Frank Magalona wants to prove that he’s not just an actor

Gustong patunayan ni Frank Magalona sa publiko na hindi lamang pag-arte ang kanyang talento. Nais niyang malaman din ng mga tao, na tulad ng nakababata niyang kapatid na si Elmo Magalona, na mayroon din siyang talento sa pagra-rap.


Hindi masabi ni Frank Magalona kung nag-improve na ba ang kakayahan niya sa pag-arte.

Saad niya, “Kasi nag-start ako, di ba, last year, ‘yong hilaw na hilaw pa ‘ko?

“Ngayon, parang hindi ko pa rin masabi na… siyempre one year pa lang akong umaarte.

“So masasabi ko ngayon na, I’m still trying to go where I want to go and I’m still learning from these experiences.

“Kasi I’m the type of guy na I learn by doing it.

“So dahil na rin sa mga ibang shows na nag-guest ako, yung My Beloved, marami na rin akong na-experience do’n.

"Pero mas marami pa akong gustong ma-experience.”

Unang napanood si Frank sa mga drama series na Blusang Itim (2011), Kung Aagawin Mo Ang Langit (2011), at My Beloved (2012). Pawang supporting roles ang ginampanan niya sa mga ito.

Ngunit ngayon, maikukunsidera na siya bilang isa sa mga bida sa afternoon soap na Hindi Ka Na Mag-iisa, kung saan gumaganap siya bilang si Mark, ang matalik na kaibigan ni Eliza (Jennylyn Mercado) na may lihim na pagtingin sa dalaga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Frank kahapon, Setyembre 18, sa set ng Hindi Ka Na Mag-iisa sa Quezon City.



NOT JUST AN ACTOR. Sinasabi man ni Frank na nagsisimula pa lamang siya bilang isang aktor, gusto rin niyang ipakita sa publiko kung ano pa ang kaya niyang gawin.

Lingid kasi sa kaalaman ng marami, katulad ng nakababatang kapatid ni Frank na si Elmo ay marunong din siyang kumanta at mag-rap.

Namana nila ang talentong ito sa kanilang yumaong ama, ang rapper-host-actor na si Francis Magalona.

Nagsimula raw mag-rap si Frank noong sampung taong gulang pa lamang siya.

At upang ipaalam sa masa ang talento niyang ito, magre-release siya ng single sa susunod na buwan.

“Magre-release ako ng kanta, tribute song para sa dad ko,” nakangiting pagbabahagi ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang release month na ito’y sakto sa birth month ng kanyang yumaong ama, na ipinanganak noong Oktubre 4.

Pagpapatuloy ni Frank, “Ano siya, rap, rap siya, and I’m very excited for it.

"And hindi ko alam kung ano magiging reaction ng mga tao sa kantang ‘yon.

“Pero excited na ‘ko ilabas, kahit anong mangyari, excited na ‘kong ilabas yung kantang ‘yon.”

"Ang Hari" ang title ng tribute song ni Frank para sa kanyang ama.



LIVING INDEPENDENTLY. Unti-unti, nadidiskubre ni Frank kung ano pa ang iba niyang talento bukod sa pag-arte at pagkanta.

Ito’y nagsimula raw noong bumukod siya sa kanyang pamilya, at manirahan mag-isa sa condominium unit niya sa Quezon City.

Aminado si Frank na “mahirap” para sa kanya na mamuhay nang mag-isa.

Gayunman, walang pinagsisisihan ang aktor sa desisyon niyang ito.

Aniya, “Kasi ako, right now, happy ako sa kung ano nangyayari sa akin.

“Yung iniisip ko, may nalalaman pa akong mga bagay na hindi ko na-discover dati.

"Siguro kung hindi ako bumukod, hindi ko matatagpuan yung mga ‘yon.

“So thankful din ako na bumukod ako dahil may natagpuan ako na nakatago sa akin sa loob, na nakita ko dahil bumukod ako, at saka namuhay ako mag-isa na wala mga kapatid ko.

“Kasi iba rin na kapag mag-isa ka, parang makikilala mo kung sino talaga yung sarili mo, e, talagang maiisip mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN