Lorna Tolentino not on the lookout for a new partner

Lorna Tolentino still misses late husband Rudy Fernandez: “Minsan, sasabihin ko, ‘Miss na miss na kita, ha?’ Ginaganoon ko. Umiiyak pa rin ako, lalo na pag alam ko na kailangan ko ng desisyon na alam ko na hindi naman pang-babae kundi talagang pang-padre de pamilya.”


Maagang natapos ang production number na kasali si Lorna Tolentino para sa Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy noong September 19 sa SM MOA Arena.

Tuwang-tuwang nakipagtsikahan agad sa backstage si Lorna sa mga kaibigang nadatnan niya sa venue.

Matagal kausap ni LT, palayaw ng aktres, ang Superstar na si Nora Aunor habang naghihintay ito ng cue sa gagawing pagbibigay-mensahe.

Nagkuhanan ng picture ang dalawang aktres na huling nagkatrabaho sa kapapalabas na mystery-drama ng TV5 na Third Eye. Mainstay si Lorna sa weekly drama anthology na ito at nag-guest naman si Nora.

Ayon kay Lorna, maganda ang naging feedback sa episode na iyon ng Third Eye.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal, “Ay, ang ganda! Ang daming feedback!”

Unang pagsasama ito nina Nora at Lorna na direktang magkaeksena sa isang TV drama episode.

Tatlumpung taon na ang nakalilipas mula nang ginawa ng dalawang batikang aktres ang pelikulang Mga Uod At Rosas (1982).

Sabi pa ni Lorna, “Gusto nga nila, magkasama kami kahit sa teleserye… sa pelikula… kahit saan.

“Haping-happy ako na maraming nakapanood—ang daming nakapanood!”

Masaya rin si LT sa naging tagumpay ni Ate Guy sa Venice International Film Festival, kung saan nanalo ang huli ng special critics’ prize para sa pagganap niya sa Thy Womb.

Sambit ni Lorna, “Congratulations! Kasi sobrang galing!

"At maraming salamat, kumbaga, na nandito siyang muli sa industriya natin, di ba?

“Ang tagal niyang nawala... sobra siyang na-miss ng marami.

"At ang ganda ng pagbabalik ni Ate Guy!”



GRATEFUL TO DOLPHY. May pelikula na nagawa si LT kasama ang yumaong Comedy King na si Dolphy, ang The Goodfather (1975).

To Dolphy, Lorna will forever be grateful, lalo’t pinsang buo din niya ang longtime partner ng Comedy King na si Zsa Zsa Padilla.

Tinanong ng PEP si Lorna tungkol kay Zsa Zsa, na sumailalim sa kidney operation sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami ng tao kagabi at mabilisang programa, hindi raw nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ang mag-pinsan.

Sabi ni Lorna, “Textan lang kami parati. Tinatanong ko siya, lalo noon nang nandoon siya [sa Amerika] kung anong findings.

“Timing naman, nandoon din yung mama niya kasama ng mama ko.

“Oo, okey na siya.

"I’m so happy kasi nga, ang finding, hindi na niya kailangan ang CA test yearly.”

Ang CA test, o CA-125 tumor marker test, ay isinasagawa bilang panimulang pag-diagnose sa sakit na cancer.

Si LT naman, regular ang stem-cell treatment para sa rejuvenation ng kanyang vital organs.

“Okay naman, masarap yung pakiramdam,” sabi ng aktres.

“Check ko na lang siya kung naging effective sa akin yung sa hormonal side ko. Pero so far, wala akong back pain.

“Kailangan, yearly nagpapa-check up, e, hindi na puwedeng pabayaan.”



MAXENE AND RENZ. Ikinatutuwa naman ni LT na aktibo na rin sa showbiz ang dalawa nilang anak ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Ang bunso nilang si Renz ay kabilang sa bagong action series sa ABS-CBN, ang Little Champ, with Senator Lito Lapid.

Nali-link din ngayon si Renz kay Maxene Magalona, anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at ni Pia Magalona.

Nangiti si LT at sinabing, “Oo, Magalona-Fernandez... friends lang sila.

“Okay lang, kasi at least, kung anuman... maganda yung friendship ng magkakasama sa industriya. Mas magkakaintindihan.”

Ang panganay naman na si Ralph o Rap-Rap ay may asawa na at isang anak na babae, si Laila Victoria.

Si Laila Victoria ang bundle of joy ngayon ni Lorna T., who doesn’t mind being called "Lola Lorna."

“Haping-happy ako sa apo ko!” bulalas ng aktres.



UNDYING LOVE FOR DABOY. Madamdamin naman ang mga pahayag ni LT pagdating sa kanyang personal na buhay.

Ayon kay Lorna, malayo na sa isipan niya ang pagkakaroon ng bagong pag-ibig o pangalawang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang wala... kasi wala akong panahon!” bahagyang natawang sabi niya.

“Parang okay na ito. Ganito na lang.

"Mahirap pa at saka hindi na ako bata. Ba’t naman ako hahanap ng...

“I mean, ako ang nangangailangan ng pangangalaga.

“Aalagaan ko yung sarili ko, aalagaan ko yung mga anak ko, ang apo ko, di ba?

“Oo. Ito na ‘to, e. Hindi na talaga...”

Sa mga pahayag din ni Lorna, tahasan niyang binabanggit ang tila walang kamatayang pagmamahal sa yumaong kabiyak.

“Siyempre, every day, kinakausap ko yun… bago matulog... paggising...

“Ganun talaga. Minsan, sasabihin ko, ‘Miss na miss na kita, ha?’ Ginaganoon ko.

“Umiiyak pa rin ako, lalo na pag alam ko na kailangan ko ng desisyon na alam ko na hindi naman pang-babae kundi talagang pang-padre de pamilya.”

Gayunman, natutuwa si Lorna sa marami niyang kaibigang may mabubuting wishes para sa kanyang buhay sa ngayon.

“Salamat. Pagdating kasi ng ganitong edad, parang gusto mo, peace and quiet,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN