Angeline Quinto finally reunites with her biological mother

Hindi na nagpa-DNA test ang huli at tinanggap nang ina ni Angeline Quinto na si Aling Susan. Ang dahilan niya: “Halos lahat ng kamag-anak ko kilala si Susan, so ibig sabihin noon, yun na talaga. Kaya hindi na rin ako pumayag na magpa-DNA. Dati nga nagtitinda ang nanay at tatay ko ng barbecue.”


Sa programang The Buzz noong Linggo, September 16, ay nagtagpo si Angeline Quinto at ang lumantad na tunay niyang ina na si Aling Susan.

Matatandaang matagal nang hinahanap ng Star Power grand champion ang kanyang tunay na ina.

Pero panandaliang naging problema ni Angeline kung paano ipagtatapat sa kanyang amang si Pop Quiros at ina-inahang Sylvia “Mama Bab” ang pagtatagpo nila ng kanyang tunay na ina.



REVELATION TIME. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline last Sunday, sa ASAP 2012, masaya niyang ibinalita ang mga kaganapan.

Naipagtapat na raw niya sa kanyang Mama Bab at sa kanyang ama na nagkita na sila ng kanyang tunay na ina.

“Sa totoo lang, kinaswal ko lang, e, kasi baka mag-isip nang mag-isip.

“E, di ba? Ikaw… pag sinabihan kita ng seryoso, mag-iisip ka, e. Kaya kinaswal ko lang.

“Unang bungad ko sa nanay ko, ‘O, Ma, nakita ko na pala si Susan, hindi ko naman pala kamukha, e.’

“Di siya naniwala tapos ipinakita ko sa kanya cell phone ko.

“Gusto ni Mama Bab na magkita sila pero yung tatay ko, hindi pa handa.

“Minsan nagagalit siya sa akin... hindi naman super galit, pero parang naiinis siya.

"Feeling ko, nababalik-balikan niya yung past nila.

“Sinasabi nila pag apektado ka pa, mahal mo pa.

"Hayaan ko nang magalit ang tatay ko.”

NO MORE DNA TEST. Hindi na dumaan sa DNA test si Aling Susan, hindi gaya ng mga naunang nagpakilalang ina ni Angeline.

Sigurado raw kasi Angeline na si Aling Susan nga ang hinahanap niyang ina.

Bakit hindi siya nagdalawang-isip na si Aling Susan ang tunay niyang ina?

Sagot ni Angeline, “Halos lahat ng kamag-anak ko, kilala si Susan, so ibig sabihin noon, yun na talaga. Kaya hindi na rin ako pumayag na magpa-DNA.

"Dati nga nagtitinda ang nanay at tatay ko ng barbecue.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CHRISTMAS REUNION. Dahil sa pagkikita nila ng kanyang tunay na ina, may plano si Angeline na pagtagpuin ang buong pamilya niya sa darating na Kapaskuhan.

“Ang plano ko sa Pasko, gusto kong magkaroon ng party, ng reunion… pasasalamat sa lahat ng trabaho ko.

"Feeling ko naman, sa Pasko, magiging maayos na. Ito na regalo nila sa akin.”

Regular na ba silang nagkikita ng kanyang nawalay na ina?

Kuwento ni Angeline, “Nung nakaraan, inimbitahan niya ako sa birthday ng lola ko. Hindi ako nakapunta kasi mayroon akong raket noon.

“Minsan nalulungkot ako pag nag-i-invite siya kasi laging hindi ako puwede.

“Sabi ko nga sa kanya, minsan pag nagkaroon ako ng time, pupunta ako ng Cavite kasi dun sila nag-i-stay.

“Lagi siyang nagte-text sa akin pag nakikita niya ako sa TV.

“Lagi niyang sinasabi na manang-mana ako sa kanya kasi kumakanta rin siya… hindi ko pa nga lang naririnig ang boses niya.”



ERIK SANTOS. Noong 6th Star Magic Ball ay magkasabay at magkahawak-kamay na dumating sina Angeline at Erik Santos.

Marami tuloy ang nag-isip na mukhang may espesyal na relasyon na namamagitan sa dalawa.

Agad na nilinaw ni Angeline na magkaibigan lang sila ng kasamahan niya sa ASAP 2012.

“Okay naman kami ni Erik, mabuting magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Mabuting-mabuti pa rin kami.

"Next month, sana tanungin ninyo ulit ako tungkol dito—ganito pa rin ang sagot ko.”

Nanliligaw ba si Erik sa kanya?

“Feeling ko naman… sana po, pero kung dun papunta yun, sana mapunta na.

“Sinasabi ko sa kanya, pero pabiro lagi. Pero alam ko hindi siya naniniwala.

“Okay naman si Erik para sa akin, pero nahihiya ako sa kanya.

"Ayoko namang manggaling na ako ang may gusto.

“Crush ko siya dati pero mas nangingibabaw ang pagkakaibigan kasi ayokong masira ang friendship namin.”

Pero hindi itinago ni Angeline na niregaluhan siya ni Erik ng mamahaling relo pagkagaling nito sa Japan para sa isang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Niregaluhan niya ako ng relo—Dolce and Gabbana.

“Galing siya ng Japan, naalala niya raw akong bigyan ng relo kasi alam niya na mahilig ako sa relo.

“Ibinigay niya sa akin sa ASAP din. Akala ko nga ibebenta sa akin, sabi niya, ‘Angge, o.’

“Nagdalawang-isip ako na baka pag tinanggap ko ay babayaran ko na, e, gift naman pala.

"Pang dress siya, e, parang medyo bronze ang kulay," lahad ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN