Barbie Forteza says she has no right to give an opinion about controversy involving fellow tween Bea Binene

Isinasantabi na lang ni Barbie Forteza kung ano man ang mga hindi totoong isyu na ibinabato sa kanya. Sabi niya: “E, showbiz naman ‘to. Marami tayong isyu na hindi natin alam. Ako nga, marami akong isyu na hindi ko alam, ganoon pala ‘ko. Pero, hindi ko po alam.”


Pagkatapos mapanood sa Book 2 ng Luna Blanca, naghahanda na si Barbie Forteza para sa pagbibidahan niyang bagong primetime series, ang Mariposa.

Si Derrick Monasterio muli ang makakapareha ni Barbie rito.

Mukhang dire-diretso na talaga ang tambalan nila ni Derrick?

“Oo nga, e," nakangiting sabi ni Barbie.

“Palaging sinasabi ko, binibiro ko nga si Derrick, ’Dapat yung tinginan natin, malalagkit, para mag-work ang loveteam natin.’

“Ang saya kasing biruin ni Derrick, hindi kasi siya pikon—kuwela talaga siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa backstage ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break kagabi, September 23.

Nag-guest si Barbie sa show bilang partner ng protégé na si Ruru Madrid sa isang production number.

JOSHUA DIONISIO. Nalaman din ng PEP mula kay Barbie na ang orihinal niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio ay hindi naman lilipat ng ibang network.

Talagang tinatapos lang daw muna nito ang high school dahil nasa fourth year na ito at graduating pa.

Sabi ni Barbie, “Nag-aaral po siyang talaga. Tatapusin niya po.

“Kasi po, parang nanghihinayang po ang magulang ni Joshua na parang i-home study pa, e, last year na ng high school.

“So, parang gusto nila, mag-focus talaga at mag-concentrate talaga sa studies niya.”

Yun nga lang, yung nabuo nilang loveteam ay tila nawala na.

“Depende naman po sa mga fans yun,” sabi naman ni Barbie.

“At saka yun nga po, kung sakali man bumalik siya rito, baka naman po may ibang plano sa kanya ang network.”

GAME FOR ANY ROLES. Kung sakali, okay ba kay Barbie na balikan ang loveteam nila ni Joshua ngayong sila na ni Derrick ang ipinapareha?

“Opo naman,” sagot ng dalagita.

“Ako naman po, kahit na ano ang ipagawa sa akin.

"At saka, kung anuman po ang balak sa akin ng network, may tiwala naman po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na gawin akong negra o higad o paru-paro, okay lang sa akin.”



BEA BINENE. Hiningan din ng PEP ng komento si Barbie sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kapwa niya Kapuso tween na si Bea Binene.

Inuugnay kasi ngayon si Bea sa radio jock na si Dan Christian Villanueva o Papa Dan.

May report kasing lumabas sa isang daily broadsheet na inireklamo raw ng ina ni Bea na si Mrs. Carina Binene si Papa Dan ng pamba-blackmail, pangha-harass, at pagkakalat ng tsismis tungkol sa 14-year-old Kapuso actress.

Pero itinanggi na ng ina ni Bea na wala itong katotohanan.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Barbie, “Kung sakali man po na may nasabi sa akin si Bea, wala naman po ako sa lugar para isiwalat pa yun.

“Basta kami po ni Bea, okay kami at wala naman akong karapatang magsalita sa kahit na anong isyu ni Bea.

“Isyu ni Bea yun, baka masali pa ko, kaya na niya yun.”

Naniniwala ba siya sa isyu?

“E, showbiz naman ‘to. Marami tayong isyu na hindi natin alam.

"Ako nga, marami akong isyu na hindi ko alam, ganoon pala ako. Pero hindi ko po alam.

“Kilala ko naman po si Bea na sa dinami-rami ng pinagsamahan naming shows, tough po talaga si Bea.

“So, kung sakali man na isyu lang po yun, malalagpasan at malalagpasan din po yun nila Bea.

“At saka imposible, ang bata ni Bea.

"Basta sa akin, hindi talaga ako naniniwala at sa pagkakakilala ko kay Bea, hindi niya gagawin.”

Nakikita ba niyang naaapektuhan si Bea sa isyung ito?

“Actually hindi, kaswalan lang naming napag-uusapan.

"Kasi nga, hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga ganoong isyu.

“Bigla lang na hindi na namin natagalan ang topic na yun dahil, as in, wala lang—isyu lang talaga.”

May personal na rin ba siyang karanasan na may nag-i-stalk sa kanya o mas matanda sa kanya na nai-in love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, hindi ko alam… wala. Kasi hindi ko rin naman ine-entertain masyado.

“At saka ang mga nangungulit kasi sa akin nang madalas, yung mga JoshBie [Joshua-Barbie] fans.

“Palaging nagtatanong sa Twitter, pero yung nai-in-love… wala, wala talaga!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN