kami, nag-uusap kami, nagkukumustahan.

“Tapos ganyan din yung tukso niya sa akin na parang, ‘Kailan ka ba magpapakasal?’

"Ano ba ’yan? Ano ba kayo?"

Hindi ba’t magkakaibigan at barkada sila dati nina Richard at Railey?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Chynna, “Actually, isa si Richard sa mga rason kung bakit kami [ni Railey] naging kami.

“Kasi talagang sinusuportahan niya tsaka sine-set up niya kami.”

Kahit sila ang magka-loveteam noon ay suportado raw ni Richard ang relasyon nina Chynna at Railey.

Itinago pa nga muna nila ni Railey noon ang relasyon nila para protektahan ang loveteam nila ni Richard.

“Mga a year,” sabi ni Chynna.



ANGEL LOCSIN. And still looking back, dati ring kasamahan ni Chynna sa trabaho si Angel Locsin sa GMA-7. Nagkasama rin sila noon sa Click.

Si Angel ay nasa ABS-CBN na ngayon.

Kuwento ni Chynna, “Kami ni Angel, nag-start yung… wait lang… batch noon si Richard, e.

“So, una lang ako kay Gel ng a year and a half or so, so nagkatrabaho kami buong Click—ang tagal nun!

“Parang two to three years, ganyan, so tagal din.

"Nung bata pa kami, kumbaga, nung parang mga tweens pa!” sabay tawa ni Chynna.

Noong kasagsagan ng projects nina Chynna, Angel, at Richard, maraming mga isyu ang umiikot. Tuloy pa ba ang pagkakaibigan nila ni Angel?

“Okay na kami kasi, di ba, before nagkaroon kami dati ng issue, pero hindi naman…

“Feeling ko, ano yun, e, brought about by publicities and stuff, like that.

“It wasn’t anything really personal.

“That’s why nagkaroon ng time na nung Mulawin, tapos ako Sugo ‘ata or Mulawin or Darna, I’m not really sure...

“Pero nung nagkita na kami, kahit hindi na kami parehong nagbatian... okay naman.

“Actually, alam mo, magulo lang siya dahil yung careers namin nung time na yun, di ba, parang yung loveteam nga?

“Yung ganyan. ‘Yan yung mga ganun-ganung issue ang nakakabaliw.

“Kung tutuusin, wala namang anything personal na galit or whatever.”

Pero friends ba sila ngayon ni Angel?

“Okay naman kami,” sagot ni Chynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Textmates?

“Hindi, hindi kami nagte-text, pero hindi na kami tulad ng dati na deadma. Na, ‘Ayaw kitang makita, hindi kita kakausapin.’

“Pag nagkita naman kami, nagha-hi ako, nagkukumustahan.

“Friends, as in close friends. No, but not enemies or anything.”



LOYALTY. Contract star si Chynna ng GMA-7 for almost twelve years, ano ang sikreto ng loyalty niya sa Kapuso network?

“Alam mo, the secret, I think, it’s really the way that I am as a person— fiercely loyal!

“I think I was born loyal.

“Kasi minsan, di ba, may mga times din naman sa career ko na nakaka-depress na parang walang nangyayari?

“Tapos may times na okay, so hindi ko…

"Minsan naiisip ko, nagkaroon na ng close calls, na ayoko ng pumirma, gusto ko nang maghanap ng ibang… kasi gusto ko lang naman trabaho, e.

“Hindi naman ako naghahanap ng stardom.

"Kasi para sa akin, aktor ako, so kahit ano ang ibigay mo sa akin, okay na.

“E, minsan pati trabaho wala, so nade-depress ako.

“Pero ‘eto, yung recent na nangyaring ganyan, ipinagdasal ko talaga ‘yan kasi muntik na, e.

“Muntik na talaga akong umalis... muntik na talaga.

“Pero there was something na nangyayari na hindi siya talaga na-straighten out.

“So blessing kasi nag-stay ako dito [sa GMA], okay naman yung mga nangyayari.”

Ayon pa kay Chynna, “I have a three-year contract with them na guaranteed...

“So parang I feel very happy and blessed na they thought na I deserve it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN