Kylie Padilla composes a song about Aljur Abrenica; settles issue with Kris Bernal

Magkakaroon na ng sarili niyang album si Kylie Padilla at mga komposisyon daw niya ang gusto niyang nakapaloob dito. At siyempre, isa sa mga kantang isinulat ni Kylie ay para sa rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica na may ganitong linya: "As the season change, all of my favorite days I love it cause it’s quiet and it’s cold. But I love it most cause it starts with A."


Excited si Kylie Padilla sa pagsisimula ng bagong primetime series niya sa GMA-7, ang Haram, katambal si Dingdong Dantes.

Maselan ang paksa ng seryeng ito na tumatalakay sa pagmamahalan ng isang sundalong Kristiyano, na gagampanan ni Dingdong, at ng isang babaeng Muslim, na si Kylie naman ang gaganap.

Nung inilahad kay Kylie ang kuwento ng gagawin nila ni Dingdong, kaagad daw siyang nagtanong sa kanyang ama na si Robin Padilla kung paano ito gawin.

“Nung una, nagtatanong siya, ‘Anak, maghi-hijab ka ba diyan?’

“Ang dami niyang tinatanong kasi iniingatan din po niya. Kasi ang Islam is very sensitive po,” sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Haram kahapon, September 14.

Ang “hijab” ay ang belo na isinusuot ng mga babaeng Muslim upang takpan ang kanilang buhok at leeg.

Ayon pa kay Kylie, marami siyang research na gagawin para maging kapani-paniwala ito at walang may magre-react o magagalit na kapatid na Muslim.



DINGDONG DANTES. Bukod dito, ang isa pa sa iniisip ni Kylie ay ang pagtatrabaho nila ni Dingdong.

“Double D” ang tawag niya sa aktor na kaagad naman daw niyang nakapalagayan ng loob.

Nung una raw ay takot na takot siya, pero natutuwa siya dahil napakabait daw ni Dingdong sa kanya at suportado siya nito nang husto.

Hindi maiwasang maintriga sila at baka mauwi sa selosan, pero tinitiyak ni Kylie na walang ganung intriga dahil napakabait din daw sa kanya ng “Ate Marian” niya.

Si Marian Rivera ang girlfriend sa totoong buhay ni Dingdong.



KRIS BERNAL. Nang tanungin naman siya tungkol kay Aljur Abrenica, napangiti si Kylie.

Wala rin daw selosan sa panig ng young actor dahil nagkakaintindihan daw silang hiwalay ang personal na isyu sa kanilang trabaho.

Abala na rin si Aljur sa pagsisimula ng Coffee Prince, ang primetime series na pagtatambalan nila ni Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw na rin ni Kylie ang isyu nila na nagseselos daw siya kay Kris.

“Hindi po ako nagseselos!” natatawang sabi niya.

“Napapanood ko na sila dati. Fan nila ako.

“Yung sa amin ni Aljur, walang halong showbiz iyon. That was personal.

“So, huwag na lang nilang ihalo.”

Pero inamin ni Kylie na nagkaroon sila ng gap noon ni Kris.

“Nung una, oo, merong ganun, pero okay na po kami ngayon,” sabi niya.

Pero ngayon ay okay na raw sila ni Kris, at nagkaayos na sila sa pamamagitan ng Twitter.

ALJUR ABRENICA. Sa napapansin namin, mas open na ngayon si Kylie sa pagkukuwento tungkol sa namamagitan sa kanila ni Aljur.

Naghahanda nga raw siya ngayon para sa kauna-unahan niyang album at ang gusto ni Kylie, sarili niyang komposisyon ang nakapaloob na mga kanta rito.

Marami na raw siyang naisulat na kanta, kaya tinanong ng PEP kung meron ba siyang nagawa para kay Aljur.

Natawa ito dahil meron daw siyempre, at isa sa linya ng kantang iyun at halatang kay Aljur ito tinutukoy.

“Ang lines, ‘As the season change, all of my favorite days I love it cause it’s quiet and it’s cold.

“’But I love it most cause it starts with A.’"

Natatawang sabi pa ni Kylie, “Alam niyo na! Ayokong sabihin!”

Napasagot siya ng “yes” nang sinundan namin ng tanong kung para nga ba ito kay Aljur.

Tinanong uli namin kung alam na ba ito ni Aljur.

“Hindi, malalaman na niya ngayon,” sagot uli ni Kylie na natatawa na naman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN