Mocha Uson still sets limits to nudity: “Hindi ko kaya yung pene kasi para sa akin, porno na yun... Hanggang exposure lang ako.”

Ito ang paliwanag ni Mocha Uson (gitna), lider ng all-female group na Mocha Girls, tungkol sa wala niyang takot na paghuhubad sa pelikula man o pictorial: "Ginawa ko ito kasi gusto ko i-encourage yung iba na magpakatotoo. Kilala naman ako ng pamilya ko na hindi ako kaladkaring babae.”


Naghubo’t hubad ang singer-actress na si Mocha Uson sa kalalabas pa lang na isyu ng Playboy magazine.

Bagamat kasama niyang nag-pose ang iba pang miyembro ng grupo nilang Mocha Girls, si Mocha lang ang nagpakita ng kanyang kaselanan.

Hindi na nag-inarte pa ang tumatayong lider ng all-female group at talagang ibinuyangyang ang kanyang private part sa isang pahina ng naturang babasahin.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mocha sa presscon na ipinatawag ng magazine noong Martes ng hapon, September 18, sinabi nitong wala siyang naramdamang pag-aalinlangan sa ginawa niyang paghuhubad.

“Alam mo kasi pag ang tao, malinis ang konsensiya niya, malinis ang isipan niya, wala siyang inhibition, free… free ka lang.

“Malaya ka lang, wala kang malisya sa pag-iisip mo.”

Hindi ito ang unang pagkakataong naghubad si Mocha. Nag-nude din siya sa kapapalabas lang na indie film na Butas 2.

Paano ba ang preparasyon niya bago siya maghubad? Naglalakad muna ba siya sa set nang nakahubad para makundisyon ang katawan at isip niya sa gagawin?

“Oo, just be yourself lang. Nagpapakatotoo lang ako,” sabi niya.

DEALING WITH NASTY BOYS. Pero paglilinaw ni Mocha, “Kahit ganito lang ako, hindi ako pumapatol sa mga indecent proposal.

“Kaya may lakas ako ng loob na magpakita ng katawan, maging liberated, kasi hindi naman ako pumapatol sa mga malisyosong mga bagay.”

Nakaranas na ba siya ng pambabastos sa mga lalake dahil sa tapang niyang maghubad?

“Oo,” mabilis na tugon ni Mocha.

“Maraming beses na, kaming mga girls.

“Kasi alam mo, kahit naman naka-damit ka, kung bastos ang tao, babastusin ka talaga.

“So, kami, we’re just doing our job.

“This is part of our job, nae-enjoy namin na ipinapakita namin ang hard work.

“Nagwu-workout kami, hindi kami kumakain ng rice.

“So, ipinapakita lang namin yung mga pinaghirapan namin sa katawan namin.”

May nasaktan o nasampal na ba si Mocha sa mga dahil sa pambabastos sa kanya ng mga lalake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “A, wala pa naman.

“Pag sinasabihan ako ng pokpok, sinasabi ko na, ‘Hindi ako nagpapabayad kaya hindi po ako pokpok.’

“Hindi naman ako nao-offend, kasi hindi naman totoo yun.”

WHAT HER MOM SAYS. Ano ang sinasabi ng kanyang ina tungkol sa image ng kanilang grupo?

“Sobrang proud siya kasi magkakaroon kami ng U.S. tour this coming November. Kasama na rin dun yung Canada.

“So, isasama ko siya dun.

“At saka nanalo kami sa Star Awards for Best Dance Album at nandun pa yung mother ko nung tanggapin namin ang award.”

Pero ano ang sinasabi ng kanyang ina sa paghububad niya, gaya na lamang nitong pagpu-pose niya nang nude?

“Sinasabi ko na lang sa kanya na huwag na lang siyang bumili ng magazine!” sagot ni Mocha na sinundan niya ng malakas na tawa.

Ipinapaliwanag ba ni Mocha sa ina kung bakit ginagawa niya ang paghuhubad?

“In-explain ko lang sa kanya na… ginawa ko ito kasi gusto ko i-encourage yung iba na magpakatotoo.

“Kilala naman ako ng pamilya ko na hindi ako kaladkaring babae.”

Nahihirapan ba siyang makahanap ng seryosohang boyfriend dahil sa walang takot niyang paghububad?

“Medyo… medyo natatakot sila. Pero hindi ako.

“Kaya okey lang naman kasi hindi ako nagmamadali na magka-boyfriend.

“So, girls muna ang focus ko ngayon,” pagtukoy niya sa grupo nila.

Wala raw talagang panahon sa lovelife si Mocca.

“Kaya nga career muna, huwag munang boyfriend.

“Kasi ang dami naming ginagawa, every day kaming nasa gig, every day kaming nagre-rehearse.

“Kaya sa totoo lang, wala kaming time for lovelife.”

HER MOM’S CONDITION. Kinumusta rin ng PEP ang kundisyon ng kanyang ina na nabalitang may breast cancer.

Matatandaang nagsagawa noon si Mocha ng fundraising show para makalikom ng panggastos sa pagpapagamot ng ina.

“Praise God kasi negative yung bone scan nya!” pagbabalita ng morenang singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very happy. So ngayon, hindi siya kumalat.

“Ang speaking of cancer, ngayong October, may gagawin kaming breast cancer awareness project para paalalahanan yung mga kababaihan na alagaan yung mga breast nila.”

Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya masyadong problemado sa pera kumpara nung mga nakaraang buwan na aligaga siya sa paghahanap ng maraming raket para pantustos sa pagpapagamot ng ina niya?

“Opo, mahal.

"Kaya nga natutuwa ako sa lahat ng mga tumulong na artists, sa media na tumulong sa fundraising namin.”

PANTASYA. Nakakadagdag ba sa morale niya pag pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan?

“Ay, oo naman. It’s a pleasure. Sobra!” bulalas ni Mocha.

Hindi ba siya natatakot na ma-kidnap o ma-rape?

“Hindi naman, may mga security naman kami.

“Saka hindi kami exposed sa mga bars. Sa trabaho lang kami.

“Pagtapos ng trabaho, uwi kami agad.”

Hindi ba siya natatakot na pag-initan ng mga moralista dahil sa mga liberal niyang pananaw?

“Ano bang ginagawa kong mali?” reaksyon ni Mocha saka sinundan ng tawa.

“Ang akin lang, relax lang kayo. Wala naman akong inaapakan, e.

“Ang ginagawa ko lang, ino-open ko yung isipan ng mga tao na walang masama sa katawan. Nasa pag-iisip ‘yan.

“Dapat inaalagaan natin ang katawan at saka huwag nating bibigyan ng malisya.”

Hanggang kailan siya maghuhubad? Meron ba siyang susundang timetable kung kailan siya titigil?

“Hanggang eighty years old?” tugon niya saka tumawa nang malakas.

“Hindi, joke lang… Kaya lang naman ako naghuhubad para sa mga projects na pinaniniwalaan ko.

“Hindi naman ako araw-araw na naghuhubad.

“Kung sa isang indie film kailangan ang sexy scene, gagawin ko yun.

“Pero kung ang tema naman ay sa simbahan, e, magdadamit tayo dun.

“Ginagawa ko lang kung ano yung hinahanap ng eksena o nung magasin.”

Hindi na raw aabot pa si Mocha sa mga penetration scenes sa pelikula kahit isa pa itong makabuluhang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, porno na yun. Hindi ko pa kaya yun. Babae sa babae pa lang kaya ko!”

Ang gusto niyang sabihin ay ang magkaroon ng love scene sa kapwa babae na nagawa na niya sa isa niyang indie film na naipalabas na.

“Hindi ko kaya yung pene kasi para sa akin, porno na yun, triple X na yun. Hanggang exposure lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN