Rocco Nacino plays another gay role in indie film; denies Lam-ang is already shelved

Rocco Nacino on playing another gay role in an indie film: "Para sa akin, last na itong sa I Love You Pare. Kasi, although gusto kong maging versatile actor, pero ang peg ko is more of an action-dramatic actor."


Naghahanda na si Rocco Nacino para sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Yesterday’s Bride, na pagtatambalan nila ni Lovi Poe.

Last Monday, September 24, nag-pictorial na sila para rito. At sa October 3, Miyerkules, naman daw magsisimula ang kanilang taping.

Sabi ni Rocco, “Second time na namin ito ni Lovi na magkasama sa trabaho.

“Yung unang project namin together is Love Bug, yung romance-comedy series ng GMA dati na kinunan sa Palawan.

“Excited ako kasi… since we’ve worked together na nga before, ang dami nang nangyari—lalo kay Lovi.

"Ang dami na niyang napanalunang awards, pagaling siya nang pagaling.

“Tapos ngayon, may project ulit kami together. Parang na-pressure naman ako bigla!” sabay tawa ng young actor.

“Kasi, award-winning actress si Lovi. Kaya ang nararamdaman ko, excited, pero at the same time, a lot of pressure din.”

Award-winner din naman si Rocco. This year alone, he won Breakthrough Performance By An Actor award sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) at New Movie Actor sa Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Patuloy ng StarStruck alumnus, “Nanibago ako na magkakasama kami ulit ni Lovi sa trabaho, pero in a good way.

"Kasi nga, she has achieved so much.

“Pero after no’ng first na pagsasama namin sa Love Bug, sobrang naging close naman kami ni Lovi.

"Magkaibigan talaga kami, at nagdya-jive din yung ugali namin.

"At saka may common friends din kasi kami, e. Kaya dati, nagkakasama-sama din.

“Kaso lately, hindi na, e, dahil sobrang busy rin kasi niya."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, September 23.



CRUSH ON LOVI. Natatandaan namin na sinabi ni Rocco noon na crush niya si Lovi. Inamin naman ito ng young actor.

“Nung bagong pasok ako sa showbiz, isa nga siya sa nabanggit ko na crush kong female celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya kasi yung typical morena na ang lakas ng appeal," sabi ng binata.

Iyon nga lang, taken si Lovi during that time. Karelasyon pa noon ng aktres si Ronald Singson kaya siguro hindi siya nakaporma, biro namin.

Ngiti lang ang naging reaksiyon ni Rocco.

“Pero at least, I got the chance ngayon to be with her in a teleserye.

"Maganda ang story nitong Yesterday’s Bride na pagsasamahan namin.Very different talaga.

“Mag-asawa ang role namin, pero may mangyayari.

"Kaya Yesterday’s Bride ang title, may mangyayari sa kasal namin.

"Tapos papasok sa story si Karel Marquez. Ka-triangle namin si Karel.

"Tapos si Luis Alandy rin, kasama namin na magiging kaagaw ko naman kay Lovi.

"So, bale dalawang love triangle ang mangyayari rito kaya malalim ang story.

“Ang alam ko, sabi ni Lovi, nag-usap daw sila ng mga writers. And they came up with something really different from the usual formulas sa mga teleserye.

"Kaya tingin ko talaga, magki-click ito. Mahu-hook ang audience na manood nito.”

Mag-i-story conference pa lang daw sila para sa Yesterday’s Bride kaya wala pang idea si Rocco kung magkakaroon ba sila ng intimate scenes o kissing scenes ni Lovi.

Pero aniya, “If ever na meron, well, it’s part of the work, e. Sa story, kung kailangan talaga.

"Basta professional dapat pagdating sa mga ganyang bagay. Dapat na i-maintain yung professionalism.

“Nagawa ko na naman yung mga ganyang eksena noon with Jennylyn [Mercado] sa Gumapang Ka Sa Lusak.

"Iyon yung time na kabadong-kabado ako kasi first time nga.”

Katatapos lang kasi noon ang StarStruck V, kung saan naging Second Prince si Rocco.

LAM-ANG. Matagal nang nabinbin ang shooting ng pinagbibidahang Ilocano epic film ni Rocco, ang Lam-ang.

May isyu na tuluyan na raw na-shelve ang nabanggit na proyekto, pero pinabulaanan ito ng Kapuso young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nakakausap ko naman ang director namin [Ana Agabin], hindi raw shelved.

“I was assuming na shelved na, pero hindi naman pala. On-hold lang daw ang pagre-resume ng shooting namin.

"Ang alam ko, takot pa rin ang producer at ang buong production sa weather—na on-off ang pag-ulan.

“Thirty percent na ng pelikula ang nakukunan namin. Kung masi-shelve ‘yon, sayang naman.”

GAY ROLE. Ang huling teleserye na ginawa ni Rocco ay ang The Good Daughter kung saan naging leading man siya ni Kylie Padilla.

Sa nakaraang tatlong buwan matapos ito, pakiramdam daw ni Rocco ay sabik na siyang magkaroon ulit ng bagong teleserye.

“Yung free time ko, inilaan ko muna sa training pa rin ng arnis at Muay Thai, tapos working out to keep fit.

“Na-excite ako talaga nang mabalitaan ko na merong Yesterday’s Bride na pagkakaaabalahan ko ulit—masaya."

Sabi pa niya, “May nagawa rin akong indie movie, yung I Love You Pare Ko. Kasama ko dito si Rodjun Cruz.”

Bading ang role ni Rocco sa pelikulang ito.

Pero kumpara sa role niyang isang discreet gay sa indie movie ring Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (2011) with Paulo Avelino, screaming faggot daw talaga ang character niya rito sa I Love You Pare Ko.

“Parang Roderick Paulate sa pagpu-portray ng gay roles—yun ang peg ko. Kasi comedy ‘yong movie.

“Pero not too much naman yung pagiging screaming faggot ko, siyempre ayaw rin ng Artist Center.

“Tinanggap ko yung role for the purpose of being versatile.

"Kasi nga, gusto kong maging versatile actor, na drama tapos sundot ng comedy.

"Para mahasa at madagdagan yung knowledge ko about acting.”

Okey lang sa kanya talaga ang pagpu-portray ng gay roles?

“A, hindi! Para sa akin, last na itong sa I Love You Pare.

"Kasi, although gusto kong maging versatile actor, pero ang peg ko is more of an action-dramatic actor," sabi ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN