Derrick Monasterio reunites with Barbie Forteza in new Kapuso telefantasya

Sa ikalawang pagkakataon ay si Derrick Monasterio ang magiging leading man ni Barbie Forteza. Pagkatapos ng ikalawang yugto ng Luna Blanca ay muli silang magkakapareha sa telefantasya na Mariposa.


Si Derrick Monasterio ang bini-buildup na bagong katambal ngayon ni Barbie Forteza.

Pagkatapos nilang magsama sa ikalawang yugto ng Luna Blanca, ngayon ay muli silang magsasama sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Mariposa.

Masayang-masaya ang Kapuso tween actor na si Derrick dahil muli siyang pinili ng Kapuso network bilang leading man ni Barbie, at ikinatutuwa rin niya ang suporta ng mga fans sa kanilang ikalawang tambalan sa TV.

Meron na nga raw nabuong fans ang tambalan nina Derrick at Barbie at ang tawag sa kanila ay “DerBie.”

Saad ni Derrick, “Siyempre po, sobra akong masaya kasi makakasama ko ulit si Barbie sa bagong show sa GMA-7.

“Maganda ang naging pagsasama namin ni Barbs sa Luna Blanca. Nagtulungan kami talaga.

“Kaya noong matapos ang Luna Blanca, medyo nalungkot po ako kasi tapos na ang pagtrabaho namin.

“Pero noong sabihin nga sa akin na ako ulit ang partner ni Barbie sa Mariposa, sabi ko, ‘Okey! Kami pala ulit ni Barbie!’

“Kaya salamat sa GMA-7 na nagtiwala ulit sila sa tambalan namin ni Barbie—sa DerBie!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa story conference ng Mariposa last September 7 sa GMA Network Center.

Makakasama nina Derrick at Barbie sa Mariposa sina Agot Isidro, Maritoni Fernandez, Ken Chan, at Joyce Ching. Si Gina Alajar ang magdidirek nito.

Sa September 26 na ang first taping day ng Mariposa at nasa early primetime slot ito ng GMA-7 bago mag-24 Oras.

JOSHUA DIONISIO. Dahil ito na ang ikalawang pagtatambal nina Barbie at Derrick, hindi malayong itanong kung ano ang reaksiyon dito ng dating ka-loveteam ni Barbie na si Joshua Dionsio.

Matagal nang hindi nagkakasama sa isang TV show ang tambalang JoshBie mula nang matapos ang weekly teen show nilang Reel Love Presents Tween Hearts.

Nagkaroon din daw ng problema sa kampo ni Joshua kaya wala itong ginagawang project ngayon at kaya itinambal si Barbie sa ibang tween actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Derrick, matagal na niyang hindi nakakausap si Joshua. Huli raw niya itong nakausap bago magsimula ang taping nila ni Barbie ng Luna Blanca.

“Hindi ko pa po nakakausap si Josh kaya hindi ko alam ang reaksiyon niya kung bakit ako at hindi siya ang tinambal kay Barbs sa Mariposa.

“Siguro po ang makakasagot na lang niyan ay ang management. Sila naman po ang nagbibigay ng trabaho sa amin.

“Kung ano po ang rason, sila lang po ang nakakaalam.

“Kami po ni Barbie ay sumusunod lang sa mga ibinibigay nila sa amin,” diin ng 17-year-old actor.


YOUTH AMBASSADOR. Bukod sa bagong TV show ay busy rin si Derrick sa kanyang pagiging youth ambassador ng National Youth Commissioner.

Ilang mga schools na raw ang napuntahan niya kasama ang mga taga-NYC para maturuan ang mga kabataan na layuan ang masasamang bisyo tulad ng paggamit ng droga.

Ayon kay Derrick, “Nationwide po itong ginagawa namin para sa NYC.

“Hindi lang po sa mga private and public schools sa Luzon kundi pati sa Visayas and Mindanao.

“Kaya inaayos nila ang schedules sa tapings para nakakasama ako sa mga pagpunta sa mga campuses.

“Gusto ko rin naman po itong ginagawa ko because pinu-promote natin ang magandang lifestyle para sa mga kabataan ngayon.

“We want them to stay away from drugs and be active sa sports at iba pang activities na makakatulong sa personal growth nila at community na kinabibilangan nila.”


DERRICK’S MOM. Kinuha ring celebrity endorser ng UniSilver Watch si Derrick, at pipirma na siya ng recording contract under Dyna Records on September 20.

At ipinagpapasalamat ni Derrick ang mga magagandang nangyayari sa career niya ngayon.

Saad ni Derrick, “Paunti-unti po ay natutupad ang mga dreams natin na maging isang product endorser at recording artist.

Aniya, “Lagi ko naman pong ipinagdarasal na maging maganda ang takbo ng showbiz career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong ipahiya ang mga taong nagtitiwala sa akin, lalo na si Mommy.

Si Derrick ay anak ng dating aktres na si Tina Monasterio..

Sabi pa ng Kapuso tween tungkol sa kanyang ina, “Lahat ng pangaral niya sa akin ay sinusunod ko. Hindi naman po ako naging pasaway sa kanya.

“Kaya pinagbigyan ni Mommy ang hiling ko na subukan ko ang showbiz.

“Sa mga nangyayari ngayon na maganda sa career ko, pinakamasaya si Mommy.

“She always say na she’s very proud of me.

“As a son, I’m also very proud of her kasi napalaki niya kaming magkakapatid na maayos.”

Dagdag sa achievements na natatanggap ni Derrick ay ang German Moreno Youth Award na binibigay ng FAMAS Awards. Ang isa pang paparangalan ay si Julie Anne San Jose.

Magaganap ang FAMAS Awards sa September 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN