Gwen Zamora not in a hurry to land lead role: "I feel that wala pa akong right to make demands."

Natupad na ang pangarap ni Gwen Zamora na gumanap bilang isang sirena, dahil ito ang role niya sa GMA-7 primetime series na Aso Ni San Roque.


Tila nalilinya ngayon ang Kapuso actress na si Gwen Zamora sa kontrabida roles.

Huling napanood si Gwen sa Biritera kunsaan naging kontrabida siya ni Glaiza de Castro. Ngayon ay nasa malaking cast siya ng GMA primetime telefantasya na Aso Ni San Roque kunsaan kontrabida na naman ang role niya.

Pero paglilinaw ni Gwen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman lahat naging kontrabida ako

“I did a guest role naman sa My Beloved as the young Rio Locsin. Mabait ako doon.

“Nasa Bubble Gang naman ako and they make fun of me there.

“But in playing kontrabida, may challenge talaga.”

Isang sirena ang papel na ginagampanan ni Gwen sa Aso Ni San Roque.

“I play Anaira in Aso Ni San Roque. Evil mermaid ako rito.

“Pumapatay ako ng mga fishermen and anybody na maligaw sa dagat.

“Ako ang reyna ng mga aswang ng tubig.”

Silaw raw nina Gardo Versoza, Angelika dela Cruz, at Paolo Contis ang evil creatures na gustong pumatay kay Mona Louise Rey, na gumaganap bilang Fatima sa kuwento.


DREAM COME TRUE. Inamin ni Gwen na isa sa mga pangarap niya noong bata siya ay ang maging isang mermaid.

“I guess every little girl naman has that wish, di ba?

“After you watch the movie The Little Mermaid, you feel na ang sarap maging sirena.

“So parang wish come true itong binigay nilang role sa Aso Ni San Roque. Yun nga lang, bad mermaid ako dito!” tawa niya.

Madalas daw kunan ang mga eksena ni Gwen na ang nasa background ay isang chroma wall. Pero meron din naman Daw siyang mga eksena na kinukunan sa location.

“For authenticity sake, we have to shoot in the water. Okey naman ako sa ganyan basta hindi ako pababayaan.

“The costume, especially the mermaid’s tail is medyo mabigat.

“But that’s part of the job you are doing in this business. Nothing is really easy kaya sacrifice lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, my wish came true, di ba? Naging mermaid ako!”


THE ART OF SEDUCTION. Kailangan nga raw ay sexy at seductive ang dating ni Gwen bilang mermaid. Mang-aakit kasi siya rito ng kanyang mga biktima.

“I always practice in front of the mirror—pinapraktis ko ang mang-seduce!” tawa niya.

“Sabi nila I don’t need to use words. Parang eyes lang ang gamitin ko para maka-seduce ako. I think nagagawa ko naman.

“Then I have to lose weight for this show.

“Wala raw mermaid na mataba!” tawa pa niya ulit.

“Kasi I have to look sexy physically, kaya I really trained and went through a diet.

“I lose naman a few pounds and I want to lose some more.

“Hindi naman sobrang sexy ang suot ko because primetime kami. May mga bata na manonood kaya careful sila sa mga dapat takpan sa body ko.

“Wholesome pa rin naman ako.”


SATISFIED. Nakaka-tatlong taon na si Gwen sa GMA-7 and so far ay wala naman daw siyang reklamo sa nangyayari sa kanyang career. Kuntento naman daw siya sa mga ibinibigay sa kanyang mga proyekto.

“I signed a five-year contract with GMA-7. Okey naman ang lahat.

“I’m not in a hurry naman to get to this stage of my career.

“There is reward in being patient, di ba? Hindi naman ako nawawalan ng work.

“Before Aso Ni San Roque, I did Biritera, Spooky Nights, Machete, Alakdana, and Grazilda. I’m also a regular in Bubble Gang.

“Whatever they give me, I am thankful.

"I feel that wala pa akong right to make demands.”

Umaasa ba si Gwen na mabigyan siya ng lead role balang araw, tulad sa nangyari kay Andrea Torres na bida na sa Sana Ay Ikaw Na Nga?

“Siguro someday, pero hindi pa ngayon.

“I know that Andrea has been in this business longer than I have. Kaya it’s only right that she gets that break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako for people like that. I know how hard people work and they are rewarded for that.

“Ako naman, I still have to work on my Tagalog.

“Pero I’m getting better na. Okey na ako sa ibang words ng Tagalog.

“If GMA feels that I am ready, sila na rin ang magbibigay ng malaking project for me.

“I just have to wait and hope for the best.”



FAYE KABISOTE. Sa movies naman ay huling nagbida si Gwen sa Indonesian film na The Witness na kumita naman sa takilya.

Ngayon ay gaganap ulit siya bilang si Faye Kabisote sa Metro Manila Film Festival 2012 entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako with Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Vic Sotto, and Judy Ann Santos.

Sabi ni Gwen, “This is my third time to play Faye and I love working with Bossing Vic again.

“I played Faye sa unang Si Agimat at si Enteng Kabisote in 2010 and in Enteng Ng Ina Mo last year.

“Nagsu-shooting na kami because this will be shown on Christmas Day.

“I feel lucky kasi every Christmas for the past three years ay may movie ako sa MMFF.

“Sasakay ulit kami ng float and we will parade for the fans on Christmas Eve. Kaya dito ulit ako mag-Pasko because of the movie.”

How is it working with Vic for the third time?

“It’s always a pleasure to work with Bossing Vic. He’s such a gentleman on the set.

“Lagi siyang nagpapatawa sa amin sa set when people are getting tired na.

“Sila ni Jose [Manalo] and Wally [Bayola], they make us all laugh.

“Masaya sa shooting namin kaya people will truly enjoy this movie when it opens on December 25,” pagtatapos ni Gwen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN