Dominic Roco on reconciling with dad Bembol Roco: "Hindi natin alam kung ano ang mangyayari, so my door is always open."

Hindi maiwasang ihambing ang kakayahan ni Dominic Roco sa amang si Bembol Roco. Sabi ni Dominic: “I don’t want to be like him talaga. Although he’s a great actor, pero I want to separate myself. I don’t want to be known as the son of Bembol Roco, I want to be known as Dominic Roco.”


Noong Miyerkules, September 12, naimibitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang panoorin ang Cinemalaya 2012 entry na Ang Nawawala sa regular showing nito sa SM North Edsa.

Kasama ng PEP na nanood ang cast at buong production crew ng pelikula, at pagkatapos ng screening ay nakausap namin ang lead actor dito na si Dominic Roco.

Marami ang nagsabi noon na strong contender si Dominic sa Best Actor award, sa New Breed category ng Cinemalaya, dahil nga sa pagganap niya sa Ang Nawawala.

Pero ang nag-uwi ng tropeyo ay si Kristoffer King para sa pagganap nito sa pelikulang Oros.

Na-disappoint ba si Dominic nang hindi siya nanalo?

“Honestly, hindi. Una pa lang, I didn’t expect anything.

"Ginawa ko lang naman po ang trabaho ko, which I love.

“Yun lang po, that’s all that matters lang.

"If I’ll get an award, parang bonus na lang sa akin yun, but I never expected it."

SUPPORT FOR INDIE FILMS. Nang gawin ni Dominic Ang Nawawala, hindi raw siya umasa na makakasungkit ng award, bagkus sana ay mapanood ito ng mga tao.

“Gusto ko lang pong makita ng ibang tao, lahat ng tao ‘to kasi, it’s not the regular mainstream.

“It’s not the regular indie. It’s a totally different kind of movie.

"I’m sure that people haven’t seen this kind of movie before, yun lang…

“Parang I just want other people to realize na maganda yung pelikulang Pinoy. Yung kaya rin nating gumawa, e.”

Nanghinayang naman si Dominic na marami pa rin ang hindi tumatangkilik ng Pinoy indie films.

“Honestly, nanghihinayang ako… sayang.

“Pero wala akong magagawa, yun ang gusto nila, e.

“We can’t force naman people on like what we do. So, it’s their choice rin.

“I think, eventually, people will come to enjoy this film. Ang daming nasasayang na hindi nakikita ng tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO SPEAKING LINES. Walang speaking lines ang karakter ni Dominic sa Ang Nawawala, hindi ba siya nahirapan?

“Noong una, akala ko hindi. Akala ko, it would be easy just using your expression.

“Pero hindi pala. Kasi, since I don’t talk, you have to double the effort.”

Pero mas gusto pa rin ni Dominic na gumawa ng mga indie films.

Sabi niya, “Kasi sa indie, mas may oras ka. Sa mainstream kasi, wala.

“You cannot even create a character. At least sa indie, you have a month or two months.”



AUDITION WITH BROTHER. Nag-audition pa rin daw si Dominic para sa movie.

Nakasama rin sa pelikula si Felix Roco, tunay na kakambal ni Dominic, na gumanap bilang kakambal din niya na namatay sa istorya.

Ayon kay Dominic, “Suwerte rin kami [Felix].

"Kasi, when they are auditioning daw, wala silang mahanap na kambal na marunong umarte rin.

“At may pinanood sa akin si Direk Marie [Jamora] and some character bio.

Ilan sa mga pelikulang pinapanood daw sa kanya ay ang mga Hollywood film na The Beginners at Drive.

“Then, I just incorporated what I thought na babagay.

"Kaming dalawa ni Direk, we have the same inputs in the character.”

MORE INDIE MOVIES. Bukod sa Ang Nawawala, kasama rin si Dominic sa isa pang indie film, ang Madaling Araw, Mahabang Gabi.

Pero pinangunahan ni Dominic na sa parte niya ay walang limitasyon sa kanyang pag-arte.

“It depends. Yung butt exposure, kaya ko yun.

"Nagawa ko na yun sa first indie ko, yung Rekrut.”

Pero matatandaang sa love scene nila Annicka Dolonius, kapuna-puna na hindi siya nagtanggal ng suot niyang long-sleeve.

“Yung sa love scene, our directors told us, ’Just do what you feel is natural... don’t force anything.’

“Pero what our plan was, dapat hubad talaga.

"Pero wala, at that moment, that was what she felt, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we prepared to take our shirts off kasi lahat ng tattoo ko was covered up… pero wala, it was by accident lang.”

BEMBOL ROCO’S SON. Mabilis na “no” naman ang naging sagot ni Dominic nang tanungin kung sa mga challenging roles, kinailangan niya ang eksperto sa pag-arte. Tulad ng pagtatanong niya sa amang aktor na si Bembol Roco.

“I asked opinions from my friends but I never asked from my dad on how to act… kasi style niya yun.

“I don’t want to be like him talaga.

"Although he’s a great actor, pero I want to separate myself.

“I don’t want to be known as the son of Bembol Roco, I want to be known as Dominic Roco.”

Nangangahulugan ba na ayaw niyang maging isa ring Bembol Roco?

“I’m not saying I don’t want to be like him.

"I’m just saying, we have our own style... kanya-kanya, e, di ba?”

Napanood na raw ni Dominic ang pelikula ng kanyang ama na Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag (1975) na idinerehe ng National Artist for Film na si Lino Brocka.

Gusto raw niyang i-remake ang role na ito ng ama.

Pag-amin ni Dominic, “Actually, dream role namin ni Felix yun. Kahit isa sa amin ang mag-remake noon, it would be an honor to do that.”

SEPARATE LIVES. Lingid sa kaalaman ng ilan, may ilang taon na ring tila “estranged” sa isa’t isa si Dominic at ang ama niya.

Kumusta na ba sila ngayon?

“We still haven’t talked. Pero, ganoon…"

Gaano katagal na?

“Two years? I stopped counting.”

Nabanggit ng PEP kay Dominic ang balita na may sakit daw ang ama niya ngayon.

“Matagal na ang sakit niya. Parang nagka-clog yata ang arteries niya sa tiyan.

“Parang nag-operation siya two years ago, pero I heard na he’s going under an operation next month, parang ganoon—yun ang nabalitaan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dadalawin niya ba ang ama kapag naoperahan ito?

“Bakit hindi, tatay ko rin siya… a son will always be a son,” sagot ni Dominic.



UNPREPARED. Aminado si Dominic na hindi pa talaga siya handa na buung-buong tanggapin ang lahat ng namagitan sa kanila ng ama.

Isa na rito ang sinasabing pagkakaroon ni Bembol ng ibang pamilya.

“Oo, di ba? Nandoon pa rin ang sakit.

"Pero, wala rin tayong magagawa.

“What’s done is done. You cannot change it. You just have to accept it.

“Ayoko namang pigilan, di ba? Kung masaya siya doon, bakit ko pipigilan?”

Kung ano man daw ang pinagdadaanan ni Dominic ngayon, nagagamit naman niya ang emosyon sa mga karakter na ginagampanan niya.

“I learn how to control it. I learn how to… kung paano gagamitin.

"I just don’t want to dwell on it that much.

“Lahat naman ng experiences ko sa buhay, nagagamit ko sa trabaho.”

Pareho ba silang sensitive ni Felix?

“A, dapat siya na lang ang tanungin ninyo, hindi ako.

"We really don’t talk about our dad anymore. We just don’t like to talk about.

"So, I never asked him how he feels.”

Ano ang pagkakakilala niya sa ama ngayon?

“Actually, hindi ko naisip ‘yan… hindi ko maisip.”



CHRISTMAS REUNION? Ilang Pasko na ang nagdaan na hindi sila okay. Papalipasin ba niya ang isa pang Pasko na hindi sila nag-uusap?

“I don’t know,” sabi ni Dominic.

“Ayoko munang isipin… as of now, that’s the least of my problem.”

Pagkatapos ba umalis ng kanyang ama sa kanilang tahanan ay may pagkakataon na lumapit sa kanilang magkapatid para magkausap sila?

“Oo, he tried. Pero wala, e. Iba talaga.”

Sinabi ni Dominic na hindi naman niya puwedeng isarado nang tuluyan ang pinto sa pagitan nila ng ama.

“I cannot say I really close the door. Ang dami pang oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi natin alam kung ano ang mangyayari, so my door is always open.

“But I’m just not thinking to open the door… close the door,” ang malalim niyang sabi.



LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife, mabilis na sinabi ni Dominic na “wala akong lovelife.”

Pagkatapos kasi ng relasyon nila ni Maxene Magalona, hindi pa ito nasusundan.

“Wala. At ayoko kasing maghanap. Hindi naman hinahanap ang pagmamahal.

“Ayokong magmadali kasi, di ba? Yun ang mahirap… trabaho na lang.”



GMA CONTRACT. Ang GMA Artist Center ang nag-asikaso at nagpatawag sa entertainment press kaugnay ng special screening ng Ang Nawawala.

Kinumusta ng PEP si Dominic tungkol sa isyu niya sa GMA Artist Center, na siyang nangangalaga sa kanyang career.

Sabi ni Dominic, “Wala, wala rin naman akong magagawa.”

Umiwas naman si Dominic nang tanungin tungkol sa guaranteed contract niya sa GMA network.

“Ayokong pag-usapan ang kontrata,” sabi niya.

Alam ba ng GMAAC ang hinaing o sentimyento niya?

“Oo, alam nila. I think, that’s why they set it up. I really told them how I feel.

“I’ve been with GMA, almost five years already. I’m not naman saying I want to be a lead star or the next Richard Gutierrez.

“All I’m saying, I want to work. I want to get what I deserve. Nagtatrabaho naman ako.

“I’m not being late. I do this, I do that.

"So, parang I’m doing my part sa contract,” sentimiyento ni Dominic.

Galing sa ABS-CBN si Dominic at lumipat siya sa GMA-7 noong 2006.

Hindi na sinagot ni Dominic sa tanong namin kung may “regret” na lumipat siya?

“No comment,” sabi lang niya.

Kapag may ibang mga aktor na lumilipat sa network at mas nabibigyan ng prayoridad, ano ang nararamdaman niya?

“Yung sa akin lang naman talaga, may ibang artista na…

“I’m sorry to say this, but they don’t really deserve where they are, pero nandoon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ganoon? Ang daming napakagaling na artista, hindi nakikita na dapat nandun. Yun, di ba?

“Ang dami talagang hindi nakikita ng mga tao. Pero nandoon talaga.

"You cannot force anything talaga.”

Naniniwala ba siya na his time will come.

“Oo naman,” sagot niya.



COSMO BACHELOR BASH. Kinumpirma ni Dominic na muli siyang rarampa sa Cosmo Bachelor Bash na gaganapin sa World Trade Center bukas, September 18.

Natawa ito nang tanungin namin kung ano ang ma-e-expect namin sa pagrampa niya bukas ng gabi.

“Wala, don’t expect much. Huwag na tayong magbilang ng abs, masarap kumain!”

Kailan siya nagsimulang maghanda para sa Cosmo Bash?

“Nang magsimula akong gumawa ng Cinemalaya, every day, nag-jogging ako.

“Ayoko ng sinasabihang mataba.

"Diet, nandoon na rin yung walang rice. Pero hindi yung strict diet. May rice naman, pero brown rice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN