RR Enriquez denies she’s already married to Ginebra player Jayjay Helterbrand

Ang reaksiyon ni RR Enriquez sa paniwala ng ilan na nagkakahiwalay ang magkarelasyong nagsososyo sa negosyo: "Actually, sinabi ko naman yun sa kanya, e. Pero kung ano ba yung plano ni God, kung magkakahiwalay kami, e, di maghiwalay. E, di hatiin namin yung pera, ibigay niya sa akin yung pera ko." Ang boyfriend ni RR ay ang Ginebra player na si Jayjay Helterbrand.


Wala pang bagong show ang sexy comedienne na si RR Enriquez sa kanyang mother studio na ABS-CBN.

Kaya pinagkakaabalahan muna niya ang bagong tayo niyang business—ang Rejuva Nailspa and Skincare—na matatagpuan sa Timog Avenue, Quezon City.

Busines partner ni RR dito ang boyfriend niyang si Jayjay Helterbrand, ang Filipino-American basketball player na kabilang sa koponan ng Barangay Ginebra Kings.

May paliwanag si RR kung bakit ganitong klaseng business ang naisip niyang itayo.

"Siyempre, ever since, mahilig akong magpaganda, magpaputi, at magpa-sexy.

"So instead na gumastos para magpunta sa ibang spa, why not have my own para free, di ba?" saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RR kagabi, September 17, nang dalawin namin siya sa kanyang nail spa.

Equal sharing ba sila ni Jayjay sa puhunan sa kanilang business?

"Mas malaki yung share ko kesa kanya," sagot ni RR

"Kasi kunwari may desisyon ako na ipinagawa para sa spa namin, tapos mali pala, ipapaulit ko yun. Ako na yung gumagastos.

"Hindi na ako humihingi sa kanya.

"Nakakahiya naman kasi kung hihingi pa ako, e, mali ko naman yun, di ba?"



LOVERS AS BUSINESS PARTNERS? Ang sabi, kapag ang isang magkarelasyon ay nag-partner sa isang business, posibleng magkaproblema o baka magkahiwalay pa.

Ano ang reaksiyon dito ni RR?

"Actually, sinabi ko naman yun sa kanya, e.

"Pero kung ano ba yung plano ni God, kung magkakahiwalay kami, e, di maghiwalay.

"E, di hatiin namin yung pera, ibigay niya sa akin yung pera ko.

"Anyways, pero sana huwag kaming maghiwalay, di ba?”



SECRETLY MARRIED? Hindi kaya lihim na silang kasal ni Jayjay kaya nag-partner sila sa isang business?

"Ay, dyusko! Walang ganoon. Bawal sa amin sa Christian yung mga ganun.

"‘Tsaka bata pa ako," sunud-sunod na tanggi ni RR.

Pero gaya ng ibang magkarelasyon ay nangangarap din naman daw si RR na maikasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung sakaling magdesisyon na sila ni Jayjay na lumagay sa tahimik ni Jayjay ay wala naman daw magiging problema.

Annulled na raw naman kasi ang kasal ni Jayjay sa dati nitong asawa.

"Ilang years na namang annulled yung kasal nila. Saka friend ko yung ex-wife niya.

"So, walang magiging problema kung sakaling magpapakasal na nga kami ni Jayjay," sabi ni RR.

JAYJAY AS A BOYFRIEND. Kumusta namang boyfriend si Jayjay?

"Okay naman siya, mabait, ganoon.

"Dati siyempre, nung hindi pa siya Christian, alam ko naman…

"Dahil basketball player, di ba, maraming babae ang nag-aano sa kanya? Wild siya before.

"Pero ngayon, bilang isang Christian, sobrang tino niya nang tao."

Seloso bang boyfriend si Jayjay?

"Siyempre bilang lalaki, saka parang pagrespeto mo sa kanya, minsan yung mga role...

"Minsan kasi nababasa niya yung mga role na ibinibigay sa akin.

"Sinasabi niya, ‘Ayusin mo yung role mo. Kailangang baguhin mo ‘yan. Kasi, gusto mo, ganyan ka na lang.’ Parang nababastos daw.

"Siyempre, bilang isang lalaki na mahal ka lang naman, naiintindihan ko siya."

NEXT PROJECT. Ang huling serye na nagawa ni RR sa ABS-CBN ay ang Repustasyon, kung saan gumanap siya rito bilang kaibigan ng bidang si Cristine Reyes. Seven months ago na nang magtapos itong umere.

Hindi ba naiinip si RR na hanggang ngayon ay wala pa ulit ibinibigay na project sa kanya ang ABS-CBN?

"Hindi naman. Kasi focused ako rito,” patungkol niya sa kanyang business.

"Saka masaya ako sa ginagawa ko.

"Pero siguro, pag kunwari okay na yung takbo ng business namin, tapos wala pa nga akong show next year, baka mami-miss ko.

"Pero sana nga magkaroon ulit ako ng show sa ABS-CBN."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN