Brillante Mendoza not bothered by criticisms that his films are not commercially successful

Ayon kay Direktor Brillante Mendoza (kanan), gumagawa ang mainstream filmmakers ng commercial movies sa hangaring kumita mula sa target audience nito. Iba raw sa hangarin naman ng mga katulad niyang indie filmmaker. "Ang objective mo is to look for the right audience to understand your film. Mas meron kang higher purpose, hindi lang yung commercialism o box office," aniya.

Kasama ni Direk Brillante sa larawan ang lead star ng kanyang


Muling makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Brillante Mendoza noong Biyernes ng gabi, September 21, sa kanyang garden-office-residence sa Chantily Villas, Mandaluyong City.

Nataon din ang panayam sa masayang party ng cast at staff ng Sapi, ang bagong indie film na katatapos lang ng shooting.

Nagkakasayahan ang grupo, led by Direk Brillante and his principal stars, Meryll Soriano, Baron Geisler, and Dennis Trillo.

Wala sa party ang isa pang aktor, si Kristofer King.

Despedida rin ito ni Direk Brillante, before he left for Bologna and Rome in Italy and St. Petersburg, Russia; to attend a retrospective of his films.

"Ipi-feature nila yung works ko," banggit ni Brillante.

Kabilang din sa selection, bilang exhibition entry sa Bologna filmfest, ang much-celebrated Venice International Film Festival entry na Sinapupunan (Thy Womb), Direk Brillante’s latest work.

Pinagbidahan ito ni Nora Aunor, with Bembol Roco, Mercedes Cabral, and Lovi Poe.

Bahagi naman ng retrospective screenings ang Captive, starring French actress Isabelle Huppert and a number of Filipino actors.

Main competition entry ang obrang ito ni Brillante, sa Berlin International Filmfest, noong February. Nagkaroon din ito ng commercial screenings kamakailan sa Metro Manila at provincial theaters.

OTHER FILMFESTS FOR THY WOMB. Samantala, binanggit ni Brillante ang iba pang filmfests abroad na sasalihan ng Thy Womb.

Bukod sa Venice, Italy, nailahok na rin ang Thy Womb sa Toronto International Film Festival sa Canada.

"Now, it’s showing in Busan in [South] Korea; and we will compete in Dubai filmfest," pahayag ni Brillante.

Sa December ang Dubai International Film Festival, after Thy Womb’s Philippine premieres and theatrical screenings.

Nabanggit na rin ni Brillante sa PEP ang tatlong premiere nights para sa pelikula niyang ito sa Davao City on November 23, sa Cebu City on November 26, at sa Manila (SM Megamall) on November 27.

Sa November 28 naman ang simula ng regular commercial/theatrical run ng Thy Womb, sa Metro Manila at mga probinsiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Italy, Busan, at Dubai filmfests, itatanghal din ang Thy Womb sa Mumbai, India, this October.

Dagdag pa niya, "May exhibition din ito sa Goa [India, sa November], Brisbane [Australia], Vienna [Austria], at Ghent [Belgium]."

At press time, naiparating din ng supporters ni Ate Guy kay Direk Brillante ang hangaring mailahok ang Thy Womb sa taunang Cinemanila International Film Festival, na pinamamahalaan ni Direk Tikoy Aguiluz.

FULFILLMENT. Para kay Direk Brillante, isa nang maituturing na fulfillment ang naging kolaborasyon nila ng Superstar na si Nora Aunor—bilang director-actor—sa una nilang pinagsamahang pelikula, ang Sinapupunan (Thy Womb).

"In a way, yes. Kasi, kahit na hindi talaga kami nakakuha ng major awards sa Venice, mas naiparating sa publiko ang naging pagtanggap sa pelikula," sabi ni Direk Brillante.

Gayunman, nakapag-uwi ng tatlong parangal ang Sinapupunan (Thy Womb) para kina Nora at Brillante sa sinalihang Main Competition section ng 69th Venice International Film Festival na ginanap sa Venice, Italy, nung August 29 hanggang September 8.

Nanalo si Nora Aunor ng parangal na Bisato d’Oro Premio Della Critica Indipendente, mula sa Italian independent critics. (CLICK HERE to read related story.)

Si Direk Brillante naman ay nag-uwi ng parangal na La Navizella Venezia Cinema prize, mula sa mga kritiko at manunulat ng publikasyong Rivista del Cinematografo, isang Italian film journal.

Nakamit din ng Thy Womb ang P. Nazareno Taddei Special Mention prize sa mismong kumpetisyon.

Patuloy na pahayag ng 2009 Cannes International Film Festival Best Director awardee:

"Ito ang palagi kong sinasabi, e. Tuwing nandoon," na ang ibig sabihin ni Direk Briallante ay kapag nasa ibang bansa sila at nagku-compete.

"Mas nakikita namin kung ano yung reception o pagtanggap. Kasi kami ang nandoon, present kami.

"Hindi lang ito yung publicity o promotion, para lang sabihin na tinanggap yung pelikula mo. Napi-feel mo talaga, e. Mapi-feel mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Direk Brillante, lalo na para kay Ate Guy.

"Pinapalakpakan talaga siya!" sabi ng direktor. "And even after the winner was announced, pinapalakpakan siya!

"’To us, you are the winner!’" sabi raw ng mga foreign news correspondents at ibang Italyanong journalist-critics.

Isang aktres mula sa Israel, named Hadas Yaron, ng pelikulang Fill The Void, ang siyang nag-uwi naman ng Volpi Cup bilang 2012 Venice filmfest best actress.

DISCREPANCY?Binanggit din ni Direk Brillante ang tungkol sa sinabi o naisulat ng Italian film critic at Venice filmfest committee member na si Paolo Bertulin sa blog nito.

Si Bertulin ay kabilang sa diumano’y "five-strong committee" na namamahala sa programa ng taunang Venice international filmfest.

Inimbitahan siyang mapabilang sa naturang komite ng Artistic Director ng Venice festival na si Marco Muller, mula pa noong 2007.

Sabi ni Brillante, tungkol sa statements ni Bertulin:

"Sabi niya, tungkol sa ranking ng mga competition entries—18 films, including Thy Womb—lagi kaming nasa Top 3!

"Magkapareho nga kami ng Pieta," banggit pa ni Brillante.

Ang South Korean entry na Pieta ang nag-uwi ng Golden Lion Prize for Best Picture sa Venice filmfest ngayong taon.

"At one point, 3.5 na ang ranking ng Thy Womb, kapareho ng Pieta, pero tatlo pa ang hindi nag-vote sa amin."

Ang tinutukoy ni Brillante na tatlo ay ang tatlong jury members na bumoboto sa mga kasaling pelikula.

Sa Pieta, nag-vote na raw lahat.

"Nag-tie kami ng Pieta," banggit ng direktor.

"Mula sa international critics ’yon. Among the foreign journalists, we are on the top 3, top 4.

"Ang among the foreign critics, we’re also on the top 3, top 4.

"Nagtataka ngayon si Paolo Bertulin, sabi niya, ’Why, among the Top 5, it’s only Thy Womb who didn’t get any of the top awards?’

"For the international critics and local journalists, same opinion: Thy Womb is on the top 5 and it didn’t get a top award?!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may "discrepancy" man sa naging resulta ng botohan, o pilian ng top winners, is anybody’s guess. Pero hindi ito ikina-disappoint ni Direk Brillante.

"This is only one festival... marami pa namang... [festivals na] sasalihan."

Masaya pa rin si Brillante sa naging pagtanggap sa Philippine film entry sa Venice filmfest at sa mga parangal na naiuwi nila ni Nora Aunor.

"Ok na rin ’yon. Importante yun.

"Yes, it’s outside the festival, but these are the critics of the festival!" katuwiran pa ng premyadong filmmaker tungkol sa naiuwi nilang awards.

BIGGER OBJECTIVES. Pang-siyam na feature film na ni Direk Brillante ang Sinapupunan (Thy Womb), at muli, hindi nagmintis ang obra sa punto ng pagkakaroon ng positibong pagtanggap at parangal sa ibang bansa.

Nakakaramdam pa ba ng kaba o magkakahalong emosyon ang direktor tuwing sumasali siya at ang pelikula niya sa international film competitions?

"Hindi naman..." aniya, "sa akin kasi, as I’ve always been saying, itong mga recognition na ito, mga bonus ’yan, e.

"Kasi, ang mas nararamdaman ko, yung...’Ano ba ang objective ko, as a filmmaker?’

"Meron akong mga objective kasi na... maybe I have bigger objectives na mas ma-appreciate ang pelikula ko, ang message ko.

"Kapag yun na-achieve, ibig sabihin, naiparating ko ang message ko.

"And then, the recognition and the awards, bonus na lang ’yan."

Hindi rin binabale-wala ni Direk Brillante ang halaga ng mga parangal na nakakamit para sa mga pelikula niya.

"Itong mga acclaim na ito, parang ’yan ang nagba-validate ng mga works ko. It validates everything.

"So, ano pa ba ang hihilingin mo? Ano pa ba ang kailangang i-prove mo?

"Ang importante, na-prove ko sa sarili ko na na-achieve ko yung goal ko. Yun ang important thing."

BIGGER AUDIENCE. Hinggil dito, sinabi ng direktor ang kahalagahan ng pag-impart ng mga mensahe sa kanyang mga pelikula to a bigger or greater number of audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bilang direktor at producer, may mga bumabatikos sa kanya na nagsasabing hindi lahat ng kanyang mga pelikulang indie ay nagkakaroon ng regular commercial screenings sa mga sinehan sa Pilipinas.

At ayon pa sa kanyang detractors, karamihan, kung di man ang lahat ng kanyang mga obra na naitanghal sa mga sinehan sa ating bansa, ay hindi kumita sa takilya.

Bagamat hindi nakikipagtalo sa opinyon ng iba—detractors man o hindi—may hangarin si Brillante na maipaabot ang mensahe ng kanyang mga pelikula sa mga mag-aaral na Pilipino.

Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng regular retrospective screenings ng kanyang mga pelikula, sa iba’t ibang dako ng bansa.

"Oo, sa akin naman kasi, yun din ang mahalaga.

"What is important is that the people who appreciate the films and the people who watch the films are the people who matter.

"Hindi naman sa minamaliit ko yung mainstream," patuloy ni Brillante tungkol sa mainstream movie producers and filmmakers.

"Ang ibig ko lang sabihin doon, they have a different objective and a different purpose, na ibang-iba sa objective namin."

Iba raw talaga ang hangarin ng mga katulad niyang independent filmmaker at producer.

"Sila kasi," tukoy ni Brillante sa mga mainstream filmmakers, "they’re here to commercialize the films. They’re using formulas.

"Kapag formula kasi, may hini-hit kang certain audience, e.

"Dito sa indie, iba naman, e. Hindi naman yun ang objective mo.

"Ang objective mo is to look for the right audience to understand your film.

"Mas meron kang higher purpose, hindi lang yung commercialism o box office.

"Yung box office, puwede mo rin namang gawing goal ’yan, e. Magpaka-commercial ka, puwede rin naman yan. e.

"And they achieve their goals very well, because they make money," sabi ni Direk Brillante tungkol sa commercial filmmakers.

"Everybody wants to do a commercial film... Kaya ang nasa indie, sila naman ang alternative filmmakers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kaya ka alternative, hindi para makipag-compete sa mainstream.

"’Cause mainstream will always be mainstream, at ang alternative will always be alternative.

"Hindi totoo na ang alternative films ang papalit sa mainstream. Hindi totoo yun. Kaya nga tinawag na alternative," paliwanag pa ni Direk Brillante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN