Leni Robredo on Rody Duterte: "Tingin ko magwo-work well together kami."

May 28, 2016
<p>Incoming Vice President Leni Robrido is willing to give her full support to President Rodrigo Duterte.</p>

Kumpiyansa si incoming Vice President Leni Robredo na magiging maganda ang working relationship nila ng bagong deklara ring Presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte.

“Tingin ko magwo-work well together naman kami,” sagot ni Leni sa panayam ni Jessica Soho sa State of the Nation ng news program ng GMA-7 nitong gabi ng Biyernes, May 27.

“Unang-una, obligasyon ko ang aking buong suporta sa ating magiging Pangulo.

“Yung success naman ng kanyang administrasyon para naman yun sa bayan natin.”

Hindi raw makakabuti para sa bansa ang pag-aaway ng mga mamumuno sa bansa.

“Hindi natin maa-afford ngayon, yung mga opisyal ng gobyerno, mag-aaway-away.

“Galing tayo sa isang napaka-divisive na election.

“Panahon na para mag-rebuild tayo ng nasira noong nakaraang election at hindi makakatulong na hindi buo yung aking pakikipagtulungan sa kanya.”

ON BONGBONG'S ACCUSATION. Interesado rin si Leni na malaman ang katotohanan sa intensyon ni Senador Bongbong Marcos sa alegasyon nitong may 3.9 million undervotes o null votes sa nakaraang election pagdating sa vice presidential race.

Continue reading below ↓

Si Sen. Bongbong ang pinakamahigpit na katunggali ni Leni sa vice presidential race at sa final tally of votes, lumalabas na may mahigit sa 260,000 votes ang kalamangan ni Leni sa senador.

“Ako, interesado rin ako na ma-find out kung bakit ganito yung null votes.

“Pero kung titignan natin yung record, hindi lang naman marami yung null votes sa vice president, pati din sa ibang posisyon marami din talagang null votes,” pahayag pa ni Leni kay Jessica sa State of the Nation.

Binanggit din ni Leni ang ilang naunang akusasyon ng kampo ni Bongbong dati, gaya ng discrepancy pagdating sa mga boto, subalit napatunayan umanong mali ang kanilang alegasyon.

“Ang sa akin lang, yung pagpasinungaling nung allegations nila before nakikita natin kung ano yung totoo.

“Parang napaka-unfair naman yata, hindi lang sa akin, pero unfair din diyan sa maraming bumoto sa akin, maraming supporters, para palabasin na kaya ako nag-lead nang ganito sa kanya ay dahil kami ay nandadaya.

Continue reading below ↓

“Pero sa akin naman talaga, yung interes ko mapatotohanan kung ano talaga yung sinasabi nila ngayon.

“May dalawa na silang kini-claim na hindi tama. Sana kung ano pa yung panahon na kung ano ang ina-allege nila, ganito din yung mangyayari.

Lubus-lubos din ang pasasalamat ni Robredo sa mga bumoto sa kanya sa nakaraang eleksyon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Incoming Vice President Leni Robrido is willing to give her full support to President Rodrigo Duterte.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results