Dingdong Dantes sees no problem with girlfriend Marian Rivera working with Richard Gutierrez

Ito ang naging reaksiyon ni Dingdong Dantes nang malamang magkakasama ang kasintahang si Marian Rivera at si Richard Gutierrez sa Extra Challenge: “That’s good. At least, may trabaho siya. At saka, basta ba enjoy siya sa gagawin niya. And for me, may reason kung bakit siya kinuha for that. At bakit naman hindi niya gawin ang isang bagay na may pangangailangan sa kanya?


Nagkaroon ng autograph signing si Dingdong Dantes para sa comics version ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles sa National Bookstore Megamall kahapon, September 25.

Kasama ng Kapuso actor ang isa pang cast ng pelikula na si LJ Reyes at ang mga illustrator ng Tiktik comics.

Sabi ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Dalawang entertainment ‘yan.

"Kung comics fans ka, puwede mo siyang mabasa and appreciate yung comics.

"And at the same time, kung ano ang mababasa mo do’n, ibang interpretation naman sa pelikula.”

Ang buong team daw ng Tiktik ang nakaisip na gawin muna ang pelikula bago ang comics. Dahil dito, ibinase raw talaga ang mga drawings o illustrations sa comics sa mga eksena nila sa pelikula.

“Halimbawa, yung mga jumping shot ni LJ, isinakto talaga sa still photos,” masayang sabi ni Dingdong.



BIG-BUDGETED FILM? Palapit na nang palapit ang showing ng Tiktik.

Mas nae-excite ba o kinakabahan si Dingdong sa pagpapalabas ng pelikula dahil hindi lang siya ang bida rito kundi isa rin siya sa producers?

“Looking forward,” sambit ng aktor.

“Ang daming positive feedbacks. Nakakatuwa.

"Kahit paano, nagbubunga na ng ganito kaaga pa lang ang pinaghirapan namin.

"Pero gusto kong sabihin sa lahat, that wait ‘til you see the final product.

“Dahil kung anuman ang nakikita n’yo ngayon, wala pa yun.”

Sinasabing mahigit 80 million pesos na ang puhunan nila sa pelikula, hindi ba siya kinakabahan?

“Wala, not at all,” nakangiti niyang sabi.

“It’s really not the value or monetary ng kung ano ang inilabas, but it’s the value ng kung ano mismo yung pinut naming lahat na involved party.

"It’s really something that we all want to do.”



PAOLO CONTIS. Naitanong din ng PEP kay Dingdong ang tungkol sa kaibigang si Paolo Contis at sa nabalitang hiwalayan nito sa asawang si Lian Paz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama kasi nina Dingdong at Paolo sa Amerika para sa show roon ng Manny, Many Prizes kaya malamang ay napag-usapan nila ang nasabing isyu.

Pero ayon kay Dingdong, “Unfortunately, hindi rin kami nakapag-usap.

“Kaya ko naman sinasabing it was unfortunate, siyempre, I also want to know kung ano talaga ang nangyayari.

“But, alam ko rin naman kahit papaano kung ano yung basic. Kung ano yung mga detalyadong panunuri, e, hindi na naganap.

“Basta ang importante, I trust his judgment.

“Kung ano yun, e, sila lang ang makaka-solve nun.

“Basta kami, kung anuman, through thick and thin, or kung saan man ‘yan, basta kailangan ako bilang kaibigan, e, nandiyan ako.”

Ano ang reaksiyon niya sa kinasapitan ng pagsasama nina Paolo at Lian?

“Siyempre ako, nalulungkot ako,” sabi niya.

“But, gaya ng sinasabi ko, maaaring ang opinyon ko won’t matter because it’s something na sila lang talaga ang makaka-resolve and it’s really just between them.

“At saka ang role ko naman diyan, ninong sa mga anak niya at hindi naman yun mababago.”



MARIAN RIVERA. Samantala, ang tambalan nila ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera ay tila matagal pa raw mapapanood muli ng mga tagahanga nila pagkatapos ng My Beloved.

Sa ngayon kasi, ang daming projects ni Dingdong sa TV at pelikula na hindi si Marian ang kasama niya.

Ganun din naman si Marian na ang proyekto ngayon ay ang Extra Challenge kasama si Richard Gutierrez.

“Why not?” nakangiting reaksiyon ni Dingdong sa pagsasama nina Marian at Richard.

Ito ang ikalawang pagsasama nina Marian at Richard sa isang proyekto. Una silang nagkasama sa pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend noong 2008.

Bilang boyfriend, kinailangan bang ipaalam sa kanya ni Marian ang proyekto nila ni Richard?

“Hindi, e. Kapag mga project naman namin, hindi naman namin… I mean, we don’t make it a practice na ipinapaalam namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi namin na we want to do this. Na ito ang mga naka-lineup sa amin, pero hindi namin ipinapaalam sa isa’t isa.”

Noong sinabi sa kanya ni Marian na gagawin nito ang Extra Challenge kasama si Richard, ano ang naging reaksiyon ni Dingdong?

“That’s good. At least, may trabaho siya. At saka, basta ba enjoy siya sa gagawin niya.

“And for me, may reason kung bakit siya kinuha for that.

"At bakit naman hindi niya gawin ang isang bagay na may pangangailangan sa kanya?

“Dahil maaaring, you know, siguro may nakita sa kanya na something noong ginawa nila ang Pinoy Adventure na talagang bumagay sa kanya.

“That’s good, di ba? It’s also good that she explores her different talents para kahit paano, hindi rin siya burnt-out sa pag-arte lang.

“At alam ko, gusto rin niyang gumawa ng hosting stint. And finally, this is it, regardless kung sino ang kasama niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN