Lani Mercado hopes Jodi Sta. Maria is spared from possible "clash" in Cavite between Jolo Revilla and brother of Pampi Lacson

Ito ang pahayag ng actress-politician na si Lani Mercado sa napipintong paghaharap sa pulitika ng anak na si Jolo Revilla at ng anak ni Senator Ping Lacson sa susunod na eleksyon: "Hindi naman ito personalang labanan. It is in the spirit of politics kaya nagkakaroon ng ganitong sitwasyon, na may lumalaban. We have accepted the fact na may lalaban at lalaban kay Jolo. Pero sana, patas lang ang labanan."


Engrande ang naging birthday party ni Senator Bong Revilla sa Diamond Hotel kagabi, September 24.

Hindi mahulugang-karayom ang malaking function hall ng hotel sa dami ng dumagsang mga bisita.

Gaya ni Senator Bong, sobrang saya rin ng misis niyang si Congresswoman Lani Mercado dahil dagsa ang mga kaanak nila at kaibigan, at maging mga malalapit sa kanila mula sa mundo ng showbiz at sa larangan ng pulitika.

“Kung masaya siya, doble rin ang saya ko,” masiglang pahayag ni Lani sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“Natutuwa siya kapag nakikita niyang maraming pumupunta sa kanyang kaarawan, lalo na yung mga espesyal sa buhay niya.

“Ang wish ko for him is magkaroon siya ng kalakasan at kalusugan para magampanan niya ang lahat ng responsibilidad sa darating na taon.

“Sana maging maliwanag sa kanya ang mga bagay-bagay.

"Bilang mentor namin sa larangan ng pulitika, kailangan nandun yung knowledge at liwanag ng pag-iisip.”

Ngiti ang unang naging reaksiyon ni Lani sa birthday wish ni Senator Bong, na hangad nitong manalo ang kanilang anak na si Jolo Revilla, sa pagtakbo nito bilang vice governor ng Cavite, at maging sa re-election ni Lani bilang congresswoman.

(CLICK HERE to read related story.)

“Alam n’yo naman na siya lagi ang gumagabay sa amin, e. Siya yung itinuturing namin na campaign manager.

“Kung matatandaan ninyo, 2010 election, he left thirty days of his campaign [sa pagka-senador] para lang tumutok sa amin.

“Ngayon, mas iba ang sitwasyon dahil anak na namin ang isa sa mga tumatakbo,” saad ng actress-politician.

SUPPORT FOR JOLO. Bilang ina, ano ang nararamdaman ni Lani na desidido nang pumalaot sa mundo pulitika ang anak na si Jolo?

“Well, nandiyan yung hamon na tumulong sa anak ko. Hindi namin siya siyempre pababayaan.

“At nakikitaan talaga namin siya ng pagmamahal at passion pagdating sa paglilingkod sa mga kababayan namin sa lalawigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Among my kids kasi, bata pa ‘yan, siya ang nakikitaan talaga namin ng hilig sa pakikisalamuha sa tao.

“And he started from the ranks. Biro mo, barangay captain… siya talaga ‘yong Idol Ko Si Kap. Siya yung naging Kapitan.

“Kasi si Bong, sa series lang, e,” patungkol ni Lani sa ginampanang papel ni Bong noon sa comedy series ng GMA-7 na Idol Ko Si Kap.

Patuloy niya, “Si Jolo, talagang ginampanan niya yung pagiging barangay captain.

“Tapos nakasalamuha pa niya yung lahat ng barangay captains nationwide kasi naging executive vice president siya ng Liga ng mga Barangay Captains.

“Alam mo, bago naman pumasok si Jolo sa isang bagay, pinag-aaralan naman niya nang husto.

“Kaya naging board member siya ng lalawigan ng Cavite, kasi siya yung representante sa Sangguniang Panlalawigan ng mga Kapitan o ABC [Association of Barangay Captains].

“So he learned the ropes. He has a very good relationship with our governor [Jonvic Remulla].

“Kaya, since nakitaan namin na talagang gusto niya, siya yung lumapit sa amin at nagtanong.

“Ang payo namin, ‘Umikot ka muna at magtanong sa mga kababayan natin. Kasi mahirap yung gusto mo, tapos ayaw naman ng mga tao.’

“So, umikot talaga siya. Tapos pinush niya ang dapat para sa mga barangay officials.”

POLITICAL RIVALRY. Nagkakaroon ng intriga ngayon tungkol sa balitang napipintong pagtatapat sa pulitika ng lalawigan ng Cavite ng pamilya Revilla at pamilya Lacson, na pinamumunuan naman ni Senador Ping Lacson.

Posible raw kasing makalaban ni Jolo bilang bise gobernador ng Cavite sa 2013 elections ang anak ni Senator Ping na si Ronald Jay Lacson.

Si Ronald Jay ay kapatid ni Pampi Lacson, ang nakahiwalayang asawa ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Nauugnay ngayon si Jodi sa anak nina Lani at Bong na si Jolo.

Ano ang masasabi ni Lani tungkol sa pagtatapat ng pamilya Revilla at pamilya Lacson—hindi lang sa pulitika kundi pati na rin sa buhay pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng actress-politician, “Ayokong isipin sa gano’ng larangan.

“Kasi iba ang pag-ibig, iba rin ang pagiging lingkod-bayan.

“So ang relationship namin with Senator Ping, I hope, is intact.

"Hindi naman ito personalang labanan. It is in the spirit of politics kaya nagkakaroon ng ganitong sitwasyon, na may lumalaban.

“We have accepted the fact na may lalaban at lalaban kay Jolo. Pero sana, patas lang ang labanan."

Dagdag pa ni Lani, “Walang kinalaman si Jodi rito. I hope not. Kawawa naman si Jodi.

“Wala pa si Jodi sa buhay ni Jolo, si Jolo has been a public servant already.”

JOLO-JODI RELATIONSHIP. Ano nga ba ang estado ngayon ng relasyon nina Jolo at Jodi? Wala kasing kumpirmasyong naririnig mula sa dalawa.

“Naku, alam mo, mahirap akong mag-comment!” nangiting sagot ni Lani. “Mas mabuting silang dalawa talaga ang kausapin ninyo.”

Umamin si Jodi sa isang panayam ng The Buzz na “inspirasyon” nito si Jolo, pero hanggang doon na lang daw ang puwedeng masabi ng aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi naman ni Lani tungkol dito, “Well, let’s take it from there.

"Let’s respect Jodi kung anuman yung sinabi niyang mga salita.

“And let’s take it from there.”

Kagaya ni Jodi, marami na ring pinagdaanan si Jolo pagdating sa pag-ibig. Nabigo na rin ito sa ilang mga naunang pakikipagrelasyon at nagkaanak pa nga sa pagkabinata.

Bilang ina, ano ang nagiging advice ni Lani kay Jolo kaugnay ng usaping pampuso?

“I think the best… ang pag-ibig kasi hindi mo masabi kung ito na nga o siya na nga.

“Kung sinuman ang mamahalin niya, sana mahalin din siya.

“Sana pareho silang maging careful sa kanilang mga puso.

“Matagal ko nang kilala si Jodi… matagal ko na siyang kakilala.

“Sinabi ni Jolo, kasi parehas kami ng ugali [ni Jodi].

“Basta ang masasabi ko lang kay Jodi, thank you sa pagsuporta niya kay Jolo sa lahat ng larangan—mapa-showbiz at mapa-pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know what’s in her heart.

“Ano lang, I’ll just pray for her… I’ll just pray for her.

“Malaking hamon para sa kanilang dalawa ito. Basta ipinapanalangin ko silang dalawa.

“Ayoko nang magsalita! Tama na!” pabirong pag-iwas na ni Lani na matanong pa tungkol kina Jolo at Jodi.


BE CAREFUL WITH HIS HEART. Natawa ulit si Lani sa hirit na tanong na paano kaya kapag nagkatuluyan sina Jolo at Jodi.

Hindi pa kasi yata annulled ang kasal ng aktres sa asawa nitong si Pampi?

“Alam mo, ayokong pag-usapan ‘yan, e.

“Kasi nung nagsisimula ‘yan, sinabihan namin siya [Jolo] na, yun nga, be careful with his heart.

“Pero alam mo, hindi ko madidiktahan ang puso ng anak ko, e, katulad ng mga nakaraang pag-ibig sa buhay niya.

“Nandiyan lang kami bilang mga magulang para pagsabihan siya at gabayan. Pero para panghimasukan, hindi.

“Masakit kapag nakikita mong nasasaktan din at pinipigilan ng anak mo yung pag-ibig.

“E, matanda na siya. Alam na niya ‘yon.”

Pero sa tingin niya, masaya naman ngayon si Jolo?

“A… nakikita ko sa kanya na masipag siya. Inspired siya.”

Parang sila ni Senator Bong na inspired sa isa’t isa?

“Inspired na inspired talaga kami!” sabay tawa ni Lani.

LUNA BLANCA. Nasa ikatlo at huling yugto na ang fantasy-drama series ng GMA-7 na Luna Blanca, kung saan gumaganap si Lani bilang ina nina Bianca King at Heart Evangelista.

After this, will she be entertaining another project?

Sabi ng aktres, “Hindi ko pa alam after Luna Blanca kung ano ang darating.

"Kasi pag-file namin ng candidacy, may cut-off na kami sa paggawa ng mga projects sa telebisyon.

“So, iyon ang titingnan muna natin, kung ia-allow pa kami ng panahon na gumawa pa ng soap opera o kahit na anong guesting man lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN