Brillante Mendoza returns home from Venice with two special awards for Thy Womb

“Ang pakiusap ko lang sa mga manonood natin, maging masigasig lang ng konti para naman ma-inspire naman kaming gumawa para sa mga audience natin, Filipino audience, hindi lang audience abroad,” pleads movie director Brillante Mendoza to the Filipino moviegoers.


“Pagod pero sobrang ang saya.”

Ito ang naging bungad ng award-winning director na si Brillante “Dante” Mendoza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na sumalubong sa kanya sa airport kaninang hapon, Setyembre 11.

Kadarating lamang ni Direk Brillante sa bansa, kasama ang Superstar na si Nora Aunor, mula sa Venice, Italy.

Ang bagong obra ng direktor na Thy Womb (Sinapupunan) ay isa labinwalong Main Competition entries sa katatapos lamang na 69th Venice International Film Festival.

Hindi alintana ng direktor ang biyahe pabalik ng bansa dahil sa dalawang parangal na dala nila mula sa Italy.

Si Direk Brillante ay ginawaran ng La Navicella Venezia Cinema Award ng Rivista del Cinematografo.

Samantalang si Nora ay nagwagi ng Bisato d’ Oro Award mula sa isang grupo ng film critics sa Italy.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Direk Brillante, habang ipinapakita ang napanalunang award, “It’s a prize outside the festival, it’s a critics’ prize.

“Kumbaga, yung mga kritiko sa Italy, mayroon silang sariling organisasyon at nagbibigay sila ng mga ganitong parangal sa mga naiisip nila o nakikita nilang mga pelikulang karapat-dapat.”

Hindi man nagkamit ng award sa mismong competition, masaya na rin ang grupo nina Direk Dante dahil nabigyan ng pansin ang kanilang pelikula ng mga film critics.

“Masaya na kahit papaano ay nag-uwi kami ng mga prize outside the festival,” aniya.

MOVING ON. Dahil din sa mga award na ito, hindi na masyadong naiisip ngayon ni Direk Dante ang pagkaka-reject ng Thy Womb sa Metro Manila Film Festival 2012.

“Parang nag-move on na ako after MMFF,” sabi niya.

“Kasi, kumbaga, siguro hindi talaga para sa atin yung festival na ‘yon. At mayroon silang kani-kanilang criteria.

“Lagi ko ngang sinasabi, kapag may nagsara ng ano, may magbubukas pa rin ng mas malaki.

"Ito yung karangalan siguro na kapalit no’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisilbi raw inspirasyon ang mga bagong award na nakuha ni Direk Dante para gumawa pa ng pelikula, hindi lamang para sa audience abroad kundi para na rin sa mga Pilipinong manonood.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Direk Brillante, magkakaroon ng theatrical premiere ang Thy Womb sa huling bahagi ng taon.


SUPPORT INDIE FILM. Katulad ng sa Thy Womb, umaasa rin si Direk Dante na susuportahan ng mga Pilipinong manonood ang isa pa niyang pelikula, ang Captive, na kasalukuyang ipinapalabas sa mga lokal na sinehan.

Wala raw silang sapat na promotion at publicity para sa pelikula, pero sabi ni Direk Dante, "I was hoping na sana kahit papaano ay mas maraming manood.

“Kasi siyempre, hindi kami puwedeng makipag-compete sa major company kasi maliit lang kami, independent lang kami.

"Talagang kulang kami sa promotion.”

Nakiusap din si Direk Brillante sa mga kababayan niya na patindihin pa ang suporta nila para sa mga lokal na pelikula.

Aniya, “Ang pakiusap ko lang sa mga manonood natin, maging masigasig lang ng konti para naman ma-inspire naman kaming gumawa para sa mga audience natin, Filipino audience, hindi lang audience abroad.

“Kasi, we’d also like to share kung bakit nila [foreign audience] naa-appreciate yung mga ganitong klase ng pelikula dito sa Pilipinas.

“Kung nagkaroon na ng ganitong opportunity sana yung mga manonood natin, panoorin na nila para naman makagawa pa kami ng mga ganoong klase ng pelikula sa susunod.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN