Mikael Daez makes a mark at his first Cosmo Bachelor Bash appearance

Sa unang pagkakataon ay rumampa ang Kapuso hunk na si Mikael Daez sa Cosmo Bachelor Bash bilang isa sa Top 10 centerfolds. Bagamat kinabahan, sinabihan daw ni Mikael ang mga kapwa niya Kapuso actros na rumampa rin ng ganito: "Guys, minsan lang ‘to. What we have now, yung katawan natin, tanggapin natin and let’s be happy and enjoy lang.”


“Tumatak ba?” nakangiting tanong ni Mikael Daez nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng World Trade Center pagkatapos ng Cosmo Bachelor Bash 2012 noong Martes, September 18.

Isa si Mikael sa Top 10 Centerfolds ng Cosmo ngayong taon, at ito ang unang beses niyang rumampa dito.

Sabi pa ng actor-model, “Yun kasi ang goal ko.

“Feeling ko kasi, yung ibang rumampa, medyo matagal ang rampa nila.

“Sabi ko, ayoko ng matagal kasi bumababa ang energy ng crowd.

“Sabi ko, as long as tumatak ang gagawin ko, okay na ako.

“Noong marinig ko na parang kinilig naman ang crowd, okay na ako.”

Kahit ito ang unang pagrampa ni Mikael sa Cosmo Bachelor Bash, nakitaan na siya agad ng sarili niyang style kung paano pakiligin ang mga manonood.

Hindi naman na ito kataka-taka dahil hindi bago sa kanya ang rumampa o mag-fashion show bilang modelo rin siya.

Pero ayon kay Mikael, kinabahan pa rin siya isang araw bago maganap ang event.

“Yesterday [September 17], kinabahan pa ako.

“Pero nag-usap kami—si Alden [Richards], Pancho [Magno], Enzo [Pineda], Rocco [Nacino], bonding lang kami.

“And, you know, ‘Guys, minsan lang ‘to. What we have now, yung katawan natin, tanggapin natin and let’s be happy and enjoy lang.’”

Bakit siya kinabahan noong Lunes?

“Siyempre, inisip ko, ano ang gagawin ko, ano ang mangyayari?

“Pero noong dumating na, sabi ko, enjoy na lang ako.”

Sa pagkakaalam namin, habang wala pa siyang bagong proyekto noon sa GMA-7, bukod sa pag-attend ng workshops, isa sa ginawa ni Mikael ay ang pagdyi-gym.

Ngayon, masasabi ba niyang sulit ang pagwu-workout niya?

“Worth it naman,” nakangiting sabi niya.

“Although, sa totoo lang, I haven’t been able to gym a lot dahil sa taping.

“But you know, tinanggap ko ang katawan ko as is, I’m happy.

“Kasi, whatever I have now, yun ang ginamit ko papunta kung nasaan ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, you know, enjoy na lang. There’s no point of being sad or nervous.”

Kung sakali raw na alukin siyang muli na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash sa isang taon ay papayag daw siya at mas maghahanda na raw siya.



ANDREA AND MEGAN. Isa sa mga nanood sa Cosmo Bachelor Bash noong Martes ay ang leading lady ni Mikael sa GMA-7 afternoon soap na Sana Ay Ikaw Na Nga, si Andrea Torres.

Nakita ng PEP si Andea na nasa gilid ng stage at matiyagang kumukuha ng mga larawan ni Mikael habang rumarampa ito.

Sabi ni Mikael, “Natuwa naman ako noong makita ko siya.

“Yun nga lang, pabalik na ako noong makita ko siya, kasi hindi ko naman alam kung saan siya naka-puwesto.

“Nakakatuwa naman na nagpunta siyang talaga kasi I personally invited her. I gave the tickets to her.”

Hindi naman sinagot ni Mikael ang tanong namin kung nakita rin ba niyang nanood ang nali-link sa kanya na si Megan Young.

SANA AY IKAW NA NGA. Sa isang banda, masayang-masaya si Mikael dahil sa magagandang nangyayari sa career niya ngayon.

Isa na rito ang mataas na rating ng panghapong serye nila ni Andrea na Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Sobrang happy ako, super!” sambit niya.

“And now, the most challenging part is to maintain it—which is the most difficult part.

“But the thing is, Andrea and I, keep working, buhos lang. And same goes with our team. I love the team, production staff,

"So I really hope na patuloy na suportahan kami ng Pilipinong Kapuso at sana, they really enjoy it until the end.”

Hindi kaya ma-develop into something ang loveteam nila ngayon ni Andrea?

“Malay mo," nakangiting sabi ni Mikael.

“Kasi, sa totoo lang, may sinabi ako na I understand why loveteams become very vulnerable to really becoming real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, pinapayagan mo ang sarili mo na ibigay sa kabila. May bigayan talaga.

“At kami ni Andrea, ibinigay namin, happy naman kami.

“At feeling namin, dahilan din yun kung bakit natanggap ng tao ang Sana Ay Ikaw Na Nga, dahil ipinakita talaga namin kahit sa taping na ibinigay namin yung sa amin, yung sa isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN