Alden Richards on his first Cosmo Bachelor Bash appearance: "It’s a very fulfilling experience."

Ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards (in photo) ang huling rumampa sa Cosmo Bachelor Bash 2012 na ginanap kagabi, September 19, sa World Trade Center. Sabi ni Alden tungkol dito: “Hindi ko naman po kasi ine-expect na ako ang huling lalabas for this Cosmo Bash. Pero ginabayan lang po talaga ko ni Lord kaya po siguro ganoon.”


Tilian at sigawan ang mga tao sa paglabas ni Alden Richards sa stage sa ginanap na Cosmo Bachelor Bash 2012, kagabi, September 18, sa World Trade Center.

Isa si Alden sa Top 10 Centerfolds ng Cosmo ngayong taon.

Dahil wala ang cover boy na si Paulo Avelino, ang first-timer na si Alden ang huling rumampa sa stage.

Lumabas ang Kapuso heartthrob bilang isang pizza delivery boy.

Pinunit nito ang ilang bahagi ng kanyang suot na pants, pero hindi niya ito hinubad nang tuluyan tulad ng ibang Cosmo men.

FIRST TIME. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa backstage ng World Trade Center pagkatapos ng event.

Nakangiting pag-amin ni Alden, nandoon ang kaba noong lumabas siya sa stage.

Aniya, “Siyempre po, first time, hindi po maiiwasan. Nangangapa pa ng konti.

“Pero nag-enjoy naman po ako. First time, ang daming tao.

“But I had fun. It’s a very fulfilling experience.”

Plinano niya ba ang lahat ng ginawa niya sa stage?

“Siguro po yung iba, on the spot. Pero yung pag-rip ng pants, medyo plinano ko na rin po before.”

Aminado si Alden na kumpara sa ibang rumampa kagabi, sandali lang siyang nakapaghanda para sa Cosmo Bachelor Bash 2012.

“Saglit lang po, wala pa pong one month.

“Kahit po busy sa taping, kailangan ko pa rin pong isingit sa schedule ko kasi na-commit ko na po, e.”

Ano ang mga naging paghahanda niya?

“Gym po, sobrang strict diet po.

“Medyo mahirap po at may times po minsan na nanghihina ako.

“Pero kung committed naman po sa isang commitment, gagawin mo pong lahat para matupad yun.

“Yun lang din po ang inilagay ko sa utak ko kaya narating ko rin po itong Cosmo.”

Lahat daw ng naging paghahanda niya ay sulit naman daw dahil sa kinalabasan ng una niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Worth it po,” nakangiti niyang sabi.

“Napasaya ko po ang audience at siyempre, ako rin po, personally, I’m very happy na naging successful ang show kahit na first time ko po.

“Sana po, maulit.”

Naririnig namin ang ilan sa mga kababaihan at gayundin ang ilang bading na sinabing isa si Alden sa inaabangan nilang lumabas sa hanay ng Top 10 Centerfolds.

FINALE. Ano ang pakiramdam na isa siya sa talagang inabangan ng mga tao sa World Trade Center?

“Medyo tense po,” nakangiting sabi ni Alden.

“Hindi ko naman po kasi ine-expect na ako ang huling lalabas for this Cosmo Bash.

“Pero ginabayan lang po talaga ko ni Lord kaya po siguro ganoon.”

Si Paulo Avelino ang dapat na pang-finale dahil siya ang cover ng Cosmo Top 10 Centerfolds ngayong taon. Pero nasa Amerika ngayon ang aktor, kasama ang iba pang cast ng Walang Hanggan, para sa Kapamilya Karavan.

Naging pabor ba kay Alden ang hindi pagdalo ni Paulo?

“Si Paulo naman po, nasa States daw po kaya hindi siya nakasama sa ramp.

“Pero siguro po, fulfillment na rin po sa akin to be the last to ramp po talaga.

“Yung nangyari po ngayon na ako ang finale, nagkataon lang pong talaga,” sabi niya.

PRIMETIME LEADING MAN. Masasabing maganda ang mga nangyayari ngayon sa career ni Alden. Hindi maitatangging isa na siya sa kinikilalang primetime leading man ng Kapuso network dahil sa tagumpay ng umeere pa ring One True Love.

Sabi ni Alden tungkol dito, “Siyempre po, isa po yun sa maku-consider ko na successful na ginawa kong project at kaliwa’t kanan po ang extension ng show.

“At sobrang proud po ako na nagiging worth it po ang lahat ng pagod namin ni Louise [delos Reyes] sa One True Love.

“Kaya salamat po talaga sa suporta at abangan n’yo po ang katapusan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang mae-extend na naman nga raw ang kanilang primetime series.

“Opo, October 1 po ang last taping namin tapos mga mid-October po ang finale,” pagkumpirma ni Alden.

Paano naman niya hina-handle ang pagiging bagong leading man sa GMA-7?

Sagot ni Alden, “Naku, nagpapasalamat po ako sa GMA sa pagbibigay sa akin ng magagandang projects at nagiging successful po.

“Sana po, tuluy-tuloy lang at sana masundan lang after ng One True Love.”

NOT TRUE. Sa kabila ng magandang nangyayari sa career ni Alden ngayon sa Kapuso network, meron pa ring isyu na diumano’y lilipat siya ng network pagkatapos ng teleserye nila.

Pero sa mismong Twitter account ni Alden ay pinabulaanan nito ang balita.

Nang makausap namin si Alden kagabi ay tinanong namin siya tungkol dito.

“Hindi ko nga po alam kung bakit at hindi ko rin makuha ang point kung saan nila nakukuha yung mga impormasyon na ganoon.

“Personally po, ako, wala po akong balak na lumipat at hindi po ako lilipat ng network.

“Yun po ang sigurado ako,” diin ng Kapuso heartthrob.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN