Nikki Valdez still "very much inspired" even without a life partner

Nikki Valdez on her experience as song interpreter at A Song of Praise (ASOP) Music Festival Songwriting Competition: “Ang gagaling ng mga interpreter na kasama ko, ang gagaling talaga nila, kaya ako ninenerbiyos. Tapos ngayon lang ako ulit kakanta—sa Araneta pa!”


Itinanghal si Nikki Valdez bilang Best Interpreter sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival Songwriting Competition ng UNTV na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last September 24.

Bukod sa panalong ito ni Nikki, ang entry song niyang “Purihin Ka Hanggang Sa Kailanman,” na likha ni Annalyn Altejos, ay nanalo ring first runner-up sa Song of the Year category.

Ang itinanghal na Song of the Year ay ang “Purihin Mo Ang Dios, Oh Pilipinas,” na komposisyon ni Anton Estrella Jr. at inawit ni Gail Blanco.

Nanalo ng kalahating milyong pisong premyo si Anton, samantalang si Nikki ay nagwagi naman ng P50,000 bilang Best Interpreter.

Halos hindi makapaniwala si Nikki sa natamong tagumpay nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Smart Araneta Coliseum.

Aniya, “Nagulat talaga ako, sabi ko, ‘May award bang ganoon?’"

Pero hindi na kataka-taka ang pagwawagi ni Nikki dahil nagsimula naman talaga siya bilang isang singer.

Sabi niya. “Bale nagkaroon ako ng dalawang albums before.

“Nag-launch ako ng unang album ko noong year 2000, may Christmas album kami before, at bale itong sa ASOP ang third ko.”

Ang binabanggit ni Nikki ay tungkol sa compilation album ng 12 grand finalists ng ASOP Music Festival na ni-release ng Universal Records.

Handa na rin daw siyang maging interpreter ulit sa susunod na season ng patimpalak na ito para sa mga aspiring amateur composers.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, asam ni Nikki na mabuhay muli ang singing career niya pagkatapos nito.

“Nagpapasalamat ako sa ASOP dahil nabigyan ako ng pagkakataon na gawin ito at kumanta ulit.

“Nang una kong narinig ang kanta, tinamaan talaga ako, and parang meant to be talaga na ipakanta sa akin iyong song.

“Noon pa lang weekly finals at monthly finals ay iyak ako nang iyak, pero ngayong gabi ay talagang pinigilan kong umiyak,” saad niya.



STIFF COMPETITION. Matitindi at premyado ang mga singer/interpreter na nakalaban ni Nikki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ilan sa mga tinalo ni Nikki bilang Best Interpreter ay sina Kyla, Faith Cuneta, Jeffrey Hidalgo, Gian Magdangal, Aia de Leon ng Imago, at Jayson Fernandez ng Rivermaya.

Dahil sa pagkapanalong ito, masasabi bang kinabog niya si Kyla?

“Ay!” patiling reaksiyon ni Nikki.

“Wala naman po sigurong kabugan, lahat naman kami ay magkakasama sa industriya, e.

“And all I wanted to do tonight is to send a message to everyone— ipakalat ang salita ng Diyos.

“It’s a songwriting contest naman po, gabi po nila [songwriters] ito, and kami po ay tagahatid lang ng balita at nagpapasalamat ako na nagawa ko ito nang tama.

“Pero totoo po, ang sikip ng kumpetisyon at nagulat talaga ako.

“Ang gagaling ng mga interpreter na kasama ko, ang gagaling talaga nila, kaya ako ninenerbiyos.

“Tapos ngayon lang ako ulit kakanta, sa Araneta pa!

“And sa palagay ko, nandoon talaga ang guidance ni Lord kaya ko nagawa ito.”

Ang A Song of Praise (ASOP) Music Festival Song Writing Competition, na idea nina Daniel Razon at Brother Eli Soriano, ay isinagawa upang magbigay papuri sa kadakilaan ng Diyos at magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa lahat ng tao.



NO LOVELIFE BUT INSPIRED. Tungkol naman sa kanyang lovelife, hiwalay na si Nikki sa asawang si Christopher Lina noon pang latter part ng 2010.

Para sa kanya, kahit walang lovelife ay inspired pa rin siya at kabilang ang kanyang four-year-old daughter na si Olivia sa rason nito.

“Wala po akong lovelife, anak lang muna. Pero of course, very much inspired pa rin ako.

“Never akong nag-stop ma-inspire dahil iba-iba naman ang inspirations sa buhay, e.

“Hindi naman kailangan na isang tao lang iyon, di ba?” sabi ng Kapamilya actress-singer.

Nagkaroon ba siya ng trauma sa lalaki dahil sa sinapit ng kanyang marriage?

“Actually, part na rin iyan kaya medyo nag-slow down ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung darating ang panahon na mabibigyan ako ng partner, okay lang, pero for now ay hindi talaga ito ang priority ko.”



SUPPORTING ROLES. Tungkol naman sa kanyang career, kuntento na ba siya sa mga kadalasang natotokang role sa kanya bilang kaibigan, kabarkada, o officemate ng mga bida?

“Okay lang naman iyong ganoon, as long as may trabaho.

“But you know, I hope na darating din iyong time na mabibigyan din ako ng chance.”

Umaarangkada ngayon ang acting career ni Jodi Sta. Maria dahil sa magagandang break na ibinibigay rito. Gusto rin ba ni Nikki na maging tulad ni Jodi?

“Oo naman po, friend ko ’yang si Jodi and I’m very, very proud sa nagagawa nila.

“Kasi, maganda naman talaga iyong palabas nila [Be Careful With My Heart], kaya I’m very, very happy for her.

“At sana, kung mabibigyan din ng ganoong chance, why not, di ba?”

Si Nikki ay napapanood sa afternoon soap na Kung Ako’y Iiwan Mo ng Kapamilya network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN