Maxene Magalona on rumored romance with Renz Fernandez: "We’re getting to know each other and I really enjoy his company."

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

Panay ang tawa ng Kapuso actress na si Maxene Magalona tuwing tinatanong tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Renz Fernandez, ang bunsong anak nina Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. Pero ayon kay Maxene, "good friends" pa lang sila ni Renz.

“Good friends” kung ilarawan ni Maxene Magalona ang naiintrigang closeness nilang dalawa ngayon ni Renz Fernandez.

Si Renz ay ang bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

May mga pagkakataon daw na nakikitang magkasama sina Maxene at Renz, tulad sa malls.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa taping ng magtatapos nang GMA-7 afternoon soap na Faithfully kahapon, September 17, sa Antipolo City, tawa lang ito nang tawa sa bawat tanong na ibato sa kanya tungkol kay Renz.

Aniya, “He’s a good friend. At matagal na kaming magkakilala.

“Since grade school pa lang, magkakilala na kami.

"Because of Ateneo and common friends, and siyempre showbiz gathering, nagkakakilala.

“But magkakilala kami since we were kids, pero ngayon lang kami naging close.”

Nagkita raw silang muli ni Renz sa isang birthday party ng kaibigan nila. Mula noon ay nagsimula na silang mag-usap at lumabas.

Noong July 2012 daw sila nagsimulang maging malapit sa isa’t isa.

SPECIAL VISITOR. Isa sa may pinakamataas na ratings sa afternoon soaps ng GMA-7 ang Faithfully kaya masaya raw talaga si Maxene.

Tawa na naman nang tawa si Maxene nang may magbuko na may dumadalaw sa kanya sa taping ng kanilang programa kaya siguro masaya siya.

Pero tanggi ng young actress, “Ay, hindi, a!

"Talagang masasabi kong, itong Faithfully, ito ang isa sa pinakamasaya kong show kasi sobrang okay kaming lahat.”

Ilang beses nang dumalaw si Renz sa kanya sa taping?

“Ha? Basta, iniimbitahan ko po kayong lahat na manood ng Faithfully, malapit na po kaming magtapos,” natatawang pag-iiba niya ng usapan.

Wala pa rin tigil sa pagtawa si Maxene kapag may ibinabatong tanong sa kanya ang PEP at iba pang entertainment press tungkol sa lovelife niya.

Kaya biniro namin siyang ang mailalabas sa artikulo ay puro tawa ang sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Maxene, “Renz is a very good guy at makikita mo talaga na ang pagpapalaki sa kanila ni Tita Lorna is very, very good.

“And he’s so passionate when it comes to his work. Bago pa lang siya, di ba, sa show business?”

MAXENE’S LOVELIFE. May apprehension ba siya na maging bukas muli sa publiko ang bago niyang lovelife?

Natawa ulit si Maxene at saka sinabing, “Siyempre, when it comes to my private life, I still want to keep something for myself.

“At all times naman, may mga things din that I’d rather keep to myself.

“What I can say lang is, he’s a really nice guy and we’re getting to know each other, and I really enjoy his company.”

Nasa getting-to-know stage pa lang sila?

“Puwede, puwede!” tawa na naman ni Maxene.

“Basta, we’re friends. We hang out, sila Tita Lorna.”

Exclusively dating na ba ang status nila ni Renz?

Tawa ulit ang naging reaksiyon ni Maxene saka sinabing, “Basta, for me and Renz, what you see is what you get. Yun yun!

“Basta, we’re good friends, we hang out. We’re getting to know each other.

“I learn a lot from him because he’s very wise at a very young age.

“At siyempre, we both came from a showbiz family so we have a lot to talk about.”

Si Maxene ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, at apo ng legendary Sampaguita stars na sina Pancho Magalona at Tita Duran.

BOTH FROM SHOWBIZ FAMILY. Malaking factor ba na pareho silang galing sa showbiz na pamilya?

Sagot ni Maxene, “Well, ako naman, wala naman akong requirements kung sino ang mga kaibigan ko, nakakasama, nakikilala.

“Kung sino mga nakikilala ko… I mean, you know, like sila Rich Asuncion, sila Glaiza de Castro, they don’t come from showbiz family but they are from showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Renz, he came from showbiz family at may mga kaibigan din naman akong non-showbiz.

“So for me, if we click and we have a good time when we hang out, then that’s the most important thing.

“It doesn’t matter if you’re from showbiz or non-showbiz, or anak ka ng artista o hindi. Hindi siya importante sa akin.

“At saka, lahat ng tao naman, ang gustung-gusto ko...

"Sina Renz at sina Raf-Raf [Fernandez, Renz’s elder brother], napakaganda ng pagpapalaki sa kanila ni Tita Lorna.

“They are very respectful, very nice, and very professional when it comes to work.”

MOMMY KNOWS BEST. Kumusta naman ang pakikitungo ng mommy niyang si Pia Magalona kay Renz ?

“Ano ba ‘yan?!” tawa ni Maxene.

“Hindi naman ako kinakausap ni Mama tungkol sa lovelife.

“Alam naman niya yun na hindi talaga kami open about it to each other.

“But we’re really close and kinakamusta niya ako and I tell her, okay naman.

“Siyempre, nagtatanong-tanong siya about everyone in my life na, ‘Kamusta na si ganyan? O, may bago kang kaibigan, may bago kang nakakasama, okay ba sila?’

“Siyempre, she wants to get to know them also at siyempre, my family wants to meet the people I hang out with para alam nila kung kanino ko nakakasama.”

Sa hiwalay na panayam kay Lorna ay sinabi nitong okay si Maxene sa kanya. Pero ayaw nitong pangunahan kung anuman ang namamagitan sa kanila at sila na nga lang daw ni Renz ang tanungin.

Mas lalong tumawa si Maxene na hindi maitatagong masaya siya ngayon.

“I have nothing but love for Tita Lorna. She’s so nice and idol ko ‘yan.

“Siyempre, nakatrabaho ko na siya sa GMA, so yun.”

Ang dati nilang teleserye na Hanggang Kailan sa GMA-7 ang tinutukoy ni Maxene na pinagsamahan nila ni Lorna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY MAXENE. Masaya ba siya ngayon?

Sagot ni Maxene, “Hindi n’yo ba nakikita? Tawa ako nang tawa!

“At saka, I’m happy with everything that’s happening in my life.

“Bising-bisy talaga ako. Every day ang schedule ko.

"MWF, Faithfully; tapos Tuesday-Sunday, Protégé.

“Tapos Party Pilipinas, Sunday; then Saturday, Thursday naman is for Katnip, it’s an indie film that I’m doing.”

Binanggit namin kay Maxene na isa siya sa masarap interbyuhin dahil parang hirap siyang magsinungaling. Madalas kasi ay diretso niya talagang sinasagot ang mga tanong.

Kaya parang nakakapanibago na tila may pumipigil sa kanyang magsalita tungkol kay Renz.

Natawa na naman ito at saka naalala ang huling interview ng PEP sa kanya sa taping ng Faithfully kung saan nagsalita siya tungkol sa pre-marital sex.

(CLICK HERE to read related story.)

“Grabe, naging controversial ang interview na yun!” natatawa niyang sabi.

Kumusta naman siya pagkatapos lumabas ng interview niya na yun dito sa PEP?

“Sabi ko naman, I’m already 25. And linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility.

“Pero ang nakalagay do’n, parang yun lang ang iniintindi ko para mag-work ang relationship.

“But what I’m saying is, that’s my opinion and I hope that the people will respect it. Yun lang.”

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/35695/maxene-magalona-on-rumored-romance-with-renz-fernandez-were-getting-to-know-each-other-and-i-really-" data-desc="Maxene on her contoversial view about pre-marital sex: "Linawin ko lang, I did not say na sex is the only measurement—compatibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/451e82e85.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN