Aiza Seguerra on reaching 25th year in showbiz: “I may not be pretty girl or pretty boy... kumbaga, nandito pa rin ako."

Sa loob ng dalawampu’t limang taon niya sa showbiz, ito raw ang pinakaimportanteng bagay na natutunan ni Aiza Seguerra: “Kailangan mahal mo ang sarili mo na may respeto ka, sa kakayahan mo at mga alam mo na puwede mong ibigay sa mga tao rin. Kumbaga, you have to know when enough is enough and you have to know rin to give your best. Be passionate about life, about everything, because much more than getting paid na malaki, it’s all about leaving a mark. It&


Dalawampu’t limang taon na sa showbiz si Aiza Seguerra sa showbiz.

At bilang pagdiriwang sa mahalagang okasyon na ito sa career ng dating child wonder, isang major concert ang ihahandog ni Aiza sa kanyang mga tagasubaybay.

Ito ay ang Bente Singko: Aiza Seguerra Anniversary Concert na gaganapin sa Biyernes, September 28, sa Smart Araneta Coliseum.

Bibihira na sa mga artista o performer ang nakakaabot ng mahigit dalawang dekada at nasa itaas pa rin. Ano ang sikreto ni Aiza at narating niya ang estado na ito ng kanyang career?

“Siguro ano lang talaga, hindi ko nga alam kung paano nangyari.

“Siyempre, tinatanong ako ano ang sikreto, honestly, I don’t have idea.

“Basta ang alam ko lang, simula nang magsimula ako hanggang ngayon, minahal ko lang talaga ang trabaho ko nang todo.

“Nirespeto ko lang yung mga kasama ko sa paligid ko.

“Parang wala akong maisip kung ano ang espesyal na nagawa ko para makaabot ako rito.

“I guess, it’s just basic—you just have to love and respect people around you.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Aiza sa presscon ng Bente Singko kahapon, September 25, sa Max’s Restaurant sa Shaw Blvd., Quezon City.



HIGHS AND LOWS. Sa loob ng 25 years ay nagawa ni Aiza na tumalon mula sa pagiging child actress at teen star papunta sa pagiging acoustic singer.

Pagsang-ayon niya, “Yun nga, those things came, those things happened nang hindi conscious effort na kailangan mag-reinvent ako ng sarili ko.

“Hindi, e… kumbaga, nagpakatotoo lang ako sa sarili ko na gusto kong kumanta nang naka-gitara.

“’O, sige, ganito na lang ang gagawin ko. Kahit walang gaanong nanonood, basta nag-e-enjoy ako.’

“Siguro nagkataon lang din na nagustuhan lang din nila.”

Aminado si Aiza na bilang isang performer at artista, meron siyang “highs and lows” pagdating sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating din daw siya sa puntong naisip niya kung dapat pa ba niyang ituloy ang kanyang showbiz career.

“It is, it is,” sambit niya.

“Dumating yung time na naiisip ko, siguro hindi na ako para rito. Normal yun.

“Sabi ko noon, kung may project, may project. Kung wala, e, di wala.

“I’d rather focus sa school nun. Makatapos ako and help my family.

“E, wala, nabiyayaan ng isang pang chance.

“And I took the opportunity na, ‘Sige, subukan natin ulit.’”

Ang hit song niyang “Pagdating ng Panahon” daw ang nagbigay ng daan para sa tinatawag niyang “second chance” sa kanyang career.



NOT PART OF HER DREAM. Ayon kay Aiza, hindi niya pinangarap na magkaroon ng solo concert sa isang napakalaking venue gaya ng Smart Araneta Coliseum.

“It wasn’t part of my dream. Siguro, hindi ako nahihilig sa malalaki.

“Sa totoo lang, grabe ang pilit nila sa akin na, ‘Sige na, mag-Smart Araneta ka na.’ Kumbaga, nararapat lang na ganito.

“Sabi ko, ‘Hindi, mas gusto ko pa rin ang maliliit na venue.’ Kasi kapag nagpe-perform ako, ako yun, e.

“Sabi ko nga, hindi naman ako yung tipong sumasayaw na lumilipad o kung anuman—what people expect in Araneta concert, di ba?

“Hindi ako ganoon. I can get away with sitting down, playing with my guitar, kumanta lang, di ba?

“Yun lang ang gagawin ko.”

Pero sa Biyernes nga ay magko-concert na siya sa The Big Dome. Ano ang pakiramdam?

“Sa totoo lang, natetensiyon ako,” pag-amin ni Aiza.

“Nagsimula ang tension ko kahapon, Lunes [September 24].

“Kasi, for the longest time, tinatanong ako, ‘Excited ka na ba?’

“Hindi pa, kasi since co-prod [co-producer] din ako, yung Blackbird at saka That’s Ntertainment ni Joed Serrano, medyo doon kami nagpo-focus—sa production, sa pag-mount nito.

“So, kahapon, dun na ako medyo natensiyon—bilang isang producer at singer, nagsabay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit anong tira ko ng Paracetamol, walang nangyayari. Ang sakit ng ulo ko! Masakit na talaga ang ulo ko.

“Naglalagay na ako ng malamig na basahan, wala pa rin.

“Sabi ko, grabe na itong tension ko. Iba na yung nararamdaman mo.

“Yung bawat tibok ng puso mo, gumaganun na sa ulo mo. Ang sakit na talaga.”

Sa nararamdaman niyang tensiyon, ano ang mas lamang: yung pagiging producer niya o performer?

“Pantay kasi,” mabilis niyang sagot.

“Di ba, as producer, para sa akin, i-make sure mo na maayos lahat for the performer.

“E, ako rin ang performer na dapat ma-make sure ko na maayos lahat para sa audience. Alam n’yo yun?

“So, medyo mahirap, mahirap pala.”


AIZA’S GUESTS. Bilang co-producer ng anniversary concert niya, si Aiza ang pumili ng lahat ng mga kantang ipe-perform niya at videos na gagamitin.

Bigatin siyempre ang mga guest artists niya.

“Magaan naman sila,” biro ni Aiza.

“Actually, sina Tito Sen [Tito Sotto] and Tito Joey [de Leon], I don’t think they can make it. Kasi, may mga naoohan apparently.

“Medyo matagal ko na kasi silang kinausap about this. Maybe they forgot, I don’t know.

“But si Tito Vic [Sotto], he’ll definitely be there.

“Then si Kuya Martin [Nievera], Tito Gary [Valenciano], Sessionistas, Krizza Neri will be there…. Bayang Barrios, Cookie Chua, Gloc-9, and The Company.

“Lahat naman sila, sobrang part ng buhay ko. Kumbaga, hindi sila pinili sa commercial value. Walang ganun.

“Kumbaga, pinili ko sila kasi pantay-pantay sila sa puso ko.”

Dagdag pa ni Aiza, “At happy ako dahil lahat ng guests ko, pro bono. Walang nagpabayad sa kanila. Mga kaibigan talaga.

“So, happy ako na ganoon. So, it pays to be respectful with everybody around you.

“Pay it forward lang din, sa lahat ng ginawa nila for me and, definitely, I’ll do the same for them or everybody around me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Aiza, masosorpresa rin ang mga manonood dahil hindi lang mellow songs ang mapapakinggan nila. May rap daw at kung anu-ano pa.

Isa rin sa highlight sa Bente Singko concert ni Aiza ay ang Philharmonic Orchestra.

Isa rin ba ito sa pangarap niya?

Natatawang sabi ni Aiza, “Kasi, ganito ‘yan, since ayokong mag-malaking venue, sabi ko, ‘Sige, magpe-perform lang ako sa Araneta kapag meron akong orchestra sa likod ko.’

“E, kinol! So, sige, kasubuan na rin so, sige, gawin ko na ang gusto kong show.

“Okay lang sa producer na iba so sabi ko, ‘Sige, Araneta!’”


TWENTY-FIVE YEARS. Ngayong natapos na ang dalawampu’t limang taon ng showbiz career niya, ano pa ang gusto niyang gawin o makita sa mga susunod na taon sa karera niya?

Sahot ni Aiza, “Alam n’yo, hindi ko gaanong kina-career ang mga iniisip na ganyan, kasi madali akong ma-tensiyon, e.

“So, I just enjoy. Ine-enjoy ko lang araw-araw.

“All I want is sing and, hopefully, mas maraming tao pa at mas maraming henerasyon pa ang mas makarinig sa akin.

“Basta ang masasabi ko lang, saan man ako dalhin ng tadhana, I’ll be ready for it.”

Ano ang mga natutunan niya sa loob ng dalawampu’t limang taon niya sa showbiz?

“Kailangan mahal mo ang sarili mo—not in a selfish way.

“Kailangan mahal mo ang sarili mo na may respeto ka, sa kakayahan mo at mga alam mo na puwede mong ibigay sa mga tao rin.

“Kumbaga, you have to know when enough is enough and you have to know rin to give your best.

“Be passionate about life, about everything, because much more than getting paid na malaki, it’s all about leaving a mark.

“It’s all about you, inspiring people na, ‘Uy, they can do this kasi si Aiza nagagawa ‘yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I may not be pretty girl or pretty boy, or whatever, pero alam n’yo yun, if there’s one thing I am proud of, I am making a mark in the industry na akala ng lahat, nagri-rely lang sa good look.

“I may not have that, but kaya ko. Kumbaga, nandito pa rin ako.”



AIZA’S LOVELIFE. May plano ba siyang mag-produce ulit ng album ng ibang artists, tulad ng ginawa niya sa kanyang protégé na si Krizza Neri?

“Yes,” sabi ni Aiza.

“Siyempre susundan, pero tulad nga ng sinabi ko, noong pinu-promote namin ang kay Krizza, nag-iisa lang naman ako. Ako lang naman si Blackbird.

“So, siguro mag-iipon muna ng another funds. Hopefully next year.”

Magpo-produce din ba siya ng sarili niyang album under Blackbird?

“Definitely not this year, walang time.

“I’m also doing Be Careful With My Heart at yung Enteng…medyo loaded lang talaga.

“Hindi na ako tatangkad pag ganun!” natatawang biro pa niya.

Kinumusta rin namin si Aiza kung okay na ba siya ngayon na tila tapos na ang pagli-link sa kanila ni Krizza.

Sabi naman niya, “Honestly, I don’t really care about the issue anymore. Basta ako, we’re happy. We’re both happy.”

Career-wise, okay siya. Okay rin ba ang personal niyang buhay?

“Oh yes, oh yes,” sabi niya.

“Ako, naniniwala ako na… kasi, sinasabi nila na kapag suwerte ka sa career, malas ka sa lovelife. I don’t think so.”

So, masaya naman ang lovelife?

“Basta ang masasabi ko, masaya ako. Period.”

Sabi namin, hindi pala applicable sa kanya ang kasabihan na “bongga sa lovelife, zero sa career.”

Sagot ni Aiza, “I think it’s really about time management.

“If you really wanna make time, hindi lang sa trabaho kung hindi pati sa buhay mo, not just lovelife but your personal na buhay, ‘ika nga, kung gusto, may paraan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ISSUE ON RH BILL. Sa huli, tinanong din ng PEP si Aiza tungkol sa pagtatanggol niya kay Senator Tito Sotto tungkol sa isyu ng cyber-bullying bagamat magkaiba sila ng pananaw sa isyu naman ng Reproductive Health Bill o RH Bill.

Paliwanag ni Aiza, “Ang statement ko dun, like I’ve said, we may not be on the same side, kasi he’s anti and I’m pro-RH, pero sana lang, hindi lang kay Tito Sen, but sa lahat.

“Kasi, ang nangyayari, sa init ng debate, sa init ng isyu, we tend to forget na irespeto pa rin natin ang hindi natin kakampi o yung mga katunggali natin.

“So, yun lang. I just wish na lahat tayo matuto rin na kahit hindi on the same side… kasi normal naman yun.

“Palagi naman tayong merong hindi pagkakaunawaan, pero sana lang, kumbaga, huwag nating ibaba ang sarili natin.

“Huwag tayong mag-name calling or whatever.

“Kasi, I don’t think it helps. I don’t think it helps the issue.”

Bilang pro-RH siya, hindi ito nagiging isyu sa pagitan nila ni Tito Sen?

“Well, we don’t talk about it,” sabi niya.

“Ano naman, e, it’s politics. Kumbaga, kapag tungkol sa pulitika, prinsipyo rin.

“You don’t talk about principles with your friends. Kumbaga, understood na yun.

“Yun ang prinsipyo niya and I understand.

“If he doesn’t want it, I’m fine. Kumbaga, ako naman, gusto ko.

“And I’ll do my best na i-lobby ko yun sa mga tao. Iparinig ko sa mga tao na these are what I think is right without telling na, ‘Hindi, ganito ka, ganito…’

“I think it’s better to focus your energy na maipamudmod mo sa mga tao kung bakit sa tingin mo, nararapat ‘to for them, kesa magsalita ako ng bad things about someone who doesn’t believe on that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN