Barbie Forteza on possible comeback of loveteam with Joshua Dionisio: “Sana… sana JoshBie naman uli sa next soap ng GMA.”

Matindi ang reaksiyon ni Barbie Forteza nang tanungin siya kung totoong nagkakamabutihan na sila ni Derrick Monasterio. Sabi ng tween actress, “Si Derrick? Naku, iyon?! Iinumin na nga lang hindi pa siya sure kung ano, love pa kaya?!”


Natapos na ang Book 2 ng Luna Blanca kung saan gumanap si Barbie Forteza bilang si Blanca at si Bea Binene naman bilang Luna.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Barbie ay nagkuwento siya sa mga naging karanasan niya sa primetime drama series na ito ng GMA-7.

“Sobrang saya po ng Luna Blanca!

"From the staff and crew hanggang sa mga artistang kasama ko sa soap, grabe sa enjoy ang taping.

“Si Direk Dominic Zapata, super-galing na director, bow ako sa kanya.

“At si Direk Gina Alajar, love na love ko si Direk Gina.

“Si Daddy Raymart [Santiago] napakabait, si Ate Cams [Camille Prats], parang sister ko, pati si Ate Chynna [Ortaleza].

“Tapos si Bea, Derrick [Monasterio], at Kristoffer [Martin], ang ingay kaya namin sa set!”

Si Heart Evangelista ang nagpatuloy ng role ni Barbie bilang Blanca sa ikatlo at huling yugto ng Luna Blanca, samantalang si Bianca King naman ang pumalit sa role ni Bea bilang Luna.



NEXT TELESERYE. May kasunod na agad na project si Barbie sa GMA-7, ang Mariposa.

Saad ng 15-year-old actress, "Nag-plug shoot na po kami last Tuesday.

“Wala pa po akong masyadong alam sa story, basta ang alam ko po may pakpak po uli ako."

Unang nagkaroon ng "pakpak" si Barbie sa dating teleserye ng GMA-7 na Pilyang Kerubin.

Dagdag pa niya, "Excited nga po ako sa Mariposa.

“Kasama ko po uli si Derrick, tapos si Miguel Tanfelix at si Bianca Umali.”

Sina Miguel at Bianca ay child stars pa lang ngayon, at ilang panahon na lang ay magiging tween stars na rin sila tulad ni Barbie.

Sabi niya tungkol sa kanyang young co-stars, “Mukhang okay din silang kasama.

"Si Bianca, pinahiram po ako ng damit noong pictorial. Mabait siya.

“Medyo tahimik pa yung dalawang bata ngayon, sina Miguel and Bianca.

“Pero baka kapag napasama sila kay Derrick at sa akin, iingay na rin sila!” tawa ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LIKE AN OLDER BROTHER. Naninindigan si Barbie na wala pa siyang lovelife, at hindi totoong nagkakamabutihan na sila ni Derrick.

“Si Derrick? Naku, iyon?! Iinumin na nga lang hindi pa siya sure kung ano, love pa kaya?!”

Parang "kuya" raw ang turing niya kay Derrick.

“Puwede kuya, pero hindi pa rin kuya, kasi parang bata pa sa akin ang isip!” sabay tawa ni Barbie.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Kristoffer Martin na crush nito si Barbie. Posible kayang magustuhan din niya si Kristoffer?

Sagot ni Barbie, “Si Kristoffer, hindi rin talaga.

"Best friend ko po si Joyce Ching, kaibigan ko po ‘yang dalawang ‘yan.”

Si Joyce ang nababalitang girlfiend ni Kristoffer.

May mensahe naman si Barbie sa mga naghihintay na magkaroon siya ng lovelife:

“Huwag kayong mainip sa lovelife ko, dadating din ako diyan.

"Pero hindi pa ngayon, bata pa ako.

“But as of now, I’m still waiting and is reserved for my beloved."



EX-LOVETEAM. Ayon kay Barbie, mas pinili ng dati niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio ang pag-aaral kaysa showbiz.

“Nag-aaral po si Joshua ngayon, gusto daw po niyang maging doctor.

“All-out po ang suporta ko kay Joshua. Mukhang masaya po siya sa studies niya.”

Nagkakasama pa rin naman daw sila ni Joshua.

“Magkasama po kami kahapon [September 12] sa Maynila taping.”

Aminado si Barbie na nami-miss niya ang loveteam nila ni Joshua.

“Sobrang na-miss ko po yung loveteam namin. Ang saya po namin kahapon.

“Sana… sana JoshBie naman uli sa next soap ng GMA.

"Sana… sana.”

Sino ang pipiliin niya kina Joshua, Kristoffer, at Derrick?

“Joshua!” sigaw ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN