Venus Raj on settling down with boyfriend Andrei Felix: "Sa ngayon, wala pa kaming ganoong kalaking pera para pag-usapan yung mga ganoong bagay."

Isa na ring aktres ngayon ang dating Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj. Kasama siya sa cast ng horror movie na Pridyider. Pero pag-amin ni Venus, hirap siya sa mga eksenang iyakan. “Opo, mahirap po akong umiyak. Kailangan talagang matinding pag-i-internalize. Masayahin kasi akong tao, e!” sabi niya.


Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang relasyon sa pagitan ng Umagang Kay Ganda co-hosts na sina Venus Raj at Andrei Felix.

Kaya’t hindi rin nakakagulat na, ayon mismo kay Venus, napag-uusapan na nila ng boyfriend ang tungkol sa kasal.

Kuwento ng beauty queen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pero hindi naman po as plano na talaga. Hindi naman yung sobrang dini-dig deeper ninyo na.

“Nandoon yung alam mong serious kayo sa isa’t isa, alam ninyo kung hanggang saan yung limitations ninyo.

“Pero siyempre… sa ngayon, wala pa kaming ganoong kalaking pera para pag-usapan yung mga ganoong bagay.

“Nakakasakit ng ulo ‘yang mga ganyan!” tawa pa ni Venus.

Nagpasulyap ng iba pang detalye si Venus sa gusto niyang mangyari kung sakaling ikasal na siya.

Ano nga ba ang dream wedding niya?

“Garden wedding!" bulalas niya.

“Gusto ko yung mga ganun, pero saka na ‘yan pag ano na… kapag ready na kami sa lahat ng aspeto.

“Hindi naman kasi biro-biro ang pagpapakasal.”



HOSTING VS. ACTING. Regular host si Venus ng morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda.

Bukod sa Pridyider, umarte na rin siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Ngayong nag-aartista na rin siya, saan niya masasabing mas kumportable siya—sa hosting o pag-arte?

“Actually noong una ko pong mga eksena bilang artista, una nga po sa MMK, tapos sa Pridyider, talaga pong nakakapanibago at nakakanerbiyos.

“Siguro iba yung ano, e… ibang-iba talaga yung hosting from acting—sobrang iba.

“Dati talagang sinasabi ko sa kanila na ang hosting, parang in one minute to two minutes…

“Kailangang mas marami kang masasabi na mga salita—walang dull moments—walang dead air.

“Pero sa acting pala, kahit pala wala kang sabihin, na acting lang, yung ganun…

“Minsan konting-konti lang yung lines mo pero ide-deliver mo siya in a span of few seconds or few minutes…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na parang pag may dull moments pala, pag may dead air pala, na yung emotions mo lang ang ipinapakita mo, minsan mas maganda pala yung ganoon.

“So sobrang laki ng difference. At sa ngayon, kahit papaano, nagagamay ko na rin ang acting.”

ACTING WORKSHOP. Nag-workshop naman daw si Venus bago sumalang sa harap ng kamera bilang artista.

“Kay Direk Laurice [Guillen] po ako nag-workshop. Tapos nag-workshop din po ako kay Miss Malu de Guzman.”

Sa mga eksenang drama, aminado si Venus na hirap siyang umiyak.

“Opo, mahirap po akong umiyak. Kailangan talagang matinding pag-i-internalize.

“Masayahin kasi akong tao, e!” ang natatawang pag-amin ni Venus.

Dagdag niya, “Parang kailangan kong mahaba-habang pag-i-internalize para talagang lumabas yung luha ko.

“Kaya mabuti naman at talagang napagpasensiyahan ako ng mga director ko.

“Ang galing nila, sobrang galing nila.

“Sila mismo yung nagmo-motivate sa akin, sila mismo yung ganun… as in nagga-guide sila sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN