Mike Tan overwhelmed by his first Bench fashion show experience

Unang beses rumampa ni Mike Tan sa Bench denim and underwear fashion show. Kumusta naman ang experience niya? Sagot ng Kapuso actor: “Happy, happy ako sa unang experience ko sa Bench. Bago siya sa akin at hindi ko alam na nakaka-overwhelm din pala yung ganoon karaming tao ang manonood sa ‘yo. Yung Cosmo kasi, medyo maliit na group pa. Pero sa Bench pala, sobrang daming artista.”


Kung noon ay halos puti lang ng itlog ang kinakain ng Kapuso actor na si Mike Tan, ngayon ay ini-enjoy na muli niya ang pagkain ng iba’t ibang klaseng putahe.

Tapos na kasi ang ginawang paghahanda ni Mike para sa Bench Universe, ang denim and underwear fashion show na ginanap noong September 13 and 14.

Sa taping ng Faithfully noong Lunes, September 17, sa Antipolo City, ay biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike na hindi na itlog ang diet niya.

“Hindi na!” natatawa niyang sabi.

“Kakain ako ngayon. Kakain ako ng lahat ng gusto ko.

“Pero kakain man ako ngayon nang kakain, idinidiretso ko naman ng workout.

“Ito kasi talaga ang routine ko. Ang diet ko, kumakain ako, tapos workout.

“Noong Bench, kumakain na ako, pero walang tubig. Kailangan mo rin kasing kumain para magkalaman. Pero noong araw lang yun ng Bench.

"Bago mag-Bench, nilunod ko na ang katawan ko sa tubig.”

FIRST TIME. Bagamat hindi celebrity endorser ng Bench si Mike, isa pa rin siya sa mga artistang rumampa.

At base sa mga feedback, marami ang humanga sa pangangatawan niya ngayon.

“Well, sa mga feedbacks po na nakarating sa akin, iba raw po ang hitsura ko sa stage. Mas malaki raw akong tingnan.

“Yung first night, naka-eyeliner po ako, yun ang makeup ko kasi.

“Pero nakausap ko si Mr. Ben Chan, pinabago niya ang buhok ko dahil hindi raw ako nakilala.

“Kaya noong second night po, yun, mas okay pa siya.”

Masaya ba siya sa unang pagrampa niya sa Bench?

“Happy, happy ako sa unang experience ko sa Bench,” sambit ni Mike.

“Bago siya sa akin at hindi ko alam na nakaka-overwhelm din pala yung ganoon karaming tao ang manonood sa ‘yo.

“Yung Cosmo kasi, medyo maliit na group pa.

“Pero sa Bench pala, sobrang daming artista.”

Natawa naman si Mike nang iparating namin sa kanya na ang napansin nang husto sa kanya ay ang harapan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakuha agad nito ang tinutukoy namin at sabay sabing, “Nabasa ko nga yun! Hahaha!”



FAITHFULLY. Sunud-sunod ang ginawang teleserye ni Mike sa GMA-7 simula pa noong isang taon.

Sinimulan niya ang 2011 ng Captain Barbell at nasundan agad ito ng afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Ngayong taon naman ay ginawa niya ang primetime series na Legacy na nasundan agad ng afternoon drama series na Faithfully.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Faithfully, sinabi ni Mike na nalulungkot siya dahil kakaibang bonding ang nangyari sa kanila dito.

Ayon kay Mike, “Nakakalungkot kasi, isa ‘to sa… well, masasabi kong isa talaga ‘to sa pinakamasaya kong grupo.

"Lalo na kapag puyat na puyat na... Yung mga lokohan ng mga artista, kapag late na, iba na ang sinasabi!

“Basta, ito ang pinaka mami-miss kong grupo sa lahat ng mga naging trabaho ko.

“Itong grupo na ito, walang pretensiyon. Lahat ng artista, totoo.

“From the director, crew, lahat totoo... pati mga artista.

“Nakikita n’yo naman ang bond namin, parang magkaka-barkada na kami.”

Masuwerte si Mike dahil lahat ng ginawa niyang teleserye ay nakakuha ng mataas na rating.

“Buti na lang, buti na lang talaga. Suwerte rin po sa mga kasama,” nakangiti niyang sabi.

NEXT PROJECT. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Mike kung ano ang susunod niyang teleserye pagkatapos ng Faithfully.

“Okay lang naman kung wala pa.

“Kasi, nitong mga nakaraan, dire-diretso. Never akong pinabayaan ng GMA.

“Tatlong sunud-sunod, as in walang pahinga.

“Pagkatapos ng isa, heto naman ang isa pa.”

Nag-iisip na nga raw siya ng mga puwede niyang gawin habang hindi pa siya busy muli sa pagte-taping.

“Aakyat talaga ako ng bundok. Kasama ko nga si Kevin [Santos].

“Pero baka mababa lang. Kung hindi sa bundok ng Mariveles, baka sa Batulao.

“Hiking po talaga. Overnight,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN