Faithfully director Mike Tuviera to transfer to TV5; will be directing first teleserye of Derek Ramsay

Tatapusin lang daw ni Direk Mike Tuviera ang Faithfully at pagkatapos ay lilipat na siya sa TV5 kunsaan pumirma siya ng kontrata sa loob ng dalawang taon, magkakaroon ng creative position, at magdidirek ng unang teleserye ni Derek Ramsay sa Kapatid network.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Mike Tuviera sa mismong taping ng kanyang huling teleserye sa GMA-7 na Faithfully noong Lunes, September 17.

Huling teleserye na ni Direk Mike ang Faithfully sa Kapuso network dahil isa na siyang Kapatid.

Hindi naman daw ito inililihim ni Direk Mike. Umpisa pa lang daw, naging tapat na siya sa mga plano niya.

Dahil ba may shows din sa TV5 ang pag-aari ng pamilya nila na APT Entertainment, Inc. at TAPE, Inc. kaya siya lilipat?

“No, no… Actually, ang TAPE, nasa Seven pa rin, and they are still under contract.

“Actually, wala akong masasabi sa Channel 7, they took good care of me.

“At this point in my career, there are rooms lang talaga for growth na ino-offer nila. Yun lang talaga,” patuloy ni Direk Mike tungkol sa lilipatang TV5.

“And it wasn’t a big secret, hindi siya conspiracy or anything. Noong February pa lang, nagpaalam na ako, sinabi ko na.

“Hindi pa ako nagde-decide nun. Pero noong malaman ng dalawang network na 2012 matatapos ang kontrata ko, sila na po ang lumapit sa akin. ‘Tapos, sinabi ko agad.”

Ang dalawang network na tinutukoy ni Direk Mike ay ang ABS-CBN at TV5.

Pero bakit sa TV5 siya lilipat?

“Sa Five lang po kasi nagka-offer ng creative na position. Yun pa naman ang pinakaano ko talaga. Yun ang pinakagusto kong gawin.

“Kasi, I started as a writer. So, yun ang parang name-miss ko.

“I’m not going to stop directing, pero, name-miss ko lang talaga yung involved ka run sa brainstorming, sa creative. So, yun ang medyo nag-edge talaga.”

IT’S NOT ABOUT THE MONEY. Dugtong pa niya, “Actually, I was very transparent. Palagi kong kausap sina Ms. Redgie Magno, palagi kong kausap si Ma’am Lilybeth [Rasonable]. Sabi ko, it’s not about the movie,” banggit pa niya sa GMA-7 executives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi iniisip palagi ng marami kapag TV5, ‘Ay, pera ‘yan!’

“Pero, kapag na-compare naman po lahat, it’s even out naman. Kumbaga, kung gusto ka talaga ng isa, magma-match naman yun.

“So, kumbaga, in terms of money, kung yun ang basehan mo, mahihilo ka talaga. Kasi, nagpapare-pareho lang talaga.”

Inamin naman ni Direk Mike na may naging offer din ang GMA-7 sa kanya na muling mag-renew ng kontrata.

Pero sabi niya, “Noong kinausap nila ‘ko, wala talaga silang maibibigay sa akin na creative position and I understood that. And I have the highest respect po sa creative group ng GMA.

“So, wala po talaga akong masasabi sa kanila. So, I completely understood that.

“Sa laki ng creative group ng GMA at sa ganda ng record nila, hindi naman nila puwedeng sirain yun or ano lang, di ba? So, parang sabi ko, baka ito ang sign para sa akin.”

Walong taon din daw sa primetime si Direk Mike at mula nang mag-umpisa raw siya sa TAPE, lahat ng ginawa niya ay sa GMA kaya tumagal din siya sa Kapuso ng 16 na taon.

Gusto rin niyang sumubok ng bagong environment?

“Yeah, pero sa akin din po kasi, hindi ko nga naiisip na para talagang aalis ako. Kasi sa frame of mind ko naman, hindi yung pababagsakin ko kayo. Hindi ganoon, e.

“Parang, sabi ko nga, 16 years akong Kapuso at hindi naman maaalis yun.

“I will still be a fan of the Kapuso shows. Some of my best friends sa industriya po e nandito pa rin—sina Marian [Rivera], sina Dong [Dingdong Dantes].

“So, kahit nga po saan ako magpunta, kahit mag-freelancer ako, sila pa rin.

“Some of napamahal na crew and staff, yun po, hindi mawawala yun.”

Pero ayon kay Direk Mike, may makakasama rin daw siyang grupo niya na lilipat ng TV5. Ito yung mga kasama niya lang sa directing staff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTION-PACKED ENDING. Natutuwa naman si Direk Mike na magkakaroon na ng finale sa October 5 ang huling teleserye niya sa GMA-7 na Faithfully.

“Opo, I was very proud naman na from Good Daughter, Faithfully, number one siya.

“Yung Good Daughter, broke records sa afternoon. So, very, very proud kami.”

Ang Good Daughter ang afternoon series na pinamahalaan ni Direk Mike na pinagbibidahan ni Kylie Padilla. Katulad ng Faithfully, naging mataas din ang rating ng nasabing show.

“I’m also proud that I’m ending, at least, for this part of my GMA career, I’m ending it with the best staff I had, sina Ms. Carol Galve...

“Parang tama rin, naramdaman ko na may sign na, ‘Sige, subukan mo muna ‘to.’ So, parang feeling ko, kung hindi ko kunin ang opportunity na ‘to, mag-regret lang ako,” sabi Direk Mike tungkol sa offer sa kanya ng TV5.

“And ganu’n ako, e. I’m very conservative.

“Masaya ‘ko kung nasa isang network ako for the rest of my career, ok lang sa akin yun.

“Pero, paminsan-minsan, kapag meron akong nakitang sign… Like, noong mag-master ako sa Amerika, seven years akong director noon.

“Ayoko sanang umalis. Pero noong makita ko ang sign na tinanggap ako sa school na sabi ko, wala pang Filipino na natatanggap dun, na nakakapasok, sa University of Southern California, tinigil ko ang pagta-trabaho ko.”

Sa Faithfully, dapat daw abangan ang ending nila.

Aniya, “Very action-packed ang ending niya. From this house hanggang sa bundok. Napakaganda ng ending. Karir na po talaga ang ending. Hindi siya yung typical ending pero, happy ending pa rin naman.

“At saka sabi ko sa kanila, basta maa-anticipate ang ending, ayoko na nun.”

Garantiya ni Direk Mike, hindi mahuhulaan ng mga manonood ang ending ng afternoon teleserye.

“Ay hindi, kahit ako, hindi ko ma-anticipate ang ending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong binasa namin, ay ang ganda! Ay ang hirap! Pero naplano naman namin nang maayos.”


DIRECTING DEREK’S FIRST. Mismong si Direk Mike naman ang nagkumpirma sa PEP na ang una niyang teleserye na gagawin sa TV5 ay ang unang teleserye na pagbibidahan ni Derek Ramsay. Ayaw pang magsabi ni Direk Mike ng mga detalye ng naturang serye tulad ng title at iba pang cast.

Pero napag-alaman naman ng PEP na posibleng si Nadine Samonte ang magiging leading lady ni Derek sa kanyang unang primetime series sa TV5.

Dalawang taon lang daw muna ang pinirmahang kontrata ni Direk Mike sa TV5.


TELLING KAPUSO FRIENDS OF TRANSFER. Nangiti ito nang sabihin ng PEP na mami-miss siya, lalo na ng mga artistang naging malapit sa kanya sa Kapuso network.

Sabi naman niya, “Yung mga ka-close ko, talagang kinausap ko, binisita ko. Sina Dingdong, Dennis [Trillo], Marian, nalungkot.

“Kasi, I’m a very private person. Actually, this is the first time I’m speaking to the press about it.

“Hindi nila alam, wala silang clue. Hindi ako nag-tweet about it, Facebook, wala.

“So, noong sinabi ko sa kanila, sinabi ko kay Dingdong, sabi ko, ‘Pare, may sasabihin ako sa ‘yo.’ Si Dennis naman, sobrang bagsak ang mukha.

“Kasi, yung relationship namin, hindi lang director-actor, naging close na rin kami kung ano yung pinagdaanan namin,” saad ng direktor.

May gagawin naman daw sila ni Dennis na indie movie at nakumpirma na rin ni Direk Mike na sila rin ni Dingdong, may gagawin sa APT Films.

“Malaki yun!” excited na bulalas ni Direk Mike. “Ayoko na munang isipin yun. Malaki po yun at kapag na-announce na namin at nakita namin sa presscon, malalaman niyo na, ‘Yun ang sinasabi mo Direk, ang laki!’”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Marian sa paglipat niya?

“I’m very close to Marian. So, kinausap ko na rin siya. Parang kapatid ko na rin ‘yan kasi, tatay-tatayan niya ang daddy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko sa kanya na, ‘Yan, magpapaalam lang ako nang maayos sa ‘yo.’

“Very understanding naman si Marian at sabi nga niya, ‘Naku, Direk, that’s your career and I respect whatever your decision is.’

“Gumaganun naman siya at sabi ko, ‘Maraming salamat, Yan.’

“Nalungkot siya, pero yun, sabi ko, ‘Bilog ang mundo. Hindi natin alam ang mangyayari,’” bilin pa raw niya kay Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN