Anne Curtis and Governor ER Ejercito win top acting honors at 60th FAMAS Awards

FAMAS 2012 winners: (L-R) Anne Curtis, Best Actress for No Other Woman; ER Ejercito, Best Actor for Manila Kingpin; and Angelica Panganiban, Best Supporting Actress for Segunda Mano.


Hindi man sumipot ang karamihan ng nominees—lalo sa major categories na Best Actress at Best Actor, Best Supporting Actress at Best Supporting Actor—sa ginanap na 60th FAMAS Awards, ang presence ng iilang sikat na artista bilang hosts, emcees, special awardees, at major winners ay naging sapat para maging masigla rin ang kabuuan ng taunang pagpaparangal.

Ito ang diamond anniversary ng Filipino Academy of Movie Arts And Sciences kaya ginanap uli ito sa isang malaking venue, ang Fiesta Pavillon ng Manila Hotel, at may sit-down dinner na nakagawian na ng itinuturing na oldest local award-giving body sa industriya ng pelikula.

Napuno ang venue ng maraming kaibigan at business affiliates na kaugnay ng mga bumubuo ng FAMAS.

Pero ang grupo ng mga artista at technical people na pararangalan ay kakaunti, kung ang pagbabasehan ay ang bilang ng mga nominado sa iba’t ibang kategorya.


EVERY INCH A STAR. Nanguna sa nagbigay-ningning sa gabi ng FAMAS ang actress-TV host na si Anne Curtis, na nanalong Best Actress para sa kanyang role bilang "other woman" sa adult romance-drama na No Other Woman.

Nang dumating sa venue si Anne bago maghatinggabi ay nagkaroon ng higit na star value ang event.

Masasabing radiant si Anne in her backless green gown at masasabi ring she was every inch a star.

Agad siyang pinalibutan ng mga naroong TV news crew bago siya tawaging winner, at lalo na noong matapos siyang tanghaling Best Actress.

Nakatunggali ni Anne sa Best Actress category sina: Cristine Reyes (No Other Woman), Rhian Ramos at Marian Rivera (Ang Panday 2), Pokwang (A Mother’s Story), Carla Abellana (My Neighbor’s Wife), Kris Aquino (Segunda Mano), at Angel Locsin (In The Name Of Love).

Ang kapwa-Kapamilya talent ni Anne na si Angelica Panganiban ay late dumating sa venue kaya tinawag na lamang siya para magbigay ng kanyang acceptance speech.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagwaging Best Supporting Actress si Angelica para sa kanyang pagganap sa Segunda Mano.

Gayuman, sina Anne at Angelica ang maituturing na dalawang pinaka-popular at pinakatanyag among last night’s set of awardees.

Karagdagan sa kanila si Carla Abellana, na best actress nominee din at isa sa mga nagsilbing host, kasama sina RJ Ledesma, Grace Lee, at Victor Basa.


ANGELICA’S SPEECH. Ayon kay Angelica, nagpapasalamat siya sa award na ibinigay sa kanya ng FAMAS para sa Segunda Mano, kung saan ginampanan niya ang papel ni Mariella, ang yumaong asawa ni Dingdong Dantes, na nagmulto sa kanyang "ate" Kris Aquino ugnay sa isang mahalagang mensahe.

"Sa totoo lang, nagulat po ako na nanalo ho ako sa pelikulang Segunda Mano. Nakakatuwa ho na isipin na kahit ho bigyan ka ng maliit na role sa isang pelikula e napapansin n’yo ho iyon."

Sa kabuuan ng kanyang speech ay masayang-masaya si Angelica.

"Alam n’yo ho, nakakatuwa kasi unang award ko ho ’to na gumawa ako ng horror film at nakakuha po ako ng award.

"Actually, kumpleto ko na ho, so thank you FAMAS, naikutan ko na ho lahat.

“Maraming salamat sa pagtitiwala sa ’kin, kinumpleto niyo ho ang career ko."

Si Angelica ay naging Best Child Actress FAMAS awardee para sa Sarah, Ang Munting Prinsesa (1996) at Best Supporting Actress awardee ng FAP-Luna Awards para sa A Love Story (2008).

"Thank you, Star Cinema, sa pagbibigay po sa akin ng characters, na nagtitiwala at naniniwala kayo nang paulit-ulit sa akin, at binibigyan n’yo ako ng iba’t ibang klaseng roles, at naniniwala ho kayo na maitatawid ko ’yon."


CLEAN SWEEP. Masayang grupo rin ang nasa mesa na inilaan sa mga Best Picture nominees na Ang Panday 2 ni Senator Bong Revilla at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story nina Laguna Governor ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez-Ejercito at ng buo nilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakadalo si Senator Bong pero ikinatuwa na rin ng mga kabilang sa Panday 2—sa pangunguna ng showbiz couple and movie producers na sina Carlo J. Caparas at Donna Villa—ang ilang parangal na napanalunan ng pelikula, kabilang ang para sa child actor na si Buboy Villar.

Nanalo ring Best Story ang Panday 2 ni Carlo J., co-written by RJ Nuevas). Nagkamit ng panglimang panalo si Caparas sa kategoryang ito, kaya nailuklok siya kagabi, bilang story writer, sa FAMAS Hall of Fame.

Tulad sa mga naunang pagpaparangal ng 2011 Metro Manila Film Festival, Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club), Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro), at FAP-Luna Awards ng Film Academy of the Philippines, nakamit ng Asiong Salonga ang pinakamaraming parangal sa iba’t ibang kategorya.

Kabilang na rito ang pinakamataas na karangalang Best Picture, Best Director para kay Tikoy Aguiluz, at Best Actor para kay Jorge Estregan o Governor ER Ejercito.

Nakatunggali ni Governor ER sa Best Actor sina: Aga Muhlach (In The Name Of Love), TJ Trinidad (The Road), Derek Ramsay (No Other Woman), Dingdong Dantes (Segunda Mano), Noni Buencamino (Amok), at Ramon "Bong" Revilla, Jr. (Ang Panday 2).

Bukod sa almost "clean sweep" sa major at minor technical awards sa mga nabanggit na award-giving bodies, may mga nominasyon din at ilang karangalang naiuwi ang Manila Kingpin sa Urian Awards at sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS).

"Ako’y natutuwa at nire-recognize ng lahat ng award-giving bodies ang lahat ng aming paghihirap para makagawa ng quality films for the mainstream Philippine Cinema," sabi ni Governor ER sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang awarding ceremonies.

Dagdag pa niya, "At dahil sa paggawa ko ng pelikula taun-taon, marami tayong mga artistang natutulungan, at quality films pa ang ating nagagawa, na Graded A pa ng Cinema Evaluation Board.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


GRATEFUL. Maagang dumating sa venue si Baron Geisler, pero hindi raw siya masyadong umaasang mananalo, hanggang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng Best Supporting Actor para din sa Manila Kingpin.

Ginampanan ni Baron dito ang papel ni Boy Toothpick, isa sa mga henchmen ni Asiong Salonga noong ’50s.

"I feel blessed!" sambit ni Baron nang sandaling makausap ng PEP matapos ang awarding.

"Ang laki talaga ng utang na loob ko kay Gov. Hindi ako nagkamali nang kunin niya ako para diyan [Asiong Salonga]. Kinuha pa rin niya ako para sa El Presidente...

"Ang laki din ng utang na loob ko kay Direk Tikoy Aguiluz," banggit pa ni Baron sa direktor ng Manila Kingpin, na mismong pangalan na ng direktor ang pinarangalan.

"I’m very grateful sa press. Yung buong industriya talaga... love na love ko sila.

“Kahit hindi ako ganun kabait, mahal pa rin nila ako... nakita rin nila ang pag-ibig na galing sa akin.

“Mahal ko lang talaga ang ginagawa ko."


ROLE MODEL. Kabilang sa mga tumanggap ng German Moreno Youth Achievement Award ang mga young stars: Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin ng Kapuso/GMA-7; Enrique Gil, Daniel Padilla, at Jessy Mendiola ng Kapamilya/ABS-CBN 2; at Edgar Allan Guzman ng Kapatid/TV5 network.

Si Edgar Allan ang kauna-unahang youth achiever ng FAMAS mula sa Kapatid network.

May prepared speech si Edgar Allan na binasa niya mula sa kanyang cell phone.

Aniya sa isang bahagi niyon: "Ang karangalang ito ay hudyat ng napakaraming bagay sa akin... isa itong patunay na mayroon siguro akong nagagawang mabuti sa buhay ko.

"Para sa akin, nire-represent ko ang kabataan at handa akong maging modelo para sa kanya," sabi pa ni Edgar.


THE WINNERS. Narito ang kumpletong talaan ng mga nanalo sa 60th FAMAS Awards:

Best Picture— Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (Viva Films and Scenema Concepts, Inc.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Director—Amable "Tikoy" Aguiluz VI, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Screenplay—Roy Iglesias and Rey Ventura, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Actress—Anne Curtis, No Other Woman

Best Actor—Jorge Estregan, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Supporting Actress—Angelica Panganiban, Segunda Mano

Best Supporting Actor—Baron Geisler, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Child Actress—Xyriel Manabat, A Mother’s Story

Best Child Actor—Buboy Villar, Ang Panday 2

Best Story—Carlo J. Caparas and RJ Nuevas, Ang Panday 2

Best Musical Score—Jesse Lasaten, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Theme Song—"Hari Ng Tondo", Music/Lyrics by Mike Rivera and Augie Rivera, performed by Gloc 9, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Editing—Jason Cahapay and Ryan Orduna, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Cinematography—Carlo Mendoza, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Art Direction— Richie Besas and Elmer Gamila, Ang Panday 2

Best Visual Effects—Serjohn Bato, Veder Bato, and Kuckoy Dela Cruz, Ang Panday 2

Best Special Effects—Charles Albert Alabado and Raymund Almaran, Ang Panday 2

Best Sound—Ditoy Aguila, Lucy Quinto, Warren Santiago, and Ariel Serafin, Ang Panday 2

SPECIAL AWARDS

Art Padua Memorial Award—Ricardo F. Lo, columnist-TV host, Philippine Star and Startalk (GMA-7)

Dr. Jose R. Perez Memorial Award—Ricky Lo, "Funfare" columnist, Philippine Star

Exemplary Award for Public Service—Atty. Persida Rueda-Acosta, Public Attorney’s Office (PAO) Chief and TV host, Asunto O Areglo (TV5)

Huwarang Artista Sa Larangan ng Serbisyo Publiko—Hon. Alfred Vargas, Q.C. Councilor, District 2

Posthumous Award—former DILG Secretary Jesse Robredo (deceased)

Outstanding Public Service Award—Laguna Governor ER Ejercito

FAMAS Grand Award - Sam Low Ban Chai, Chairman and CEO, Edmark, International (manufacturing-trading firm)

Outstanding Lady Producer Award—Atty. Annette Gozon-Abrogar, Mother Lily Monteverde, Ms. Malou Santos, and Ms. Donna Villa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

German Moreno Youth Achievement Award—Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Enrique Gil, Daniel Padilla, Jessy Mendiola, and Edgar Allan Guzman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN