Uma Khouny condemns anti-Islam movie Innocence of Muslims

Isa ang dating PBB housemate na si Uma Khouny sa kumukondena sa 14-minute video na Innocence of Muslims na napapanood sa YouTube. Ang short film na ito ang sinasabing dahilan sa pagpaslang kay Chrostopher Stevens, ang ambassador ng Amerika sa Libya.


Ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Uma Khouny ang isa sa mga nagkondena sa Innocence of Muslims, ang 14-minute movie na meron nang mahigit ten million hits sa YouTube.

Ang video na ito ang sinasabing dahilan ng pagpatay kay Christopher Stevens, ang ambassador ng Amerika sa Libya.

Pinatay si Stevens at tatlo pang U.S. workers ng mga miyembro ng Libyan Islamist extremists na sumalakay sa U.S. Consulate sa Benghazi noong September 11, anibersaryo ng pag-atake ng al Qaeda sa Estados Unidos noong September 11, 2001.

Ang Innocence of Muslims din ang sanhi ng malawakang protesta ng mga Muslim sa Middle East at Islam countries dahil ininsulto sa pelikula si Prophet Muhammad, ang founder ng Islam.

Nagalit ang mga kapatid nating Muslim sa portrayal kay Prophet Muhammad bilang “gay” na pabor sa “extra-marital sex at pedophilia.”

Tulad ng ibang mga Muslim, ikinagalit ni Uma ang pambabastos ng pelikula kay Prophet Muhammad at inilabas niya ang saloobin sa kanyang Facebook account na umani ng 56,880 likes.

Narito ang pahayag ni Uma:

“New American movie insulting the greatest man in history. The movie is stupid, extremely poorly put together, bad acting and yes insulting (Anti-Islam).”

Nagkaroon ng pagkakataon ang writer na ito na panoorin ang pelikula at, tulad ng pahayag ni Uma, isang amateur movie ang Innocence of Muslim na tila sinadyang gawin upang insultuhin ang Islam religion at ang founder nito.

DECEPTION. Nagpahayag ng pagkabigla at kalungkutan ang mga artista at production crew ng Innocence of Muslims dahil pinaniwala sila na tungkol sa pamumuhay sa Egypt, 2,000 years ago, ang kuwento ng pelikula.

May plano ang aktres na si Cindy Lee Garcia na magsampa ng kaso laban kay "Sam Bacile,” ang producer ng Innocence of Muslim dahil sa panloloko sa kanya.

Si Cindy ang gumanap bilang ina ng babae na mapapangasawa ni Muhammad sa short film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ng mga sangkot sa production na walang patungkol kay Muhammad nang gawin nila ang pelikula.

Nang magkaroon ng kaguluhan, saka nila nalaman na ni-redub ang kanilang mga linya dahil ginawang “Muhammad” ang pangalan ni “Master George,” ang lead character sa Innocence of Muslims.

Nabunyag ang tunay na katauhan ni Sam Bacile dahil sa mga kilos protesta at violent response sa pelikula.

Kinilala si Bacile bilang si Nakoula Basseley, isang immigrant mula sa Egypt at residente ng Cerritos, Cailfornia.

Nakulong si Nakoula noong dekada ’90 dahil sa mga kaso ng bank fraud at methampetamine manufacturing.

Pinalaya siya noong June 2011 at sa panayam sa kanya ng FBI, sinabi ni Nakoula na isinulat niya ang script ng Innocence of Muslims habang nakakulong.

Si Allan Roberts ang 65-year-old director ng pelikula pero hindi rin niya alam na papalitan ang mga linya at pangalan ng karakter ng project para maging propaganda laban sa Islam.

Mula nang magkaroon ng mga kilos protesta laban sa Innocence of Muslims, nagtago ang direktor na kilala sa paggawa ng soft-porn flicks at low-budgeted movies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN