Part 1. Bela Padilla admits to being "inspired" by Maxene Magalona’s ex-boyfriend

Nang tanungin ng PEP kung may mutual understanding na sila ng businessman na si Neil Arce, ito ang naging sagot ni Bela Padilla: “Sabihin nating parang ganun, parang very ano lang ako ngayon... medyo inspired, alam mo yun? Kasi two years din ako na naging single so, at least ngayon, medyo mas happy yung paggising ko.”


Isa si Bela Padilla sa mga artistang rumampa sa Bench Universe denim and underwear fashion sa SM MOA Arena noong nakaraang linggo.

Dalawang gabi ginanap ang fashion event na ito at dalawang beses ding nanood ang businessman at poker player na si Neil Arce upang bigyan ng suporta si Bela.

Si Neil ang dating boyfriend ng kapwa Kapuso ni Bela na si Maxene Magalona.

“Opo, two nights po siya nanood, pero with friends.

“And meron din kaming maraming friends na nag-walk sa ramp so actually hindi lang naman ako ang pinanood niya!” natatawang paliwanag ni Bela sa presence ni Neil.

Nakausap ng PEP si Bela sa taping ng Kusina Master last Wednesday, September 19, sa Studio 6 ng GMA Network. Nag-guest si Bela sa cooking show na ito ng celebrity chef na si Boy Logro na napapanood araw-araw bago ang Eat Bulaga!.

INSPIRATION. Kumusta na ba sila ni Neil?

Sagot ni Bela, “Okay naman po.

"Parang kaka-meet ko lang naman sa kanya, mga two months ago, so medyo getting-to-know-you pa lang.”

Bakit ang balita ay sila na raw?

“Na ano po? Wala pa naman.

“Tsaka hayaan natin siya kasi very private person. Actually hindi siya ma-showbiz, very quiet nga, e.

“Kaya minsan, naaawa ako sa kanya kasi ako, showbiz ako, tapos siya quiet lang.

“So I want to leave his life to him, I wanna give that to him.”

Pero hindi maiiwasan na madamay si Neil sa mga balita dahil kilalang artista si Bela.

“That’s true,” pagsang-ayon ng Kapuso talent.

Pero natatawang dagdag niya, “Hindi naman ako sikat, hindi pa naman... hindi pa naman.

“Mga five years from now. O, mga five years from now!

“Hindi pa naman.”

Ano ang stataus nila ni Neil ngayon? May mutual understanding na ba sila?

“Sabihin nating parang ganun, parang very ano lang ako ngayon... medyo inspired, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi two years din ako na naging single so, at least ngayon, medyo mas happy yung paggising ko,” sabi niya.

Sinabihan na ba siya ni Neil ng “I love you”?

“Secret!” tawa ni Bela.



MAXENE MAGALONA. Nagkakilala sina Bela at Neil through some common friends. Pero idiniin ni Bela na wala na sina Neil at Maxene nang nagkilala sila ng businessman.

“A, wala na! Matagal na, parang February pa lang yata break na sila,” sabi ni Bela.

Magkaibigan ba sila ni Maxene?

“Hindi kami… never kaming naging close. Parang hindi naman kami same circle of friends, pero okay naman.

“Actually, nakita ko siya nung nag-plug shoot kami nang sabay for GMA station ID, and okay naman.”

Hindi pa sila nagkasama sa trabaho?

“Hindi pa, never pa. Sana.

"Magaling siyang umarte, gusto ko siyang makatrabaho.”

Sa palagay ni Bela, walang magiging problema if ever maging sila na ni Neil.

“No naman, I don’t think so.

“It shouldn’t be a problem kasi matagal na naman silang nag-break.”



DANIEL PADILLA. Pinsan ni Bela si Daniel Padilla, na sikat na sikat na ngayon sa bakuran ABS-CBN.

Banggit ng Kapuso actress, “Actually, we’re shooting a movie now, yung Kuratong Baleleng, so I was with him lang two days ago.”

Masaya raw si Bela sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Daniel.

“Very happy kasi ano siya, alam mo si Daniel ang pinaka-unassuming person in the world.

“Parang I feel like he doesn’t even think he’s famous, he doesn’t want to put it in his head. And that’s what is nice about him.

“Actually, nakita ko medyo lahat naman ng mga kamag-anak ko ganun, parang hindi naman nila inilalagay sa ulo nila.

“So nakaka-proud kasi ang bata-bata pa ni Daniel tapos ganun kalakas ang impact niya.

“Kasi ako, nakikita ko sa Twitter, e, parang yung mga fans niya, talagang ang lakas mag-support, so nakakatuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And pati kami tini-tweet nila, so nakikita ko, mahal na mahal nila si Daniel.”


KYLIE AND ALJUR. Naitanong din ng PEP kay Bela kung boto ba siya kay Aljur Abrenica para sa pinsan din niyang si Kylie Padilla.

“Hmmm… eleksyon na pala, kasi kailangan may botohan!” natatawang biro niya.

“Hindi ko alam. Bahala sila sa buhay nila!

“Mabait naman si Aljur, kasama rin namin siya sa Kuratong Baleleng and si Kylie also.

“Sa Viva Films yung movie and Tito Robin’s new production, I think Robin Padilla Production, something like that.”

ACTION STAR. Ano ang role niya sa pelikula?

“Killer po ako dito, and first time ko na mag-action na medyo hardcore.

“And yung mga weapons namin, talagang balisong, armalite... mga ganun.”

May mga stunts din si Bela sa movie at si Angelina Jolie raw ang peg niya for her role.

“Kasi ako yung sexy, si Kylie yung mas boyish, so tingnan natin.”

Kuwento pa ni Bela about their movie, “Pag nagsu-shooting kami, very relaxed kasi puro pinsan ko yung mga kasama ko, so parang hindi kami nagtatrabaho.

“Para lang kaming naglalaro sa set, actually.”

HAPPY AS A KAPUSO. Dating taga-ABS-CBN si Bela at lumipat sa GMA-7? Masaya ba siya na lumipat siya ng network?

“I’m more than happy, I’m ecstatic!”

Pero dagdag niya, “I don’t forget what Star Magic has done for me.

“Feeling ko, I wouldn’t be who I am right now if not for the training they gave me.

“Parang they armed me, I feel prepared because of the workshops they gave me before and the opportunity also.

“And sila yung unang nakakita sa akin ng parang value ko, and they made me realize na I can be this also.

“Kasi parang I’ve always lived under the shadow of my uncles, ganyan, so hindi ko man lang na-realize before na puwede din pala akong mag-artista.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN