Phoemela Baranda does not hide having undergone breast reduction

Nakilala si Phoemela Baranda noon sa Extra Challengeng GMA-7 kasama si Paolo Bediones. Natuwa si Phoemela sa balitang ibabalik ang show with Richard Gutierrez and Marian Rivera as hosts. Sabi niya, “Talaga?! Oh, I’m happy! Wow! I’m happy for them because Extra Challenge is such a nice concept for a Filipino TV show.”


Nagpa-presscon kahapon, September 25, ang Belo Medical Group sa Annabel’s restaurant para sa kanilang mga bagong endorsers, kabilang na si Phoemela Baranda.

Dito inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phoemela tungkol sa pagpapaayos niya ng dibdib noon.

Ayon TV reporter-model, “Actually, the first one kasi is mga five-six years ago… kay Dra. Vicki [Belo] rin, model pa lang ako noon.

“It’s just that medyo mataba pa yata ako noon.

"I had it, a smaller cc [volume] lang, no other reason, gusto ko lang ng smaller cc.

“Oo, kasi parang hindi ko masyadong ano… hindi ko carry yung big ano…

“So, gusto ko pa rin may pagka-model pa rin yung dating, kasi nagmo-model pa rin naman ako.

“Iyan na siya. Belo ako ever since.

"Because before, it’s 300 something cc and that was too heavy for me.

“Parang nag-ano siya, hindi na masyado, for me, ha? Hindi iyon yung gusto kong size—personal yun.”



SIZE REDUCTION. Size 34C daw ang bustline ni Phoemela noong unang nagpa-breast reduction siya, at matapos itong bawasan ay naging 34B na lang.

“Kasi siyempre, endorser ako. So parang ano ko na yun… personal ano ko na yun.

“Nagpalagay. Tapos pareho lang ng silicon, iba lang yung size.”

Two years ago ay medyo pinabawasan niya ang sukat ng kanyang dibdib.

“Oo, kasi para pumayat ako ulit… iyon lang, pero it’s all my decision.

“Si Dra. kasi, si Dra. Caparas, e, ano ka naman, happy naman ako sa size na ‘yan, pero nagmo-model lang ako, so…"

Sino si Dra. Caparas?

“Yung mga doctors kasi with Belo, they have certified doctors. Kasi, hindi naman lahat si Dra. Belo.

“Kaya sila sa Belo Medical Group kasi, they get all the talagang magagaling.

"So, si Dra. Belo also, of course, siya yung nagko-consult.

“Yung first nga, sila Dr. Caparas pero you can also… marami silang mga doctors doon,” tuloy niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pang mga bagong endorsers ng Belo Medical Group ay sina Jennylyn Mercado, Coco Martin, at Grace Lee.

Tinanong ng PEP kung bakit hindi na siya naulit mag-model sa FHM.

Sabi niya, “Yeah, madaming beses na… my God, 2009 yata!

“A… siguro kasi sa news na ako, hindi na ako masyadong bagay.”



EXTRA CHALLENGE. Ano ang existing shows ni Phoemela?

“I’m on ANC [ABS-CBN News Channel], Cityscape, tapos The Buzz.”

Noong nasa Kapuso network pa si Phoemela ay naging host siya ng Extra Challenge with Paolo Bediones.

Hiningan namin ng reaksiyon si Phoemela tungkol sa pagbabalik ng reality show na Extra Challenge ng GMA-7, na ihu-host ngayon nina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

“Talaga?! Oh, I’m happy! Wow!

"I’m happy for them because Extra Challenge is such a nice concept for a Filipino TV show.

“Talagang sariling atin naman yun, e. I mean sa Channel 7, so it’s not like a franchise—which is good.”

Noong umalis siya dati sa show at sa GMA, sumama raw ang loob o nagtampo si Phoemela sa staff and production ng Extra Challenge. Meron pa ba siyang tampo sa dating network na pinanggalingan?

“A, no… wala, wala naman. It’s actually more siguro nagkaroon ng mga usap-usapan.

“But actually we’re still good friends, yung mga producers, okay naman kami.”

Kumusta na sila ni Paolo ngayong pareho na silang wala sa GMA-7?

“Okay naman, we’re all okay. We’re super happy naman sa aming kanya-kanyang mga endeavors ngayon,” sagot ni Phoemela.

Si Paolo ay nasa bakuran na ng TV5.

Ano naman ang masasabi niya na si Marian ang bale papalit sa kanya bilang female host ng Extra Challenge?

Sabi ni Phoemela, “Ay, taray! Di ba okay iyon, di ba?

“I’m really proud of the show kasi hindi siya franchise.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey ba ang relationship nila ni Marian?

“Oo naman. Kilala ko lang siya pero hindi naman yung super-duper close.”

QUIET LOVELIFE. Kumusta na ang lovelife ni Phoemela?

“Okay naman, ano… tahimik lang.”

Sino ba ang karelasyon niya ngayon?

“Wala, wala. Tahimik talaga, trabaho muna.”

Inspired ba siya?

“Oo, I’m inspired by work.”

Bakit hindi siya nag-aartista sa mga teleserye o sa pelikula?

“If given the chance, I will siguro po.

“Masyado lang talagang hectic yung schedule sa news every day. Iyon… pero given a chance.”

Sino ang leading man na gusto niya kung sakaling magpapaka-aktres siya.

“Ah, naku lahat! ’Yang sila Jericho Rosales… iyan.

“I find him talagang… yung character actor talaga, yung nagagalingan ako sa kanya,” puri ni Phoemela sa Kapamilya actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN