Gerald Anderson on failed romance with Sarah Geronimo: "Nangyari na ho ang mga dapat mangyari, kailangan na lang po nating mag-move on."

Bagamat hindi nagbunga ng maganda ang panliligaw niya kay Sarah Geronimo, hindi naman daw ito pinagsisisihan ni Gerald Anderson. Aniya, “No regrets, no regrets. I’ve lived my life with no regrets. Kumbaga, sa bawat tama, sa bawat mali, sa bawat failure, at sa bawat success ang dami nating natutunan, so no regrets.”


“Young and powerful” ang tema ng FHM Collections ngayong 2012, kung saan cover celebrity ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson.

Sa ginanap na press conference para sa kanya at sa cover girl ng regular issue na si Melissa Ricks kahapon, Setyembre 14, sinabi ng mga taga-FHM na kaya napili si Gerald bilang cover ng ika-apat nilang FHM Collections ay dahil sa mga na-achieve na niya sa kanyang showbiz career.

Pero sa kabila ng mga natamo na niya bilang isang artista, hindi naman naiwasan ng mga naimbitahang media na tanungin si Gerald kung okay lang sa kanya maging successful na single.

“Hindi naman sa single ako, e, it’s a bad thing,” sagot ng 23-year-old actor.

“Kumbaga, isinusulat pa ni God yung love story ko.

“Parang sabi talaga ni God, ‘Gerald, ang dami mo pang kailangang gawin muna.’

“Busy pa si God, isinusulat pa niya ang love story ko.”

SARAH GERONIMO. Mainit na pinag-uusapan ang lovelife ni Gerald kamakailan dahil sa pagkaka-link niya sa tinaguriang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Bagamat inamin ng young actor na niligawan niya ang dating movie partner, hindi naman ito nauwi sa isang seryosong romantic relationship.

Kamakailan kasi ay sinabi ni Gerald na huminto na siya sa panliligaw kay Sarah.

Gayuman, naniniwala ang dating Budoy lead actor na bahagi na ito ng love story ng buhay niya.

Dagdag pa ni Gerald, hindi niya pinaghihinayangan ang pagiging malapit nila ni Sarah.

“No regrets, no regrets,” sabi niya.

“I’ve lived my life with no regrets.

"Kumbaga, sa bawat tama, sa bawat mali, sa bawat failure, at sa bawat success, ang dami nating natutunan, so no regrets.”



MOVING ON. Bagamat hindi nagbunga nang maganda ang panliligaw niya, sinabi naman ni Gerald, “Basta masaya po ako sa nangyari sa amin. Mayroon po kaming moments na para sa amin lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila ng pag-amin niyang huminto na siya sa panliligaw, may ilan pa ring nang-iintriga at sinasabing hindi naman totoong naghiwalay na sila ni Sarah.

Nagtatakang sambit ni Gerald, “Mahirap naman ding maghiwalay nang hindi naging kayo.

“Kumbaga, like I said, I’m very blessed to have an opportunity to share beautiful moments na kasama ko siya.”

May komunikasyon pa rin ba sila ngayon ni Sarah?

Sagot ni Gerald, “Wala na ho. Wala na ho talaga.

"Nangyari na ho ang mga dapat mangyari, kailangan na lang po nating mag-move on.

“Basta moving on na po ako.”

Kung sakali, magkakaroon kaya ng pagkakataong matuloy pa rin ang naumpisahan na niyang panliligaw sa singer-actress?

“Hindi ko ho kayang basahin ang future. Basta, sabay-sabay ho nating malalaman ‘yan,” sagot ni Gerald.



“GIVE HER FAMILY A PRIVACY.” Dahil sa pag-amin ni Gerald na huminto na siya ng panliligaw kay Sarah, marami na naman ang nagpahayag na kani-kanilang opinyon tungkol sa ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

May ilan kasi na pinupuna ang pagiging mahigpit kay Sarah ng kanyang ina.

Nang sabihin ng media kay Gerald ang tungkol dito, nakiusap siya na itigil na ng publiko ito.

Katuwiran niya, “Bigyan naman po natin ng respeto at privacy ang pamilya ni Sarah, ang mommy niya, kasi no one deserves that.

“Kumbaga, wala ho tayong karapatan para mag-comment o magbigay ng ating pananaw lalo na kung masama.

“Sabay-sabay na lang tayong mag-move on and just give everybody some privacy.”

Sa isang bahagi ng panayam ng ito, kinuha na rin ni Gerald ang pagkakataong pasalamatan ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila ni Sarah sa kabila ng mga naging pag-amin niya.

Sabi ni Gerald, “Ang gusto ko lang hong sabihin ay sobrang thank you.

"Thank you for all the support, hanggang ngayon, sumusuporta pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN