Anne Curtis says there is “conscious effort” to make A Secret Affair different from No Other Woman

Inamin ni Anne Curtis na mayroong “conscious effort” na gawing kakaiba ang upcoming film niyang A Secret Affair, mula sa pelikula niya noong nakaraang taon na No Other Woman. Ganun man, mas “relatable” daw para sa mga kahenerasyon niya ang bagong pelikulang kanyang ginagawa.


May “conscious effort” para kay Anne Curtis na maiba ang kuwento ng upcoming film niyang A Secret Affair mula sa box-office film niya na No Other Woman noong isang taon.

Kasama ni Anne sa A Secret Affair sina Derek Ramsay at Andi Eigenmann.

Saad ni Anne, “Yes, it’s a very, very conscious effort especially this is right after, I mean, next in the Philippines.

“So parang I have to be very conscious about it, especially I’m working with Derek.

“So people might compare, people might think this is a sequel or something, di ba?”

Kasama rin kasi ni Anne sa No Other Woman si Derek.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa pictorial ng A Secret Affair sa Makati City noong September 21.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, mas “relatable” ang mga linya sa A Secret Affair kumpara sa No Other Woman.

Paliwanag niya, “This is more of the situation I guess, yes, may mga linyang straight to the heart.

No Other Woman kasi is more of line kung line, so talagang statement.

“Ito, it’s more of the lines na, ‘Ay, I’ve said that before!’”



20 MOST INFLUENTIAL CELEBRITY NETIZENS. Samantala, inalam din ng PEP ang reaksiyon ni Anne tungkol sa listahan ng “20 Most Influential Celebrity Netizens” na inilabas ng YES! Magazine.

Bagamat kasama sa listahan si Anne, wala siya sa Top 5.

Habang ginagawa ang nasabing listahan, mayroon nang 3,375,293 followers si Anne sa Twitter, kumpara sa nag-number one sa list ng YES! na si Lea Salonga na mayroon lamang 1,163,706 followers.

Gayunman, nilinaw ng YES! na ang resulta ng listahan ay base sa findings ng Klout, kung saan inaalam nila kung gaano kalaki ang impluwensiya ng isang tao sa mga netizens base sa ilang pamantayan.

(CLICK HERE for related article.)

Para kay Anne, “hindi issue” kung hindi man siya ang nanguna sa naturang listahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking karangalan na raw na manguna siya sa listahan ng YES! Magazine’s “10 Best-Dressed Stars” noong March 2012 issue at “100 Most Beautiful Stars for 2012."



NATIONAL PEACE AMBASSADOR. Samantala, noong Setyembre 14, isa si Anne sa mga personalidad na itinalaga ni President Benigno “Noynoy” Aquino III bilang National Peace Ambassador.

Ilan pa sa mga itinalagang peace ambassadors ay sina Christian Bauitista, Apl.de.Ap, Epy Quizon, Gloc-9, Ramon Bautista, Megan Young, Mikael Daez, at Gerald Anderson.

Ang pagkakatalaga kay Anne bilang ambassadress ay nakikita niya bilang isang “responsibility” at hindi isang “achievement.”

Aniya, “I’m so happy and honored.

“It’s actually… I wouldn’t say it was an achievement, it’s more of a responsibility and that’s where my dedication to our country and youth comes in—most especially to the youth.

“We’re given the responsibility of how all of us could come up with our own campaign and how we can reach out to the youth.

“So each one of us has our own thing that we’re gonna do that market to the youth and how they can have social awareness about peace.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN