Rocco Nacino struts his stuff in Cosmo Bachelor Bash and Bench Universe

Magkasunod na rumampa ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino sa dalawang malalaking events. Una noong September 13 at 14 sa Bench Universe (kaliwa) denim and underwear fashion show, at pangalawa noong September 18 sa Cosmo Bachelor Bash 2012 (kanan).


Pangatlong beses na ni Rocco Nacino ang pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash 2012 noong Martes, September 18, sa World Trade Center.

Kapansin-pansin na bawat taon ay kinakikitaan ng kumpiyansa si Rocco sa pagrampa, kung paano niya tuksuhin o kilitiin ang imahinasyon ng mga manonood lalo na ang mga kababaihan.

Bukod dito, kapansin-pansin din ang lalong gumaganda niyang pangangatawan.

Ayon kay Rocco, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos nilang rumampa, “Masaya lang ako na marami ang nag-enjoy. Marami ang sumigaw noong ginawa ko yung mga ginawa ko.

"It was all worth it—exercising, working out.

“Giving the people the time, yun ang mas importante.”

THIS IS NOT THE END. Bukod sa Cosmo Bachelor Bash, isa rin si Rocco sa mga rumampa sa Bench Universe denim and underwear fashion noong nakaraang linggo.

Ayon sa Kapuso hunk, hindi rito nagtatapos ang pagpapaganda ng katawan niya.

"After this, itutuloy ko ang diet ko

“I want to make a good foundation of my body. Hindi pa ako kuntento.

“After Cosmo, after one week, I’m going back to the gym para gumawa ng magandang pondo sa katawan," saad niya.

Ano pa ba ang gusto niyang makita sa kanyang katawan?

Sabi ni Rocco, “Gusto kong pagandahin ang abs ko.

"I want to be fit. I want to look good.

"At para sa sarili ko rin, para tumaas ang self-esteem ko.

“Kasi, tuwing pumupunta ako dito, feeling ko, ‘Naku, nakakailang naman, ang gaganda ng katawan nila.’”

Bagamat sa stage ay may kumpiyansa sa sarili at masasabing marunong siyang gumawa ng gimik pampakilig sa mga babae at gayundin sa mga bading, inamin ni Rocco na kinakabahan pa rin siya tuwing rumarampa siya.

“All the time,” sambit ng StarStruck alumnus.

“I get nervous all the time.

“Hindi ko alam kung bakit, pero when I go out on the stage, nag-iiba ako. Hindi ko alam kung bakit!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Rocco, halos lahat ng ginagawa niya sa stage ay “on the spot.”

“Tulad ng isinulat ko sa likod na ’eat me,’ parang landi sa mga girls.”

Dagdag niya, “Kapag ginawa akong cover ng Cosmopolitan, naku, mas malupit ang gagawin ko!”

ALDEN RICHARDS. Two years ago, nakasama si Rocco sa Top 10 Centerfolds ng Cosmo kaya masaya siya na isa siya sa nagbukas ng Cosmo Bachelor Bash ngayong taon.

Masaya rin daw siya sa kapwa niya Kapuso na si Alden Richards, na siyang naging finale dahil sa hindi pagdalo ng cover boy na si Paulo Avelino.

Sabi ni Rocco, “Oo naman, happy ako sa kanya.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Alden, dahan-dahan ka lang maglalakad para ma-enjoy mo ang moment na yun.”

Sa kabila nito, hindi naman maiwasan na sila ni Alden ang tila pinagtatapat ngayon sa bakuran ng Kapuso network.

Pero sabi ni Rocco tungkol dito, “Hindi, e, magkakapatid kami sa handler namin.

“So, in any way na makatulong ako sa kanya, in terms of dieting, working out, ibinibigay ko.

“Walang kumpetisyon factor. Walang ganoon.”

SHEENA HALILI. Ang napapabalitang girlfriend ni Rocco na si Sheena Halili ay hindi nanood ng Cosmo Bachelor Bash. Pero noong ikalawang gabi ng Bench Universe ay nanood daw ang young actress.

“I am really happy,” sambit ni Rocco.

“Actually, hindi ko alam, pero noong second night, of all the people, nakita ko ang mommy ko, tapos nakita ko si Sheena sa Bench.

“I was really happy.”

Hindi ba niya inimbitahan si Sheena sa Cosmo Bachelor Bash?

“Inimbitahan ko siya. Pero sabi niya, baka mailang daw ako kapag nakita ko siya.”

Maiilang nga ba siya?

“Siyempre!” natatawang sagot ni Rocco.

Bakit siya maiilang?

“E, kapag magkasama kami, torpe ako. Hindi ako gumaganyan-ganyan.

“Siyempre, nakakailang na gumanyan ako sa harap niya.

“Pero nag-text siya, sabi niya, ‘Enjoy. It’s your night.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN AND OUT. Samantala, hindi na makakasama si Rocco sa unang napabalitang primetime series na gagawin niya dapat sa GMA-7, ang Indio na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

Sa halip, magiging bida si Rocco sa afternoon soap na Yesterday’s Bride kunsaan makakatambal niyang muli si Lovi Poe.

Saad ng Kapuso hunk, “Na-pull out po ako sa Indio dahil ako po ang gaganap na leading man ni Lovi sa Yesterday’s Bride.

“Excited siyempre, at the same time, nalungkot na maaalis ako sa Indio. Pero happy, I have a show.

“Hindi ako pinull-out dahil ayaw sa akin. Pinull-out ako dahil ipe-pair ako sa bagong show.”

Okay naman daw kay Rocco ang bagong teleserye na panghapon dahil leading man naman ang role niya.

“Siyempre po okay dahil I’m the leading man.

“But at the same time, sayang din po na makatrabaho si Senator Bong Revilla and it’s a very long soap. Sabi ko nga, makakaipon talaga ako do’n.

“Pero career-wise, okay ang Yesterday’s Bride.

“To work with Lovi Poe, siyempre award-winning siya.

“Ngayon, kinakabahan naman ako na makakatrabaho siyang muli.

“Yung makatrabaho mo ang award-winning actress, na hindi lang isa kung hindi ang daming award, it’s really an honor to work with her again.”

Hindi na bago ang pagtatambal nila ni Lovi dahil nagkasama na sila noon sa isang proyekto.

“Yes, sa Love Bug, and it’s a romantic-comedy. Ngayon, drama naman.

“Pressured but excited to work with her.

“Kami po ang papalit sa Hindi Ka Na Mag-Iisa.

"Siyempre, pressure din dahil after ng Eat Bulaga!, kailangang i-maintain ang rating," pahayag ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN